IV... Nakakalula

31 1 0
                                    

WAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!

ANG SAYAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! WHOOOOOOOO

hahahahahahahahahahahaha

"Kuya will, sakay tayo ulit! Sige na!"

Andito kami ngayon sa mga rides, gumagala at syempre sumasakay. Naloka nga ako sa octopus ride gusto ko ulitin. Ang saya, alam niyo yong rides na iniikot kayo sa ere tapos maliban sa umiikot umiikot din yong inuupuan mo tapos parang feeling mo hinahagis kayo sa ere kasi taas baba yong pag-ikot. Ang saraaapppp!!!! Kaya ito ako nagpupumilit sa kanya na sumakay ulit.

Ang cafe? Naku! Tumakas lang naman kami, hindi alam ni madam na wala na kami dun. Dalawang tao lang naman ang nawala tsaka marami na din ang nagsisilbi sa cafe kasi nga hindi nawawalan ng tao. Kaya niyaya ko itong kasama ko na mag enjoy muna, ang sama ko diba pero aminin niyo masaya ang maging masama minsan. Whahahahahahaha..

"Ang adik mo princess! Hindi ka ba nahihilo? Ako? Kami! Hilong hilo na." Pagdradrama ni kuya rance hinilot hilot niya pa ang noo niya at umakbay sa akin.

"Hahahaha, ang bakla mo kasi kuya rance! Parang di ka lalaki."

"Hahahaha time out muna princess, mabuti pa kumain nalang tayo." Si kuya will ginulo niya buhok ko at hinila sumunod naman ang barkada niya.

Barkada niya hindi namin kasi first and foremost sabit lang ako dito ngayon pero naging close ko na rin ang mga yan. Kasama din namin silang lahat sa org pero hindi talaga sila active kagaya ko, sasama lang sila pag gusto nila, kaya hindi ako ganun ka close sa kanila.

Pero nagbago nong sumubok manligaw si kuya will sa akin, ang sweet nga ni kuya will eh hinahatid at sinusundo ako (sa boarding house pa ako non umuuwi), minsan binibigyan niya ako ng chocolates at minsan naman bulaklak, inaantay niya pa nga ako na matapos yong klass namin. Pero after 3 weeks pinatigil ko siya dahil hindi sa ayaw ko sa kanya gusto ko siya pero kaibigan lang. Naintindihan naman niya kaya ayon tumigil siya pero sinabi niyang hindi niya mapapangako na matitigil niya ang nararamdaman niya.

Dahil din sa panliligaw ni kuya will naging close ko mga barkada niya, sila yong sumusundo sa akin pag busy si kuya, sila nag-iintay at naghahatid sa akin. Pa minsan minsan nililibre nila ako dahil plus pogi points daw yon sa brother nila. Mga sabog kasi minsan utak ng mga to. Minsan sumasama ako sa mga gimik nila, kapag walang assignment at quiz kinabukasan at syempre pagkatapos ng exam. Alam nila na pinatigil ko si kuya will at hindi sila nagalit sa akin sinabi pa nga nila na bumilib daw sila dahil hanggat maaga daw hindi ko na pinaasa sa wala ang brother nila, hindi daw kagaya ng ibang babae na hanggat may nakukuha pa sa manliligaw nila hindi pa papatigil kahit wala namang pag-asa.

"Princess, pupunta ka ba bukas?" Si kuya lance, siya yong pinaka party people sa kanila, lahat ng party's or bagong tayong club hindi pinapalampas kaya ayon nag shift ng course kasi nga bagsak ang dating course niya.

Merong bubble party bukas ng gabi sa school. Parang last day ng university week namin, hindi ko nga alam kung pupunta ba ako o hindi. Sabi nila masaya daw yon, parang hihilingin mo sa sarili mo na sana hindi na matapos ang gabi. "Ewan, hindi pa nga ako nakapagpaalam"

"Im sure papayagan ka ni tita. Mabait naman si tita eh." Si kuya will bago kumuha ng chips sa mesa.

Hala kailangan ko na palang umalis may usapan kami ni hadley ngayon sasamahan ko siya sa play niya. Nagpaalam na ako sa kanila una ayaw pa nga nila eh pero wala din silang nagawa kapatid ko yon eh mahirap na baka magtampo pa yong isang yon.

Dali dali akong umuwi at pagdating ko nakabusangot ang cute kong kapatid habang nakaupo sa sofa. "Im sorry baby, are you ready!"

"Your bad ate! Your late!" Nagtatampong sabi niya, aba tumalikod pa ang isang to.

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon