III... Gravi teh

21 1 0
                                    

HIS POV
Ang vain niya pala, hahaha hindi ko akalain na ang isang tulad niya ay ganito ka vain, puro pa cute at pabebe yong mga post at picture niya. Ang isang tulad na cool at astig na girl ay pabebe pala. Ang cute naman talaga niya at ang ganda pa.

"Tol tara na uy,"

"Wait lang."

"Sino ba kasi yang stino-stalk mo?"

"Gago!" Natatawang tumayo ako at hinagis sa kanya ang bola at tinago ang phone ko. Tumawa naman silang lahat at inakbayan ako. Mga gago talaga.

Dumi dribble ako ng bola habang sila ay pakanta kanta ng makita namin ang dalawang babaeng nagtatawanan papunta sa amin.

"Leanne!"

Kumaway si leane while ang kasama niya at nakakunot ang noo sa amin na matiim na nakatingin.

"Cess, meet the G boys. G boys meet princess friend ko." Masayang sabi niya, aaminin ko maganda si leanne at attractive.

"Anne diba si ano ay....." Bulong ng kasama niya natawa pa nga ako at rinig na rinig yong bulong niya, pinandilatan ni leanne ang kasama niya na naging dahilan naman ng pagtigil niya at kunot noong tumingin dito.
_____________________________________________________________________

PRINCESS POV

Pa kanta kanta kaming pumasok ni leanne sa village nila anna. May pinapakuha sa bahay nila, busy kasi siya sa school paper at hindi siya pwedeng umuwi. Alam niyo bang hindi niya nakukumpleto ang tulog niya at minsan dun nalang natutulog sa school? Lalo ngayon at university week namin, hindi na naman yon sigurado natutulog.

Nag-asaran pa nga kami well ako lang pala, tinutukso ko siya na what if makasalubong namin yong crush niya kasi sa pagkakaalam ko dito yon nakatira. Kanina pa nga niya ako sinasapok eh, hindi na naawa.

Pareho kaming nagulat ng may tumawag sa kanya. Namutla pa nga siya eh.

Ang plastik talaga nitong babaeng to masaya pang kumaway na kitang kita ko naman na parang hihimatayin na siya sa pagkaputla. Sarap sapukin ng babaetang to. Sino ba diyan type ni leanne... Lets seeee.

"Cess, meet the G boys. G boys meet princess friend ko." Masayang sabi niya, asus babaeng to oh.

"Anne diba si ano ay....." Bulong ko, pinandilatan naman ako ni leanne. Problema nitong babaeng to? "Nevermind... Nice to meet you G boys."

Ngumiti naman silang lahat at nag hi sa akin. Nag-usap lang sila sandali ni leanne at nagpaalam na kami baka kasi nainip na dun si anna. Mahirap pa naman kalabanin ng isang yon.

"May type ka dun noh?"

"Saan?"

"Kanina dun sa G boys... Oh, wag munang itanggi. Uy parang ang familiar nila.... Ay,.oo sila yong pinagtataguan mo sa cafe. Hahahahaha"

"Ang daldal mo... Oo siya yong nagpapatalbok ng bola." Asus, kinikilig ang gaga namumula... Ayon tayo eh.

"Nagpapatalbog ng bola? Nagpapatalbog... Ah oo yong cute na lalaki?" Ako sabay snap ng daliri ko.

"Akin yon oy... Pero i trust you my dear friend." Pa cute na sabi niya. Hinampas ko siya ng folder na hawak ko at tumawa lang kami.

Grabe ang pasasalamat ni anna pagdating namin, halos nga mabali yong leeg niya sa katatanaw sa amin kung andun na ba kami. Dahil sa kabutihang loob ni anna na minsan lang dumayo sa kanyang katauhan eh nilibre niya kami ng napakaraming pagkain. Halos di na nga kami makatayo ni leanne sa kabusugan eh. Ganun ba ka importante ang kinuha namin sa bahay nila na naging galante to? Hayaan na nga lang tutal may blessings naman na kapalit.

Pagkahapon ay bumalik kami sa cafe pinagalitan pa nga kami dahil hindi kami pumasok nong umaga, nilambing nalang namin si madam. Mas lalong dumadami ata ang mga costumer parang triple na nong magsimula kami, nagpa add na nga si madam ng ilang chair. Nagkaroon na nga kami ng mga cannopy sa labas dahil dito.

Halos hindi ako makalakad dahil sa pagod labas pasok kasi ang costumer. Nakakaloka. Mabuti nalang at may sundo ako ngayon. Nakaupo akong naghihintay sa labas ng gate ng school nauna na kasing nakasakay si leanne kaya ako nalang ang natira dito. Nakangiwi kong hinihilot ang sumasakit kong paa.

Oh my god! Uulan pa ata. Umaambon na hinanap ko ang payong pero hindi ko makita, nadala ko yon eh basta nadala ko talaga yon eh. Nagulat ako na hindi na ako nababasa ng ambon, tumila na ba.

"Masama ang nagpapaulan,"

"Shu?a-anong? B-b-bakit?" Bat ba ako nauutal? Bat andito tong lalaking to.
_____________________________________________________________________
Ano kayang ginagawa ni shu dun? Sino ba si shu? Ano ang gagampanan ni shu sa love story ni princess? Si shu na kaya ang magiging prinsipe ng prinsesa natin? Abangan?!

At sino naman si "his" siya kaya ang soulmate ng ating prinsesa? Abangan? Kung anong papel ang kanyang gagampanan at ang kung sino siya.......

*vote* *comment* *like*

Isigaw ang nararamdaman kung naiinis kayo mag comment, kung guato niyo comment pa rin e hit niyo nalang ang like at vote... Love.. Love.. Guys... Muah...

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon