Asher POV
Kanina pa ako hindi mapakali kasi panay tingin nang mga tao sa paligid ko and for the fact na hindi rin ako komportable sa suot kong damit.
I was wearing a cocktail dress. Sleeveless ito with a touch of peach color sa babang bahagi and a glittering silver stone sa taas na bahagi tapos naka 5 inches heels pa ako. While ang kasama ko naman ay panay ngiti lang sa madadaanan niya.
(A/N: picture will be posted kung anung damit ni Asher....di kasi ako magaling magdecribe...v)
"Are you alright?" tanong niya.
"Hindi kasi ako komportable sa suot ko parang hindi bagay sa akin." sagot ko sa kanya.
"Huwag ka ngang mag-isip nang ganyan. Di ba sabi mo gusto mong magbago then prove it to everyone na hindi na ikaw ang dati na pwede lang nila api-apihin." parang nabuhayan naman ako nang loob sa mga sinabi niya.
Naputol naman ang pag-uusap namin nang dumating yung parang officer nang cruise nakasuot kasi ito na parang pang official nang barko.
"Mr. Handscaft long time no see. It was my pleasure to see you here." sabi nang officer sa kanya.
"Capt. Masacote hindi ka pa rin talaga nagbabago. You always go for the best." sagot naman ni Clark dito kaya pala siya pala ang Captain ng barko.
"I heard from santiago na kasama mo raw ang girlfriend mo or should i say ang fiancee mo dito sa cruise." Napunta ang tingin niya sa akin.
"So is this the girl that Santiago is refering to? She really is a gorgeous girl."
Ano daw gorgeous? Sino Ako...sus ito naman small things lang po yan...pero wait Girlfriend? Fiancee? Sino? Ako ulit? sasabat sana ako nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at hinalikan ito.
" Good evening!" sabay kindat pa sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita agad parang biglang lumamig ang katawan ko sa ginawa niya.
"Tama na yan Masacote baka mainlove ka pa sa Fiancee ko." tapos tumawa pa sila nang sabay. Sandali lang nga bakit ba napagkamalan akong Fiancee niya? Tapos approve rin to ang mukong. Makausap nga.
"Excuse me! Can i speak to him for a while?" hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinila ko si mukong sa gilid.
"Hoy! Anung pinagsasabi mong Fiancee mo ko. Hindi pa nga ako naka move on sa Judas kong ex boyfriend tapos ikaw naman...Anu ba ako gamit para pasa-pasahan niyong mga lalaki? Atsaka Ba-"
"Please lower down your voice wala tayo sa palengke. tss..." kinompose muna niya ang kanyang sarili bago siya nagsalita ulit.
"Hey...just do me this favor. Magpanggap ka muna bilang Fiancee ko ngayong gabi lang."
"But-"
" No more buts and question. OK! Just think na kailangang kailangan ko talaga ang tulong mo." ngayon ko lang nakita na ganun ang mukha niya kaya di na ako sumagot pa. Tumango na lang ako at ngumiti rin ito.
"So lets go inside mag uumpisa na raw ang party at hinihintay na tayo." Bigla naman bumalik ang kaba ko dahil marami nanaman ang titingin sa akin dahil sa awkward kung damit. Napatingin naman siya sa akin at bumulong sa tenga ko.
"Your the most beautiful Girl...No scratch that...You really are the most Gorgeous Girl tonight." nginitian niya ako at hinawakan niya ang kamay ko at nilagay ito sa kanyang mga braso. Pumasok kami sa loob ng venue na di pa rin nawawala ang pamumula nang mga mukha ko mabuti na lang hindi siya nakatingin sa akin.
Mga 10 minutes na rin kami dito nakatayo at namamanhid na ang mga paa ko hindi pa raw kami pwedeng umalis dahil may laro pa raw na dapat kaming sumali. Aalis sana ako papuntang CR nang makita ko ang isang taong ayaw na ayaw kung makita.
BINABASA MO ANG
FALLING OVER YOU
Teen FictionMeet Asher De La Raga isang simpleng tao na kahit kailan ay hindi pa nakakaranas ng pagmamahal ng isang lalaki. kaya nung unang magkaboyfriend siya ay willing niyang ibigay lahat sa kanya pero anung gagawin niya kung paglalaruan siya nang tadhana? W...