Chapter One
Xiumin
"SIYA?!"
Natilapon ko ang pagkaing hawak ko dahil sa malakas na sigaw ni Baekhyun. Grabe talaga 'to. Pero teka.
"SIYA?" -sigaw naming dalawa ni Tao. Woah. Money for me.
"Sinong siya?" -nagtatakang tanong ni Commander Suho. Nanatili kaming nakatayo habang hinihintay na magsalita si Baekhyun.
"S-siya yung lalaking epal." -tulala parin si Baekhyun na nakatitig sa litratong nasa screen.
"Lalaking epal?" -tanong ulit ni Commander.
"Opo. Bago kasi mabaril ni Baekhyun si Mr. Kim ay umepal yang nasa picture. Muntik na niyang hindi magawa yung misyon." -paliwanag ni Tao? Aba. Tindi ng pandinig neto ah. Nasa akin ang earpiece ng mga oras na iyon eh.
"Oh, I see. Wag kayong mag-alala. Not literally na magiging bodyguard kayo. Babantayan niyo siya sa malayo." -wika ni Commander.
"So, mag-di-disguise ulit Commander?" -tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya kay Baekhyun kaya napatingin din kami.
"Baekhyun, papasok ka sa Academy ng mga Park. Ikaw ang magbabantay sa kaniya sa loob ng Academy. At kayong dalawa ay sa labas, kayo rin ang magiging driver o alalay ni Baekhyun para hindi mahalata ng mga gustong pumatay sa kaniya." -paliwanag nito.
"Huh? Ako? Commander naman. Tapos na ako sa pag-aaral. Tch." -sumabat si Baekhyun na mukhang papaiyak ang hitsura. Hahaha! Kawawa. Estudyante ulit.
"Problem?" -tinaasan pa ng kilay ni Commander si Baekhyun. Taray!
"Wala po." -mahinang sagot ni Baekhyun pero alam kong irita na ito. Ikaw ba naman kasi ULIT mag-aral diba? Paulit-ulit nalang ang mga lessons para sa kaniya.
"Okay. You may go."
Wala kaming nagawa kung hindi ang lumabas na pero napahinto kami ng tawagin ni Commander si Baekhyun. Teka nga, hindi naman kami si Baekhyun. Tsk.
Bigla nalang may inihagis si Commander na eyeglasses, simple pero parang may kakaiba?
"Kapag isinuot mo at itinapat sa taong kaharap mo ay lalabas ang mga informations na tungkol sa kaniya. Always wear that, baka makaligtaan mo ang taong kaharap mo. Hindi mo alam, kalaban na pala. Bye."
Nakanganga lang kami ng ilang minuto pero nang may pumasok na agent sa opisina ay nabalik kami sa realidad at lumabas na. Sumakay kami ng elevator at lumabas sa isang eskinita. Naglakad kami papunta sa sasakyan. Nang makasakay ay bigla kaming nag-unahan sa pagsuri sa eyeglasses na ibinigay ni Commander.
"Ako muna!"
"Patingin!"
"Wait. Ako muna!"
Para kaming mga batang nag-aagawan sa kendi na sumabog sa hampas palayok.
Hindi parin kami tumitigil hanggang sa...
Unti-unting bumagal ang paligid. Ang mga boses din namin ay sadyang bumagal rin. Ang pagtilapon ng salamin ay mabagal din.
"SA-LU-HIN NIYOOOO..."
Napapikit kami ng malapit ng lumabas sa bintana ng kotse ang eyeglasses. Tumahimik ang paligid. Dumilat ako at tumambad si Commander! Na...
Na hawak ang eyeglasses!
Papalit-palit kami ng tingin nina Baekhyun at Tao.
"Lima lang ang meron tayo nito. Kaya kung ako sa inyo, ingatan niyo. Hindi ako magbibigay pa ulit." -sabi ni Commander at inilagay sa isang metal box ang eyeglasses at ipinasok muli sa bintana at bumalik na ulit siya sa S.M.H.
Napalunok muna ako at tumingin na sa kanila. Bigla nalang kaming umayos at nagsimula naring mag-drive si Tao.
Tahimik kaming nakarating sa condo namin. Magkakatabi lang ang units na kinuha namin kaya paglabas ay pwede kaming magkita-kita agad.
"Subukan natin." -biglang usal ni Baekhyun na mukhang kating-kati na ang kamay na subukan ang eyeglasses.
Pero kating-kati nadin naman ang kamay ko eh!
"Sige!" -sabay na sigaw namin ni Tao.
Isinuot ni Baekhyun ang salamin at papikit-pikit sya bago umayos ng tingin.
Saktong may dumaan naman na babaeng sexy. Napasipol kami ni Tao at napahagalpak ng tawa si Baekhyun.
"Kingina! 100% all fake!"
Kingina! Bakla 'yun?! Petengene.
-
Sorry for the typos! Enjoy reading!