MY DESTINY (Oneshot)
written by: maidenlovingkyuu
-----------------------------------------------------------------
"Let's break up."
Mula sa aking pagkakayuko ay nag-angat ako ng tingin sakanya. "What?" sambit ko.
"Let's break up. I don't love you anymore. I found someone better than you." aniya na parang proud pa siya sa mga binibigkas niya.
"What the hell, Paul?" ang tangi kong nasambit.
"Don't go against my way. Ayaw na kitang makita. Goodbye, Ellaine." wika nya at tumayo sabay lakad palabas ng Coffee Shop na ito.
Napabuntong hininga nalang ako at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. 5 Years. 5 freaking years of being with Him ay hindi ko akalaing matatapos na ngayong araw. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sakanya o nagkulang ba ako para mawala ang pagmamahal niya.
Nagpalipas muna ako ng ilan pang minuto bago ko napagpasyahan na tumayo at umalis sa lugar na iyon.
Itong Coffee Shop na ito, marami kaming mga alaala dito. Dito kp siya sinagot, dito kami nagcecelebrate ng Anniversary at Monthsary namin. Dito kami nagkikita at hindi ko akalain na dito rin kami matatapos.
Napabuntong hininga ako at tuluyan ng lumabas. Sana may pag-asa pa.
****************************
"Ellaine, Ikaw na naman ang nangunguna sa Dean's List. Ang galing mo talaga." wika ng aking kaklase pagkapasok ko sa aming classroom. Nginitian ko lang siya at nagdiretso sa aking upuan nang hindi sinasadya na nahagip ng aking mga mata ang isang babae at lalaki na nagme-make out dalawang upuan ang pagitan mula sa akin. Nangilid na naman ang luha ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon ang atensyon ko sa aking libro na kinuha ko sa aking bag.
'Paul, bakit ka nagkaganyan?'
Simula ng nakipaghiwalay siya sakin ay nalaman ko na sumali sya sa isang Fraternity at pagkatapos nun ay kung sino-sinong babae na ang nakikita kong kasama niya.
Fraternity. Isa iyon sa dahilan ng madalas na pag-aaway namin noon. Simula ng mag-college kami ay iyon ang naka-agaw ng atensyon niya. Nagpaalam siya saking sasali sya doon pero tinanggihan ko dahil nga sa mapanganib ito pero nagalit lang siya hanggang sa dumating ang araw na nagsawa na sya sa pag-aaway namin at napagod na siyang lagi kong kinokontra, kaya siguro nakipaghiwalay na siya.
Masakit. Sobrang sakit na ipagpapalit ka lang ng taong mahal na mahal mo sa isang samahan na hindi ko alam na makakabuti sakanya. Paul loves fame. Gusto niya ng atensyon kaya hindi narin ako nagtaka. Pero hindi ko alam na kasama din ito sa kasikatan na gusto niya.
Uwian.
Naglalakad na ako palabas ng Campus ng may makabangga ako kasabay nito ang pagkahulog ng gamit ko at pagtapon ng juice na hawak niya sa kanyang damit.
"Sorry po. Pasenya na. Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." hinging paumanhin ko sabay kuha ng aking panyo at pinunas sa damit niya.
"It's Ok, Miss. Mag-ingat ka nalang sa susunod." saad nito at naglakad na palayo. Napabuntong hininga nalang ako at isa-isang pinulot ang mga gamit ko. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad ng makasalubong ko ang mga kagrupo ni Paul.
"Oy Pare! Andito pa pala yung magandang Ex ni Paulo oh. Hi Miss" sambit nito at inilahad ang kamay. Tinignan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad ng biglang hawakan ng isa sakanila ang aking pulsuhan.
BINABASA MO ANG
Like A Fairytale (One Shots Compilations)
Short StoryOne shot stories compilations about happy endings. All Rights Reserved ©heyembeestories 2014