A story by ItzMBerlyn
Date posted: April 10, 2016
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ayoko na talaga! Nakakainis! Nag-effort ako na bumili ng chocolate na pagkamahal-mahal tapos ay nahirapan pa akong ilagay sa bag niya, yun pala ay ipamimigay niya lang! Birthday gift ko sakanya yun! Gosh!" Tatawa-tawa lang sakin si Ate Marie sa pagkukwento ko sakanya kung paano ako na-broken hearted sa katrabaho at pc namin na crush ko na si Kuya Ar.
"So hindi mo na siya crush?" Tanong niya pagkuwan. Tumango ako at inayos ang buhok ko saka tinignan siya sa mga mata,
"Oo! Mag-mo-move on na ako sakanya." Sagot ko. Nakipag-apir naman siya sakin tapos ay sabay kaming natawa sa mga kalokohan ko.
Pagkatapos ng sinasabi kong pagiging broken hearted ko sa katrabaho ko ay hindi ko na siya uli pinansin, pwera nalang kapag kailangan at naging civil na ang pakikitungo ko sakanya katulad ng dati. Lumipas iyon ng isang buwan hanggang sa muli na namang tumibok ang mga mata ko, dahil sa gwapong bagong salta sa trabaho namin. Ang matangkad, moreno, at macho na si Jerald.
"Hi baby."
Nanatili akong nakatungo at pinagpatuloy ang pagbibilang ko ng kaha. Hindi naman kasi ako sure kung ako ang tinatawag dahil in the first place ay hindi baby ang pangalan ko, kundi Ella!
"Baby!" Muling sabi ng macho at moreno at gwapong nilalang na nasa tabi ko.
"Ay baby!" Nagulat ako nang bigla niyang sundutin ang tagiliran ko dahilan para mapaigtad ako. Sinamaan ko siya ng tingin saka sinara ang kaha ko bago siya harapin.
"Problema mo, gwapo este Jerald?" Tanong ko. Ngingiti-ngiti siyang inilapit ang mukha sakin kaya otomatikong napaatras ako.
"Uy adik ka! Nasa harapan tayo!" Bulong ko ngunit patuloy lang sa paglapit ang mukha niya hanggang sa naisipan kong hindi na umatras dahil nauntog na ako sa pader. Nakakaduling ang pagtitig ko sakanyang kulay brown na mga mata kaya napapikit ako ar muling napadilat nang makaramdam ng malambot na mamasamasang bagay sa labi ko. Agad kong itinulak ang mukha niya at tumayo ng maayos.
"Shet ka baby! Bakit....bakit.." Hindi magkandatuto kong sabi habang nakahawak sa labi ko. Lalo siyang napangiti sa sinabi ko at lumayo ng kaunti.
"Ang sarap pakinggan na tawagin mo kong baby." Aniya. Pero parang hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil gumagala ang mga mata ko sa kabuuan ng store, tinitignan kung may mga nakakita ba dahil nasa loob pa kami ng trabaho at bawal ang pda at store romance! Shet, kapag ako nawalan ng trabaho makakatikim tong gwapo na to sakin!
Muli akong bumaling sakanya nang masiguro kong wala, dahil narin sa madaling araw na kaya wala kaming guest at natutulog ang guwardiya namin sa labas habang ang iba naming kasamahan ay nagchichismisan sa likod dahil rinig hanggang dito sa pwesto namin ang tawanan nila.
"Bakit mo yun ginawa, Jerald! At anong ginawa mo!" Pigil kong sigaw sakanya. Humalukipkip siya at muling ngumisi habang nakatingin sakin ng diretso.
"Hinalikan kita, para malaman mo na akin ka at hindi yung nagpapapansin ka kay Ar." Seryosong sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Girlfriend na kita ngayon, Ella. Tandaan ko ha, April 9! 9 ang monthsary natin!" Aniya at muli na namang lalapit nang itaas ko ang dalawa kong kamay.
"Ano? Adik ka ba? Alam kong maganda ako at gusto mo ako pero hindi naman ata tama na girlfriend agad, oo gwapo ka at bagay tayo, pero manligaw ka muna!" Giit ko na muli niyang ikinangiti. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa sinabi ko kaya napayuko ako at naglakad, hinawi ko pa siya dahil nakaharang siya sa daanan pero hinuli niya ang kamay ko na nagpatigil sakin.
