Nerd in Disguise

1.1K 48 0
                                    


Nerd in Disguise
written by aresoo

__________________________________________________________

Panimula

Hinipan ko paitaas ang buhok na tumatama sa mga mata ko. Nakakadagdag inis dahil hindi ko maasinta ng maayos 'yung prospect target. Bakit ba kasi ako nagpa-bangs? Ah, para maitago ang identity ko. Tsk.

Muli kong inilagay ang hintuturo ko sa gatilyo at sumilip sa teliskopyo ng rifle. Nasa rooftop lang naman ako ng Casino Royale at ang katapat nito ay ang Empire State Building, na siyang kinaroroonan ng target ko. Napaayos ako ng tindig ng makita si Mr. Kim na masayang nakikipag-usap sa mga kapwa niya Drug Lords.

"Ito na ang huling pinakamasayang araw mo."

Pag-banggit ko noo'y kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng baril ko nang biglang kumalabog ang pinto.

Shet! May tao!

Nawala na rin naman ako sa konsentrasyon kaya hindi ko natapos ang dapat na tapusin. Nakakainis! Sino ba ang panira na 'to?

Dali-dali kong ibinalot sa tela ang baril at inilagay sa case ng gitara para hindi mahalata. Muli akong tumingin sa pintuan at nagulat nalang ako na nakatuntong na yung lalaki sa sign board ng Casino Royale! Mukhang may saltik ang isang ito. Magpapakamatay na ngalang ay dito pa, sana sa Eiffel Tower nalang para maganda kekeke. Pero kidding aside. Ayoko sanang mangialam pero nung tatalon na siya ay hinablot ko ang damit niya at heto,

Nakapatong siya sa akin dahil sa lakas ng pagkakahablot ko.

Lintek.

Tulog na rin ito kaya minabuti kong alalayan siya pababa para mai-check-in sa hotel dito. Ang Casino Royale kasi ay may mga rooms para sa ewan ko din. You know what I mean, para sa ehem. Err.

"Ano na ang nangyari?"

Kingina!

Nakalimutan ko na yung target ko, great!

"Not yet done. May umepal."

Sagot ko habang inihihiga yung lalaki sa kama. Bwisit! Babalik nanaman ako sa rooftop.

"Ano?! Pa'no kung magsalita yan sa mga parak?"

O.A naman nitong si Xiumin.

"Lasing. At kahit magsumbong pa siya, hindi ako makikilala."

Lumabas na ako ng kwarto at saka umakyat ulit sa rooftop. Tsk.

"Eto na. Tahimik lang."

Hindi ko naman na narinig ang salita ni Xiumin dahil nguya lang niya naririnig ko ngayon. Pakisabi nga kung nasaan ang letsonan dito para maipa-ikot na sa nagbabagang apoy ang matakaw na baozi na 'to.

Inialis ko muli ang ibinalot ko na tela sa rifle at pumwesto. Mabuti naman at mag-isa na siya ngayon, hmm. May magandang naidulot din si boy epal.

Sumilip akong muli sa teliskopyo at nag-concentrate. 1,2,3.

Bang!

Nang mabaril ko ang ulo ng target ko ay mabilis kong ini-ayos ang mga ginamit ko. Sumilip ako ng kaunti at kitang-kita ang pagkakataranta ng mga tao. May mga men in black na tumingin sa pwesto ko kaya napayuko ako.

Bumaba agad ako at isinukbit ang guitar case sa kaliwang balikat ko. Pagpasok sa elevator ay may kinuha ako sa bulsa ng jacket ko.

Eyeglasses.

Inayos ko rin ang bangs ko, buti nalang at wala akong kasama sa elevator. Bigla kong naalala si Xiumin, napahawak ako sa ear piece at nagsalita.

"Done."

Narinig ko bigla ang pagta-type ni Xiumin, inihahanda lang naman niya ang sundo ko.

Dumaan ako sa mga bihirang madaanan ng mga tao at nakarating sa Casino de Janeiro, ang lugar ng pasugalan at wala kang makikita kung hindi mga chips at kung anu-ano pa. May mga nagtitinginan naman sa akin, malamang naka nerd attire ako. Nag-elevator muli ako at pagkalabas ay tumambad ang mga men in black. Ohkay. Act normal.

Painosente akong lumabas at nang malapit na ako sa mga men in black ay ipinilig ko ang mga mata ko at nakita kong may hawak silang baril. Huli na nga, tang* pa. Hindi nila alam na nakasalubong na nila ang kalaban.

Nang makalabas na talaga ako ay nakita ko agad ang sundo ko, kaya malapad akong napangiti.

Pumasok na ako at nakita si Xiumin na prenteng nakaupo habang kagat kagat ang donut at ang laptop ay nasa lap niya. Habang si Tao naman ay ang nagsisilbing driver. Walang nagsasalita sa amin ng umupo ako.

Sa kalagitnaan ng byahe,

"JOB WELL DONE! WOOT! WOOT!"

Ayan, sabay-sabay kaming nag-rak-rakan sa kotse. Makukuha nanaman namin ang aming sahod!

Attention EXO. Attention EXO.

Nahinto kami bigla dahil sa pagtawag ni Commander. New mission nanaman.

"EXO here, Commander."

Since nagda-drive si Tao ay kaming dalawa lang ni Xiumin ang nakipag-usap kay Commander.

At tuwang-tuwa kami sa bago naming misyon. Ang maging bodyguard ng isang hindi pa namin kilalang lalaki, mamaya pa daw ipapakita eh, pabitin epek.

At dahil wala kaming magagawa ay hindi na kami nangulit. Nakarating kami sa SM Headquarters, yan talaga ang pangalan. Bawat madaanan namin ay yumuyuko, hindi naman kami kagalang-galang.

"Job well done."

Nasa opisina kami ni Commander Suho, as usual puro computers, malalaking screens ang nakikita namin.

"Thanks Commander."

Pina-upo niya kami sa mahaba niyang sofa. Nagsimula na siyang magpaliwanag. Lalaki daw ang po-protektahan namin. Woah. Bago ang isang ito.

"Ito ang lirato niya."

Pinindot ulit ni Commander ang isang maliit remote at at at...





















"SIYA?!"

-

Sorry for the typos! Enjoy reading!

Nerd in Disguise || ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon