"PRINCESS MARIA VENOUS VERTOSA! Nakakairita na yang phone mo ha.." Binato niya ako ng lapis. "Sagutin mo na kaya?"
Sinimangotan ko lang siya at di pinansin. Bumalik nalang ako sa pagsusulat. Katatapos lang ng university week at ito ako wala akong ganang makipaghalubilo sa earth. Nakakatamad as in. Ikaw pa naman kidnapin ng mga walangjo mong mga kaibigan at mga walang patawad na org. Kaya no choice ahg beauty ko kundi mag enjoy nalang. Uminom nga sila kaya ang susungit din gaya ko kasi masakit pa ulo nila sa hangover, hindi naman ako uminom guys pero nakakapagod kaya sumayaw at mag party, try niyo. Tsaka super late na ako inuwi ng mga ito 6 A.M. Wait, ako pala ang nag-uwi sa kanilang lahat mabuti naang at hindi gaano ka lasing si kuya kyle kaya siya tumulong sa akin. Saturday kasi diba may bubble party, highlight kasi ng university week ang party na ito kaya ayon. Tapos pag monday may klase na agad.
Hindi naman ako nakatulog at nakapagpahinga sa bahay kasi tumawag si daddy na if pwede daw ako muna sumama kay hadley sa dentist. Bakit ko pa kasi nalimutan ang schedule ni hadley sa dentist niya? nag favor pa nga sana ako na sila nalang muna sumama kay hadley kasi pagod ako at wala pang pahinga at tulog. Hindi naman daw pwede si mommy kasi may biglaang appointment, siya naman eh marami pang tatapusin kaya no choice ako wala pa naman si nana kasi nag grocery kasama yong ibang katulong dito, mag be bake na naman panigurado. Kaya ito parang nganga ako ngayong araw.
"PRINCESS MARIA VENOUS VERTOSA!" Argggggg ano bang problema nila sa pangalan ko. "Ang phone mo!!"
"Oo na, ito na nga oh sasagutin na. Peste!" Walang ganang hinablot ko ito at lumabas. "Oh problema mo sa earth?"
-princess?-
__n-nana?__
-sinong kaaway mong bata ka?-
__w-wala ho, a-akala ko po kasi kayo yong yo....bakit po kayo napatawag? May problema ba?__
-hay naku, si hadley kasi kanina pa umiiyak mula nang bumalik siya galing school, ayaw naman niyang sabihin kung ano yong problema, nag-aalala ako sa batang ito.-
__sige po nana, uuwi nalang po ako paki sundo po ako sa driver nana.__Enend ko na yong tawag at dali daling pumasok at hinablot ang bag ko at lumabas, nagtanong pa nga sila eh kung san ako pupunta pero di ko nalang sinagot. Nag-aalala ako sa kapatid ko, may umaway kaya sa kanya? Naku? Kung meron man? Lagot siya sa akin naku, susugod talaga ako dun sa skwelahan at pepektusan kung sino man yon wala akong pakielam kung bata yon. Kung hindi man ipapatawag ko yong mga magulang at pagagalitan. Aba hindi nga nakagat ng lamok yang si hadley sila sasaktan lang, ano sila sinuswerte? Aba? Aba? Hindi talagang talaga ako papayag... Kung kinailangang manabunot, manuntok, at manipa para lang sa kapatid ko ay gagawin ko ng bonga bonga.
Nagmamadaling bumaba ako sa sasakyan at halos patakbong pumasok sa bahay. "NANA!"
"Ay bata ka!" Hala nagulat ko si nana, namutla kasi siya as in putlang putla. Bigla kasi akong sumigaw ng napakalakas ng pumasok ako.
"Ay sorry po nana kung nagulat kayo? Hindi ko po sinasadya." Hinampas naman niya ako pagkalapit ko sa kanya.
"Andun si hadley sa taas ayaw bumaba dadalhan ko sana ng pagkain. Hindi pa rin tumatahan yong batang yon." Kinuha niya ang tray at inaya akong umakyat. "Kanina kapa nga hinahanap. Nga pala wala ka bang pasok? Pasensiya kana ha, ikaw kasi hinahanap ng bata"
"Meron po, pero ok lang po yon basta si hadley, kapatid ko yan eh."
Kawawa naman ang kapatid ko niyayakap niya ang stuff toy niya habang humihikbi naka dapa sa kama at hindi pa nakakabihis galing skwelahan. Nilagay ni nana ang tray at umalis na ako na daw bahala.
"Hadley, ate is here?" Hinagod ko ang likod niya, dahan dahan naman siyang lumingon at niyakap ako bigla. "Baby, tell me whats wrong?"
"They push me!" Humihikbing sabi niya.
BINABASA MO ANG
Soulmate
FanfictionACCORDING TO GREEK MYTHOLOGY: The first humans were created with 4 arms, legs, and eyes, and noses and mouths. Afraid of their powers, zeus split them in half, leaving them to find the other half of themselves. This people are called our SOULMATE! S...