Sorry for the long wait! My apology🙇 Anyway, this chap is dedicated to my bb ssaeng exolixir Cedi! Hehehe.Chapter Five
Dali-daling idi-nial ni Baekhyun ang numero ni Xiumin ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan niya ding tawagan si Tao pero hindi din nito sinasagot ang kaniyang tawag.
Napakagat labi na lang siya sa kabang nararamdaman.
"Kailangan kong umisip ng paraan." Sabi niya sa kaniyang sarili.
Nagtungo siya tapat ng papaakyat na elevator at pagbukas nito ay bumungad ang isang babaeng housekeeper na abala sa pagtingin sa kaniyang kuko habang ngumunguya ng gum. Nang makita niya ito ay sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi.
***
"Xiumin. May nararamdaman ako." Biglang saad ni Tao na katabi ang ngingisi-ngising si Xiumin dahil sa pagkapanalo sa laro.
"Ha? May banyo do'n, Zi Tao."
Napakamot nalang ng ulo si Tao at inilibot ang paningin sa lugar. "May mali talaga, eh."
Sa pagkakaalam ni Tao ay sikat ang Stassy, pero nagtataka siya kung bakit kakaunti lamang ang tao ngayong araw. Noong huling araw na nagpunta siya sa naturang lugar ay para siyang nasa isang konsyerto ng isang sikat na banda dahil sa dami ng tao.
Napadako ang tingin niya sa isang lalaking may tattoo sa gilid ng leeg nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita at agad na napahawak sa balikat ni Xiumin. Tumingin siyang muli sa lalaki na ngayo'y nakatingin na sa kaniya habang abala ang kanang kamay nito sa likod na parang may hinuhugot mula sa bulsa nito.
"SHIT! NALINTIKAN NA! DAPA!"
***
Sa kabilang banda, nagzuzumba naman sina Chanyeol at ang naturang babae. Pawisan na sila at init na init.
Crush pa naman ng babae si Chanyeol ngunit kailangan niyang wakasan ang buhay nito. Nakakandong sya dito at naglalakbay naman sa kaniyang katawan ang kamay ng lalaki.
Itinulak niya ito pahiga sa kama at hinimas ang hot na katawan ni Chanyeol.
"Sayang, ang hot mo pa naman pero kailangan ko 'tong gawin." Sabi nito at dinukot ang isang baril sa likurang bulsa.
Nanlaki naman ang mga mata ni Chanyeol ng tutukan siya ng baril ng babae sa ulo.
"What the fuck?"
"Sorry baby, but I need to do this..." lalo nitong idiniin ang baril. "..Pero teka, pahawak muna sa abs mo. Huwag kang magtangkang lumaban."
Dahil soundproof ang kwarto ay hindi maririnig ang putok ng baril sakaling barilin si Chanyeol. At hindi din nila naririnig ang mga putok ng baril na nanggagaling sa labas.
Takot man ay piniling manahimik ni Chanyeol, besides gusto niya ang ginagawa ng babae.
Lingid sa kaalam ng dalawa ay hindi naman mapakali sa kakaayos ng damit si Baekhyun sa labas.
Suot niya kasi ang damit ng babaeng housekeeper. Hindi mo aakalaing siya ay isang lalaki dahil sa kutis at hitsura niya ngayon. Itinago niya din ang eyeglasses sa isang ligtas na lugar.
Flashback
Nagtungo siya tapat ng papaakyat na elevator at pagbukas nito ay bumungad ang isang babaeng housekeeper na abala sa pagtingin sa kaniyang kuko habang ngumunguya ng gum. Nang makita niya ito ay sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi.
Ng makalabas ito ay agad niya itong nilapitan.
"Hi Miss! Give me your clothes and I will pay you 5,000."
Tinaasan siya ng kilay nito. Hindi naman siya nagpatalo. He raised his left eyebrow higher.
Nagtitigan sila habang nakataas ang mga kilay. Hindi kinaya ni ateng housekeeper kaya natalo siya.
Bigla naman silang nakarinig ng putok ng baril at sumunod ang sigawan ng mga tao.
"Geez! Ibigay mo na at tutulungan kitang makaalis dito!"
Walang nagawa ang babae kaya't hinubad agad ang suot na damit at si Baekhyun ay napanganga.
End of Flashback
Napailing siya ng maalala ang nangyari. Agad bumalik ang atensyon niya sa pintuan. Kinuha niya ang isa sa mga fake i.d's niya at inislide sa gilid ng pinto para mabuksan ang pagkakalock dito.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. Binuksan niya ang pinto at sumigaw.
"GOOD MORNING PO! HOUSEKEEPING!"
Napatigil ang naman bigla ang babae at kakalabitin na sana ang gatilyo ng bigla siyang tinulak ni Chanyeol kaya't nabaril ang t.v at nakagawa ng malakas na ingay.
Agad na tumakbo si Baekhyun sa lugar kung saan narinig ang putok ng baril. Naabutan niya ang dalawa na nag-uunahang kuhanin ang baril na malapit lang sa kanya. Pinulot nya ito at itinutok sa babae.
"Huwag kang kikilos babae kung ayaw mong barilin kita!" Iniba ni Baekhyun ang boses niya upang hindi siya makilala ni Chanyeol.
Itinaas ng babae ang kaniyang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko, ngunit akmang dudukot siya sa bulsa ng sikuhin ni Chanyeol ang likod nito kaya't hinimatay ang babae.
Sus! Kayang-kaya niya naman talaga 'yang babae eh! Pinangunahan lang ng pangangailangan! Asik ni Baekhyun sa sarili.
"We need to escape. Let's go."
Nagpatianod siya sa lalaki. Parang ang labas tuloy ay siya ang iniligtas imbis na siya ang manliligtas.
Napahinto sila ng makarinig ng putok ng baril sa lobby area. Naalala bigla ni Baekhyun sina Tao at Xiumin.
"Shit!" Napamura siya sa isiping iyon.
Napatingin sa kaniya si Chanyeol at agad na hinawakan ang kamay ng akala niyang babaeng housekeeper.
"Hide here. Bababa ako." Maglalakad na sana ito palayo ng hawakan siya ni Baekhyun sa braso. "Huwag!" Pagpigil niya na ikinunot ng noo ni Chanyeol.
He forgot to change his voice kaya't medyo nagboses lalaki ito. Bigla naman siyang umubo at kunyaring binabayo ang dibdib.
"M..may ubo ako. Huwag mo akong iwan!"
Lalong kumunot ang noo ni Chanyeol. "Hindi ka ba makakapagtago kapag inuubo?" Takang tanong nito.
"Uhh..ehem! Ganito, malay mo kapag nagtago ako diba tapos may mga goons na pumunta dito at inatake ako ng ubo maririnig nila ako at posibleng patayin nila ako!" Pagpapaliwanag ni Baekhyun at umubo ng umubo.
Napa-iling nalang si Chanyeol. Umisip siya ng ibang paraan. Kinapkap niya ang bulsa ngunit wala ang phone niya dito, naalala niyang nasa kotse niya ito.
"Bababa tayo.." Pinal na sabi niya.
"Pero.."
"Gamit ang hagdan." Pagpapatuloy pa nito.
Huminga sila ng malalim at magkahawak kamay na tumungo sa hagdanan.
Itutuloy...