II..Clueless...

39 1 0
                                    

"Ahhhhhh, kaya pala byernes santo ang mukha kasi iba ang nag-aasikaso..." Asar sa akin ni mishtie bago rumarampang umalis dahilan naman para umikot ang mga mata ko.

Ano naman ngayon kung isang malanding gaya ni mercedes ang nag sisilbi sa kanila? Paki ko, eh likas naman talagang malandi yan eh. Bakit ba andito pa yang babaetang yan sa pagkakaalam ko tapos na ang shift niyan. Ano extended ang shift niya kasi may argggggggg.. Bwiset!!

"Ok kalang?" Tanong ng kasama ko dito sa counter na relax na relax sa pagkakaupo na nakatingin sa akin saka inabot ang bottled water matapos kong e entertain yong bagong dating na costumer.

Tumango lang ako at kinuha ang bottled water na inabot niya. "Uso malandi noh!"

"Hahaha, selos kalang kasi.. ARAYYYYYY!!!" Sinapok ko siya. Anong selos ang pinagsasabi nito. Selos na selos ako.. Arggggg.. Kaloka... Sarap piktusan ng mga tao ngayon... "Ang sadista mo talaga."

"Ako? Ako may kasalanan?!" Busangot na sabi ko.

Bigla niya ako niyakap at dahil dun parang gumaan ang pakiramdam ko. He knew kung paano talaga ako kakalma. Ewan ko ba sa nararamdaman ko na kapag niyayakap akong lalaking to na re-relax ako. Parang wala akong problema everytime na malapit ako sa kanya. I feel na secure ako at walang mangyayari sa akin. He is a brother like for me.

"Ay, bawal PDA dito." Panunukso ni mishtiee. Nakabalik na pala ang gagang to.

"Inggit kalang?" Ako habang nakaakap pa rin ang isa kong kamay sa bewang ni kuya william, tumawa naman si kuya habang naka akbay sa akin. Sa pagkakaalam ko kasi crush nitong babaetang ito si kuya.

"Guys, water daw kina kuya junphiey." Haliparot na to, hindi tayo close ngayon...

"Ilang litro naman daw Cedes?" Walang ganang sabi ko.

"Try mo 1 gallon cess baka sasaya sila." Birong sabi niya at tumingin kay kuya will. Akala niya nakakatawa, ang gaga lang.. Ikaw tumawa kahit lumitaw pa ugat mo hindi kita sasabayan. Heh. "Hi kuya william,"

Pinalibutan ko sila ng mata at walang gana na tumawa. Sana mahalata mong gaga ka na wala ako sa mood ngayon. Tumingin ako sa table nila at nakatingin pala sila ngayon sa amin. Paki ko, galit ako at kahit makita ko man ang nakakatunaw niyang ngiti at ang cute niyang mata hindi pa rin makukuha na nasa harap pa rin namin ang kinaiinisan kong tao sa mundo. Biglang kumunot ang kanyang noo. Bakit kaya?

"Bigay mo sa kanila 1 gallon sabihin mo sabi ni cedes." Si kuya William. Hahaha, karamay ko talaga siya, sige e revenge mo ako kuya will. Go kuya..

"Kuya will naman eh, binubully ako cess oh." Ay pakielam ko sayong babae ka, buti ngayon eh. Blehhhhhh.. Kahit hindi man ako magsalita nasasayahan ako.

"Sumbong mo kay kuya guard cedes baka tulungan ka." Walang ganang sagot ni mishtiee habang kinukuha ang tray na inabot ko kanina naging dahilan naman ng pag-ikot ng mata ni cedes. Sana hindi na bumalik at tumirik nalang forever yang mata niya.

"Oh siya tama na yan at dumadami na ang costumer. Andiyan na si madam baka makatikim pa tayo ng sona." Si kuya will bago e entertain ang bagong dating na costumer.

"Princessssssss!!" Sigaw ni madam pagkapasok niya. Argggg e public display ba naman ang pangalan ko yan tuloy nakaagaw ng tingin sa ibang costumer at pati ang table nila.

"Hi madam!" Masiglang sabi ko sa kanya na parang hindi ako na bwibwisit sa kanya. "Naligaw ka ata?! Problems?"

"Gusto mo sapok, problem.. Problem... Uy bat hindi mo pagsilbihan si chase your labs?" Pangtutudyo niya sa akin. "Nakatingin siya dito oh?"

"Madam naman eh, wala ako sa mood."

Ngumiti naman siya na mapang-asar. "Si leanne nga pala asan? Kanina ko pa yon hindi nakikita."

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon