ANTIQUE 2 : Bulong

88 4 0
                                    

Lisa's POV

Umuorder na si Alfred ng breakfast namin.Napalingon ako sa area papuntang washroom.Nakita ko ulit  yung babaeng nakaputi.Yung nakita ko sa loob ng kotse ni Alfred.Papunta siya ng washroom.

Sinundan ko siya doon.Pagbukas ko ng pinto,

"Ay sorry."isa palang babaeng janitor sa coffee shop ang nandoon.

Lagi ko nalang ba siyang nakikita?

"Ay kupal kang kabayo!"napasigaw ako sa kumalabit sa akin.Paano,nag-iisip ako kung anong pakay sa akin ng babaeng yun tapos biglang eeksena.

"Andito ka pala?Sinong kasama mo?"si Lara lang pala ang kumalabit sa akin.

"Si Alfred.Dito kami magbebreakfast.Kung gusto mo,sumabay ka na rin."yaya ko sa kanya.

"Ah.Oo naman.Wala naman akong masyadong gagawin sa bahay."-Lara

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"-ako

"Bumili lang ako ng paborito kong coffee dito."-Lara

Bumalik na kami sa seats namin.

"Hon,andito na si Mr.Osawa.Oh,hi Lara."bati ni Alfred kay Lara.

"Andito naman si Lara.Kayo nalang muna ni Lara ang magbreakfast.Dito lang kami sa kabilang seats."sabi ni Alfred.

Niyakap niya ako saka siya pumunta sa seats nila ni Mr.Osawa.

"Ang sweet naman.."sabi ni Lara at siniko pa ako ng marahan.

"Sweet ka jan."sabi ko at umupo na kami sa seats namin.

"Ikaw choosy kapa.Ang bait bait kaya ni Alfred.May itsura,mayaman,sweet,maalalahanin,protective,loyal,ano pa bang mahihiling mo diba?"sabi ni Lara saka sinubo yung slice ng pancake.

"Kanina kasi..."

"Ano may babae?Imposible.Hindi halata sa kanya."-Lara

"Hindi naman."

"Eh ano?"-Lara

"Patapusin mo muna kaya ako noh?"umirap ako sa kanya at uminom ng hot choco.

"Ok.Kuwento ka lang."-Lara

"Kasi kanina,bago siya umalis papunta ng opisina niya,nakita ko talaga na may babae sa loob ng kotse niya sa bandang likod.Sinundan ko sila tapos pumasok siya dito sa coffee shop.Tinanong ko kung may kasama siyang babae.Kung niloloko niya ba ako.Wala naman daw siyang kasamang babae sa loob ng kotse niya.Medyo nga napaiskandalo pa ako kanina.Yun pala,pumunta siya dito para makikipagmeeting kay Mr.Osawa.Buti nga hindi kami as in na nag-away para sa walang kuwentang bagay."paliwanag ko kay Lara.

"Naniwala ka naman na wala siyang kasamang babae?"sabi ni Lara at uminom ng coffee niya.

"Eh,wala naman talaga Lara.Sinundan ko siya dito sa loob."-ako

"Oh eh wala naman pala siyang babae eh.Wala ka ng aalalahanin pa."

"Meron eh.Hindi ako mapakali.Gusto kong malaman kung sino yun.Kitang kita ko talaga siya eh.Hindi ako nagbibiro."sabi ko at uminom ng hot choco.

"Oo nga,nakita mo nga.Pero sino naman yun?Multo?Imposible Lisa."napatingin ako sa sinabi ni Lara.

"Oh,ba't ka natulala jan?"tanong ni Lara at sinubo ang slice ng pancake.

AntiquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon