ANTIQUE 4 : Silip

66 4 0
                                    

A/N: I Dedicated this chap sa SECOND CHANCE.Ang ganda sobra.
Sorry sa nilagay kong picture sa taas.Pati ako natakot. Enjoy reading guys!

Alfred's POV

Maaga akong nagising para paghandaan si Lisa ng paborito niyang agahan,ang sinangag,sunny side up na itlog tapos ham at hotdog.Nilutuan ko rin siya ng sabaw.

Bumaba siya ng hagdan at dumiretso sa lamesa.Naabutan niya akong naghahanda ng mga plato sa lamesa.

" Ang aga mo ata? " tanong niya sa akin at umupo na sa hapag kainan.


"Yep.Sobrang dami kasi akong tatapusing papers mamaya.Marami din kaming meetings. "

Hindi siya umimik.Uminom siya ng gatas na parang hindi niya ako naririnig.Alam ko kasing ayaw niya akong hindi katabi sa pagtulog niya tuwing gabi.Alam na,buntis na siya kaya masyado siyang maselan.

Niyakap ko siya.

" Please..wag ka ng magtampo.Promise after ng mga tatapusin kong meeting and papers,papasalubungan kita ng pizza. " sabi ko sa kanya.

Hindi parin siya umiimik.Nagsandok siya ng sinangag sa plato niya.Hinalikan ko siya.

" Madali lang to.Babalik din ako bago magmadaling-araw. " sabi ko sa kanya habang yakal siya.

" Huh.Umuwi kapa? "

Ayan na.Nagsimula na ang pagkamainisin niya.Past few days ganyan ang mood niya.

Tinignan ko siya.

" Wag ka ng magtampo please? Here.Kain na tayo."

After namin kumain,nag-ayos na ako ng sarili ko.Si Lisa hindi parin umiimik.Ni magsalita hindi magawa.Naiintindihan ko sila.Naiintindihan ko feelings ng mga buntis.

" Hon aalis na ako.Papasalubungan nalang kita.Anong gusto mo? " sabi ko sa kanya ng palambing.

" Huh.Ano ako?Bata?Papasalubungan lang? " pasigaw niyang sabi.

This time naasar na ako sa kamalditahan niya.

" Intindihin mo naman ako! Lagi nalang bang ikaw ang tama? " napasigaw na rin ako.Bigla siyang nagulat.

Pinunasan niya yung namuong luha sa mga mata niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

" Ok I'm sorry.Hindi ko sinasadya.Antayin mo nalang ako dito ok?Promise bibilisan ko. " pagpapaalam ko sa kanya.Tumango siya.Hinalikan ko siya saka tuluyan ng umalis.

Lisa's POV

Nakakainis! May balak pa naman ako ngayong araw.Mag-oovertime siya mamaya.Gusto ko sanang manuod kami ng sine.Showing kasi yung paborito kong palabas.Yung Second Chance.

Ako nalang lagi ang iniiwan.Ganyan naman sila eh.Minsan nga naisip ko,pinagkakaisahan nila ako.Hays!Ang drama ko.Mabuti pa tawagan ko nalang si Lara ng may makasama ako dito sa bahay.

" Hello Lara.Available ka ba ngayon? " tanong ko sa kanya.

[ O-oo b-bakit? ] sagot nita na pautal.

" Ba't nauutal ka? Puwede mo ba akong samahan dito sa bahay? Overtime kasi si Alfred mamaya eh.Dito ka na rin matulog.Please Lara. " sabi ko sa kanya

AntiquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon