ANTIQUE 5 : Ang babae sa kalsada

86 3 0
                                    

A/N : Salamat sa mga readers ko jan ... keep on reading guys!Thank you..

Lara's POV

Mag-7 pm na ng makauwi kami ni Lisa galing mall.Kakatapos lang namin manuod sa sinehan.Doon na rin kami naghapunan para hindi na kami magluto pag-uwi namin.Ang bilis talaga ng oras kapag buong magdamag kang nasa loob ng mall.Hindi mo namamalayan,ginagabi kana.

About doon sa nakita kong babae sa tabi ni Lisa noong nakaraang araw,sinabi ko sa kanya yun before kami pumasok sa sinehan.Nakapila kasi kami para bumili ng ticket at naisipan kong sabihin ko na sa kanya.Hindi naman kasi kami naglilihiman ni Lisa pati nung mga bata kami.Lahat lahat sinasabi namin,nagkukuwento ng buhay-buhay at walang taguan ng sikreto.Kaya para kaming mga chismosa kanina sa pila.

*flashback

" Lisa may sasabihin sana ako sayo.Wag ka sanang magalit.Ayaw kitang takutin.Nagsasabi lang ako ng totoo. " sabi ko sa kanya.

" Ano ba yun? Para kang kabado diyan.Sabihin mo na. " sabi naman ni Lisa at tumingin sa malayo.

" Yung nakaraang araw.May nakita akong babae sa tabi mo.Kayabi mo mismo,at nakatingin sayo.Ng masama. " pagtatapat ko sa kanya.Tumingin siya sa akin ng nakakaloko.

" Matatakot na ba ako? " sagot niya at yung kamay niya nasa bibig niya na parang iniiwasan niya ang pagtawa.Hinawakan ko ang kamay niya.

" Totoo nga.Hindi ba may third eye ako dati?Bumalik na ngayon.Nakikita ko na sila ulit.Maniwala ka sakin. " sabi ko ulit sa kanya.

" O-okay.Naniniwala na ako. " sagit ni Lisa.

" Pe-pero iba siya.Galit siya Lisa.Maaaring sayo siya galit,kay Alfred,o sa magigung anak niyo. " dagdag ko at napahawak siya agad sa tiyan niya.

" Ano?Ano bang kalokohan yan?Wag lang niyang idamay ang anak namin ni Alfred. " sagot niya.

Ano ba itong mga sinasabi ko?Buntis pa naman itong si Lisa baka mag-alala siya sa mga sinabi ko.Ang tanga ko naman talaga oh.

Umalis ang babaeng nasa harap namin at kami ang sumunod na bibili ng tickets namin ni Lisa.Nakabili na rin kami ng mga pagkain kaya papasok nalang kami para pumili ng mauupuan.

" Pero wag ka ng mag-alala.Andito lang ako.Ako bahala. " sabi ko sa kanya habang naglalakad papasok.Agad naman siyang tumawa.

" Haha!Okay. " -Lisa

*end of flashback

Andito kami ngayon sa kuwarto.Lahat ng mga snacks na dinala ko kanina inakyat namin dito sa taas para sa midnight snack namin.Wala kasi si Alfred.Mag-oovertime daw siya kaya sinamahan ko muna si Lisa.Mahirap na noh.

AntiquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon