ANTIQUE 6: Hula

50 3 0
                                    

Chapter 6 ^___^

***

Lisa's POV

" Napaka imposible naman diba? Hay naku! Nakakasira na utak. " sabi ni Lara

Andito kami sa sala ngayong madaling-araw.Hindi kami nakatulog dahil doon sa lalaking pumasok sa bahay namin.

Nilapag ni Alfred yung baril sa mesa.

" Matulog muna kayo.Ako na magbabantay dito sa baba. " utos ni Alfred sa amin.

" Sigurado ka? Sasamahan kana namin. " tanong ko kay Alfred.

" Oo sige na.Masama sayo ang napupuyat. " - Alfred

" Wow ah.Paano naman akong hindi buntis? Halika na nga Lisa. " biro ni Lara saka kami umakyat sa taas.

Nasa taas na kami.Si Lara tulog na tulog na at ako ito hindi mapakali.Ewan ko ba.Siguro dahil sa nangyari kanina.

Napaka-imposibleng isipin pero totoo lahat ng nakita naming dalawa ni Lara.

Bumaba ako para patulugin na rin si Alfred sa kabilang kuwarto.Mukhang wala naman na dapat siyang abangan dis oras ng madaling araw.

" Alfred,matulog na muna tayo siguro. " sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at inakbayan ako.

" Siguro nga. Halika na. " sabi niya saka niya ako inakbayan.

Nasa kalagitnaan na kami paakyat ng hagdanan ng makita namin sa harapan namin ang isang babaeng galit na nakatingin sa amin.

Nakakatakot siyang titigan.Hinawakan ko ang tiyan ko saka pumikit.

" Aaaahhh!! " sigaw ng nasa likuran ko.

" Alfred! " sigaw ko dahil si Alfred nakahandusay na sa baba at punong puno ng dugo.

Bumaba ako at tinatapik tapik ko siya pero hindi parin siya gumagalaw.Kahit anong gawin kong pagyugyog sa katawan niya,hindi parin siya nagigising.

" Lara! Lara tulong! Lara! " panghihingi ko ng tulong kay Lara.

Lumabas siya ng kuwarto saka lumapit sa akin malapit sa hagdan na nagkakamot pa ng mata.

Pagmulat niya,nabigla siya at nataranta.

" A-a-anong n-n-nangy-yari! " pautal na sabi ni Lara.

" Nahulog siya sa hagdan kaya tumawag kana ng ambulansya! Bilisan mo! " utos ko kay Lara kaya taranta siyang tumawag sa telepono.

" Alfred. Alfred kumapit ka lang.Wag mo akong iiwan. May anak pa tayo Alfred. Wag ko kaming iwan. " sabi ko kay Alfred na nakapikit at puro dugo ang mukha.

Lara's POV

Tarantang taranta ako para tumawag sa telepono.Para bang hindi ako makagalaw.Ayaw kong tignan si Alfred kasi para nawawalan na ako ng chance para tumawag pa sa ambulansya.

AntiquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon