Prologue

126 6 0
                                    

~
"Lisa maganda ba itong new house natin?"
Masiglang tanong ni Alfred


"Ikaw ah.Hindi ko alam may bahay kana palang pinapatayo."
Marahan pang siniko ni Alfred si Lisa.


"Oo naman para sa magiging anak natin."
Hinipo ni Alfred ang isang buong sanggol sa sinapupunan ni Lisa.

"Oh!Sumipa siya Lisa!"
Tuwang-tuwa si Alfred

"Baka nai-excite lang siya sigurong pumasok sa bagong bahay natin.Tara pasok na tayo."
Tumango lang si Alfred.
Nagpaiwan siya sa labas at i-dinial ang kanyang telepono.

"Ayos na ba?"

[ Ayos na ayos na po Bos. ]
Sagot ng nasa kabilang linya.

"Siguraduhin mong malinis ang pagkakagawa mo."

*toot toot*

Binaba ni Alfred ang telepono at pumasok na sa kanilang bagong bahay.

All white ito at kitang-kitang may kaya ang may ari.

"Ah,Hon tingin ko lang,masyadong plain itong bahay natin.Parang may kulang."
Sabi ni Lisa habang nagtutupi ng mga damit


"Anong gusto mong gawin Lisa?"
Tanong ni Alfred


"Dagdagan kaya natin ng mga gamit?"
Nakangiting tanong ni Lisa

"Ikaw ang bahala.Basta wag kang magpapapagod."
Sabi ni Alfred habang hinihipo ang tiyan ni Lisa

Bawal magpagod si Lisa dahil 2 months na ang dinadala niyang sanggol.


"Sige papatulong lang ako kay Lara."
Nag-dial si Lisa sa kanyang telepono.



"Lara punta ka nga dito sa bahay.May gagawin tayo.Bilis."

[ Pero may ginagawa pa ako.Ano bang gagawin natin? ]

"Maghahanap ng magagandang appliances."

[ Maghahanap lang? ]

"Siyempre bibili rin."

[ Go ako jan.Sige hintayin mo ako.Sabi nga nila,bawal tanggihan ang mga buntis. ]

"Teka baka ang alam mo sa dati pa naming bahay?"

[ Bakit?May iba pa ba? ]

"May bago na kaming bahay.Bigay ko nalang yung address.Hintayin kita sa labas."

*toot toot*

Nag-aayos na si Lisa upang makapaghanap na sila ng mga bagong appliances para sa kanilang bagong bahay.

~~~
Naglalakad-lakad kami dito sa bilihan ng kung ano ano.Palengke kumbaga.

"Mas gaganda ang bagong bahay niyo kung antique ang bibilhin mo.Matibay na nga,maganda pa.San ka pa!"
Sabi ni Lara

Hindi mahilig si Lisa sa mga antique dahil sabi ng nanay niya,malas daw sa loob ng bahay yun.Pero nung dinala siya ni Lara dito,,

Manghang mangha ito.

Para ngang gusto na niyang bilihin lahat.

"Ang gaganda naman nito."
Habang hinihipo ni Lisa ang mga antiques

"Kitams!"
Ngiting-ngiting sabi ni Lara

Napunta si Lisa sa pinakalikod ng shop.Tinitignan niya yung kama malapit sa mga santo.

Unique siya tignan.

Prang gusto niyang lumapit pero hindi niya magawa.

Napamulat siya nang may nakita siyang isang maputing anino ng babae.

Nakabestida siyang puti hanggang tuhod.

Parang kakatayo niya lang sa kama.

Bigla nalang tumayo at mabilis tumakbo ang babaeng nakaputi.

Pinipilit isipin ni Lisa na guni-guni niya lang yun.

"Ayy!Kabayo!"
Tinapik siya ni Lisa.


"Ano?Nakakita ka na ba ng gusto mo?"
Ngiting ngiting tanong niya.

"O-oo itong kama.Ang ganda noh?Diba?"

Yung ngiti ni Lara parang iba.
Para siyang nag-aalangan.

"U-uyy para sa inyo yan ng asawa mo noh?"
Tanong ni Lara

"Siyempre naman noh.Anong akala mo?Sa inyo ng boyfriend mo?"
Natawa sila sa pagbibiruan.

"Mrs.Torres,siguradong susuwertehin ang bagi ninyong bahay dahil sa kamang ito."
Sabi ng may-ari ng antique shop na si Mr.Chua.

Matagal nang may shop si Mr.Chua since sa kanunununuan niya pa ito.

"Tingin ko nga rin po.Mauuna na ho kami Mr.Chua."
Paalam ni Lisa

"Mag-iingat kayo."
Sabay ngiti ni Mr.Chua

Ipinasok na sa truck ng mga trabahador ni Mr.Chua ang kamang nabili ni Lisa.

Paalis na si Lisa at Lara sa shop nang may nakita si Lisa nang isang matandang babaeng nakatitig sa bagong bili niyang kama.

Titig na titig siya.Nakasimangot ang matandang pulubi at mistulang galit na galit sa mundo.

Nagulat siya nang biglang nakita niya si Lisa at bigla nalang naglakad ng mabilis.

Nakabestida siyang itim,may hawak na baston,at may hawak na maruming bag.

Hindi nalang pinansin ni Lisa yung pulubi na iyon dahil ang akala niya'y baliw.

Nag-dial sa telepono si Lisa.

[ Hello Hon.Napatawag ka? ]

Tanong ni Alfred na nasa kabilang linya.


"Hon gusto ko ng pinya.Yung maasim."

[ Sige bibili ako ng pinya sa supermarket.Magpahinga kana. ]


"Hon gusto ko yung galing ani."

[ ............ ]

Walang kibo si Alfred dahil mapapabiyahe pa siya gayong gabing gabi na.

" ........... "

Hindi rin nakaimik si Lisa dahil alam niyang hindi siya makakakain ng maasim na pinya na galing ani.
Nanggigilid na ang luha ni Lisa sa mga mata niya.

[ Ssshhh...Wag ka ng umiyak.Kukuha na ako.Magpahinga ka nalang jaan sa bahay. ]

"Ta-talaga?I love you Hon."


[ I love you too Hon. ]

*toot toot*













________________________
Hi! This is my first horror story!
Sa susunod na Chap ma-eexcite kayo sa mangyayari.

Ginawa ko itong horror story ko last year.Kinakabahan kasi akong i-publish baka kasi wala lang pumansin.Walang mag comment.Walang mag-vote.At walang magababasa.

I hope naman na magugustuhan niyo ito.
Please support me na tapusin itong story ko.
Actually,tapos na pero nakakapagod mag-type.
May mga moral lessons naman akong naisama dito.

Sana worth it lahat...

First Chap na tomorrow!!

Enjoy!



AntiquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon