Dedicated to biscochowarrior Thank you!
Hehehe. Nag-update ako kasi ang gwapo-gwapo talaga ni Tsuji Ryuu at Takishima Kei ♥-♥ Tsaka masyado akong sabog dahil sa CHANBAEK! Nu'ng una, 'yung scooter riding moment tapos 'yung sumunod, 'yung binihisan ni PCY si BBH. Okay lang ako HAHAHA! Belated happy birthday din pala kay Tao :D Tapos bukas narin 'yung birthday ng ating munting prinsesa na si Byun Baekhyun! Hihi. Short update nanaman, sorry po sa mga nabibitin XD Lmao, mas mahaba pa ang note, eh. Teka ang hot HAHAHAHA bye.
Chapter Six
Chanyeol
Maingat kaming bumaba ng hagdan ng babaeng kahawak kamay ko. Hindi ko mapigilang humanga sa kaniya dahil sa lambot ng kamay niya, tho nagtatrabaho siya, halatang alagang-alaga parin siya sa katawan. Ang sarap-sarap hawakan ng kamay niya, parang ayoko ng bitawan.
"Uhh.. Teka, pwede bang pakibitawan na 'yung kamay ko? Kaya ko naman. He he he." May bahid ng pagka-ilang 'yung boses niya. Nahiya naman ako sa sinabi niya kaya binitawan ko ito. Nakaramdam din ako ng kaunting panghihinayang.
"'Yung nangyari kanina.." Bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako. "Mukhang may gustong pumatay sa'yo kaya mabuting mag-ingat ka palagi, kahit na nandito ako para bantayan ka." Hindi ko naintindihan 'yung huli niyang sinabi dahil bigla akong nakarinig ng mga yabag. Mukhang paakyat ang mga ito.
"Sht!" Napamura nalang ako ng makaharap namin ang limang kalalakihan.
"Nandito ka lang pala, Mr. Park." Sabi nung isang lalaking may maraming hikaw sa tenga.
Pero hindi iyon ang pinakanapansin ko sa kaniya, kung hindi ang tattoo niya sa gilid ng kaniyang leeg.
I froze.
Ang tattoo na iyon.
"Huwag na huwag niyo siyang hahawakan."
Nabalik ako sa ulirat ng humarang ang babae sa harapan ko. Ano'ng sinasabi neto? Nahihibang na ba siya?
"Miss, I can do this." Determinado kong saad at hinawi siya't itinago sa likuran ko.
"Mga tropapits! May nagpapakabayani dito!" Tumawa pa ang gunggong pati ang mga alipores niya. "Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo."
Naglabas siya ng balisong galing sa kaniyang likuran. Napaatras ako ng gawin din iyon ng apat. Lumingon ako para sana tignan ang kalagayan ng babae at nagulat ako ng nakaupo na siya at parang bored na bored na nanunuod sa amin.
"Aba, Miss! Ayos 'yang ginagawa mo, ah. Ipagcheer mo naman kahit papaano si Mr. Park kahit alam naman nating hindi siya manaㅡ"
Natigagal ako sa nasaksihan ko.
Mabilis na bumagsak 'yung lalaking daldal ng daldal dahil sa lakas ng pagkakasipa ng babaeng housekeeper.
Napasinghap ako pati narin 'yung apat na lalaki. Biglang umangat 'yung ulo nung babae at nabuo ang isang nakakakilabot na ngiti sa kaniyang labi.
"Ang dami pang satsat, wala namang ibubuga." Pagkasabi niya nu'n ay bigla niyang sinugod ang isa atsaka sinikmuraan, agad naman itong napahiga at namilipit sa sakit.
Para akong tanga dito, nakatayo lang at nakanganga kaya napagpasyahan ko na tulungan na siya.
I never thought that she can fight. Akala ko ay mahina at pangkaraniwang tao lang siya.
"Sa likod mo!"
Napalingon ako at tumambad ang papasugod na lalaking may hawak na balisong. I stiffened.