"Girlfriend na kita ha." Bulong niya sa may tenga ko habang nakahawak sa kamay ko. Tinignan ko siyang mabuti, nag-iisip kung dapat ba akong sumang ayon dahil baka pagsisihan ko lang sa huli,
"Hoy Jerald, anong ginagawa mo sa kaibigan ko!" Agad kong hinila sakanya ang kamay ko na binitawan naman niya. Napatingin akong muli sakanya at napalabi ako, "Baby baby, babytawan mo rin pala ako sa huli."
Muli niyang kinuha ang kamay ko, "Bibitawan kita kapag hiniling mo, kagaya nalang kanina, pero hindi ibig sabihin na hindi ka na hahawakan pa. Dahil sa ating dalawa, sigurado ako na ikaw ang unang bibitaw."
"Corny mo. Wala namang sense ang sinabi ko." Natawa na lamang siya at sabay kaming bumaling sa bestfriend ko na nakataas ang kilay na pinagmamasdan kami.
"Kami na." Hayag ko.
At pagkatapos ng araw na yon at lumipas ang isang taon ay hanggang ngayon ay hindi parin ako nagsisisi kung bakit ako sumakay sa trip niya. Ngayon ay April 9 ulit, kasabay ng pag-gunita na araw ng kagitingan ay ang pag-gunita din namin sa kalokohan naming dalawa na nauwi sa malalim na pagmamahalan.
"Kanina ka pa, baby?" Tanong ko sakanya sabay upo sa tabi niya at agaw sa iniinom niyang mogu-mogu.
"Mga one-hour baby, pero okay lang, sanay naman akong maghintay." Sabi niya sabay agaw sa mogu-mogu sa kamay ko. Napanguso ako sabay hampas sakanya ng clutch bag ko.
"Ang usapan kasi diba, 8pm. Bakit kasi ang aga mo, 7:50 pm pa nga lang oh." Sabay pakita sakanya ng cellphone ko na kaming dalawa ang wallpaper. Nakita ko ang pag-ngiti niya sabay pakita din ng cellphone niyang ako ang wallpaper habang nakanguso.
"Baby ang pangit ko dyan." Sabi ko saknya.
"Hindi baby, ikaw ang pinakamaganda sa lahat, tandaan mo yan." Nginitian ko siya at niyakap sakanyang bewang. Hinalikan ko ang kanyang pisngi ng paulit-ulit na ikinatawa niya.
Sa loob ng isang taon na relasyon namin ay talagang hindi siya nagkulang sa pagpapaalaala sakin kung gaano niya ako kamahal at kahalaga sakanya. Nagagawa ko naman itong pantayan pero mas nakakahigit parin siya dahil mas matangkad daw siya sakin. Edi siya na!
"May problema ba baby?" Tanong ko nang bigla siyang tumahimik kaya umalis ako sa pagkakayakap sakanya at pilit siyang iniharap sakin.
"Jerald." Pagtawag ko nang hindi parin siya nagsasalita at nakatingin lamang sakin.
"Baby paano kapag inaya kitang magpakasal, papayag ka ba?" Natigilan ako sa sinabi niya at napatulala. Pinilit kong i-absorb ang sinabi niya saka siya hinawakan.
"Baby mga bata pa tayo." Sabi ko.
"Kasi baby pinipilit ako ni Mama na ipakasal kay Dith na kinakapatid ko. Hindi ako pumayag kaya pinalayas ako sa bahay. Ikaw ang mahal ko, Ella, hindi ko yata kaya na magmahal ng iba."
Nakaramdam ako ng munting kirot saking puso, napayuko ako at sunod kong naramdaman ang mainit niyang yakap. Sa loob ng isang tao ay hindi namin nagawa na ipakilala ang isa't-isa sa mga Magulang namin, dahil narin sa desisyon ko dahil takot ako sa mga Magulang ko na istrikto.
"Magtanan tayo baby. Pumunta tayo sa bicol, tapos ay doon narin tayo magpakasal. Saka nalang natin isipin ang kinabukasan." Tumango ako sa sinabi niya at niyakap siya pabalik. Ayokong mawala siya sakin, na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako ng totoo.
Dala ang kanyang iilang gamit habang ako ay cellphone, wallet, at make up lang ay sumakay kami ng bus papuntang Naga City.
Kapwa kami tahimik habang nakasakay sa bus at inaantay na umandar iyon. Nang lingunin ko siya ay nagulat ako dahil nakatingin siya sakin kaya tipid na lamang akong ngumiti.
"I love you, baby." Aniya at hinalikan ako sa noo.
"I love you too, baby." Sagot ko.
--- end ---
BINABASA MO ANG
Like A Fairytale (One Shots Compilations)
Cerita PendekOne shot stories compilations about happy endings. All Rights Reserved ©heyembeestories 2014