Napapikit ako. Ilang segundo na ang nakalipas pero wala parin akong saksak na nararamdaman. Pagmulat ko ay nakabulagta na 'yung lalaki sa sahig. Tinignan ko ang babae na kasalukuyang nagpapagpag ng damit.
I can't believe this!
"Tara na!"
Hinatak niya ako pababa pero ako, hindi makapaniwala sa nangyari.
She's awesome.
Baekhyun
Ng makarating kami sa lobby ay parang dinaanan ng bagyo 'yung buong area. Nakita ko sila Xiumin at Tao na prenteng nakaupo sa sofa.
"HOY!" Sigaw ko kaya agad silang napalingon. Napahagalpak ako sa naging reaksyon nila.
Nanlalaki kasi 'yung mga mata nila at nakanganga pa.
Tumikhim 'yung katabi ko. Oo nga pala, kasama ko ang higantenga na 'to.
"Ehehe. Sorry po. By the way, salamat po sa tulong ninyo. Pero paano po ang lugar?" Boses babae kong tanong at binigyan ng makahulugang tingin ang dalawa.
Nagfake-cough si Tao at tumayo ng maayos. Gumaya na rin si Xiumin. "Don't worry, we can handle this. We already called the police and they'll be here in any moment. You may go." Seryosong sagot ni Tao.
Gusto ko sanang matawa sa page-english ni Tao eh pero pinigilan ko.
"Okay, sir. Thank you." I politely answered and they just nodded. Anubayan! Napapaengrish nadin ako hehehe.
"Are you sure? Diba dapat kukuhanan tayo ng statement para sa nangyari." Nagtatakang tanong ni Chanyeol.
Tinignan ko siya at nginitian. "Trust them."
Alam kong natawagan na nila Xiumin ang JYP Department. Ang JYP Department ay parte din ng SM Headquarters, sila ang umaayos at naglilinis ng mga kalat na nagagawa ng mga agents kung sakaling may labanang naganap at may mga nadamay na lugar.
"Sa palagay ko, ito na ang oras para magpaalam. Hanggang sa muli nating pagkikita." Maglalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Parang bigla akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko. Kaninang hinawakan niya naman ang kamay ko, wala akong ganitong naramdaman.
Pagharap ko sa kaniya at naestatwa ako sa kaniyang ginawa.
Hinalikan niya ako.
Sa lips.
Nanatili akong tulala. Tumigil siya at parang nagulat din siya sa ginawa niya.
"S..sorry."
Wala akong naisagot. Pumihit ako patalikod at mabilis na tumakbo. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa'kin pero hindi ko 'yun pinansin.
Shit!
Hinalikan niya ako!
Hinalikan ako ng kapwa ko lalaki.
Bakit hindi ako nandiri?
Bakit parang..
Nagustuhan ko?
Umiling-iling ako at mas binilisan ang pagtakbo ng may mabangga ako. Bigla nalang akong napa-upo dahil sa lakas ng impact. Ugh! Ang sakit ng pwet ko. Bakit laging pwet ko ang napagdidiskitahan.
Inangat ko ang tingin ko at magsasalita na sana para humingi ng paumanhin sa taong nabangga ko ng matigilan ako dahil tumambad ang isang gwapong lalaki.
"Are you alright?" Tanong niya at inilahad ang kaniyang kamay.
Tinanggap ko ito kasi kailangan ko talaga ng tulong. Inalalayan niya akong tumayo pero dahil masakit talaga ay natumba nanaman ako. Akala ko sa mabubugbog ng tuluyan ang pang-upo ko ng maramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang.
"Jesus! Let me take you to the hospital." Exaggerated niyang sabi.
Akmang bubuhatin niya ako ng pigilin ko siya. "No, I'm okay. Thank you." Pilit akong ngumiti sa lalaki. Gusto niya pa sana akong alalayan pero tumigil din naman siya agad.
Pinilit kong tumayo at naglakad na palayo kahit paika-ika ako. Nakakainis ka Mr. Park! Kasalanan mo 'to!
Nakuha mo na nga ang first kiss ko, eto pa ang inabot ko!