S T I L L T H E O N E
One Shot Story by Maidenlovingkyuu
--------------------
Naranasan niyo na bang umasa? Mag-assume? At masaktan?
Kung oo, nakakainis diba? Ang sarap manapak, ang sarap iuntog sa pader ang ulo ko.
Hindi ko alam kung anong meron sakin at lagi nalang akong umaasa at nag-aassume. Hindi ko alam kung bakit sa iilang salita at kilos lang niya ay naiinlove ako ng todo.
Hindi ko alam kung bakit at naiinis ako sa sarili ko!
Napabuga ako ng malalim na hininga habang tinitignan sa facebook ang isang picture ng babae na naka-color blue, at isa lang ang sinisigaw ng isipan ko, hindi siya maganda!
Liam Alcazar posted a new photo
2 mins ago
"Inlove ako sa babaeng ito. "Napapahigpit ang hawak ko sa phone ko habang paulit-ulit na binabasa ang caption. Why? It was supposed to be me! Bakit iba ang picture? Baka nagkamali lang siya?
Ha! Sinong niloko mo Ynna. Ayaw niya na sayo. Wala ng kayo.
No! There was never an us! Assumera lang talaga ako. Pero yung gago kasi na yun, kung makapag-care sa akin akala mo jowa ko na, natutukso tuloy kami ng mga barkada namin, at dahil din sa tukso-tukso na yan, na-fall ang tangang tulad ko.
Huminga ako ng malalim at pumikit. No! Hindi ako iiyak! Ayokong umiyak dahil tanga lang ang iiyak para sa gagong yun. Hindi ko sasayangin ang luha ko sakanya. Gago siya at wala siyang kwenta.
Muli akong bumuntong hininga, kasabay ng paghawak ko saking pisngi at doon ko naramdaman ang basang tubig! Nakakainis! Kahit kailan traydor tong luhang ito!
Kinuha ko ulit ang phone ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nagsscan ng mga pictures... Pictures naming dalawa.
"Liam, pwede ba tayong mag-usap? " lakas loob na wika ko ng makita ko siya, talagang inantay ko talaga siyang mag-out dahil bigla akong naguluhan sa message niya sakin kagabi.
Liam Alcazar sent you a message:
"Ynnah, galit ka ba? Ako kasi oo. Nagagalit ako dahil parang wala kang pakialam sakin. Nagagalit ako dahil umiiwas ka at nagagalit ako dahil hindi ka man lang nagseselos. "
"Liam.. " tawag ko muli sakanya ng lagpasan niya ako.
"Liam ano--"
"Ano pa bang pag-uusapan natin, Ynnah? " tanong niya mula sa mababa ngunit may diin na tinig.
"Kasi Liam yung message mo kagabi--"
"Ah yun ba? Wala yun, trip ko lang yun dahil bored ako kagabi. " anito at may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
Sandali akong natigilan sa sinabi niya hanggang sa ikuyom ko ang mga kamao ko at tinignan siya ng masama, "Gago ka talaga eh 'no. Ganyan ka na ba kasama? Hindi mo ba nakita na nagmo-move on na ako tapos pagtitripan mo nanaman ako. Alam mo bang hirap na hirap na ako, dahil sa araw-araw nalang ay nakikita kita, pati sa gabi dahil friend kita sa facebook! Gustuhin ko man na i-unfriend ka pero ayoko, dahil gusto ko ng closure! " huminto ako sa pagsasalita at pinunasan ang luha ko. Malakas ko siyang itinulak kaya napaatras siya, "Tangna mo Liam! Gago ka! Madapa ka sana mamaya sa gitna ng kalsada! Ang galing mong maglaro ng feelings ng iba, bakit tingin mo ikinagwapo mo na yan? Paasa kang gago ka! May pasabi-sabi ka pa ng three magic word." huminga ako ng malalim saka tinitigan siya sakanyang mga mata.
"Sana maging masaya ka. Adios! " wika ko at tumalikod. Pinilit ko ang sarili kong wag siyang lingunin kahit na naririnig kong tinatawag niya ako, o ilusyon ko lang? Ay ewan. Basta.
Sabi nga sakin ni Jona. Na-Siopao-zoned daw ako, yung tipong binobola lang ako, ay asadong-asado na ako. At malapit ko ng maconvince ang sarili ko na totoo yun dahil heto ako at chinachat na naman ang Gagong Liam na yun sa messenger.
Liam sent a message:
Liam: Galit ka parin?
Me: No. Masama ang magtanim ng galit sa kapwa. Ano, masaya kana ba?
Liam: Hindi.
Me: Bakit?
Liam: Wala ka sa tabi ko eh, bakit ka ba nagresigned?
Limang beses akong huminga ng malalim at nagspray ng salbutamol dahil bigla akong nakaramdam ng paninikip saking dibdib. Pumikit ako at kinalma ang aking sarili. Oh,myGod.
Pagkatapos kasi ng paguusap namin ay agad akong nagresigned sa trabaho ko, saktong ayaw na din ako pagtrabahuin ng Daddy ko dahil nga sa lumalala na ang sakit ko dahil narin sa pagod, puyat at stressed ng work ko before.
Me: Personal issues. Kamusta sila dyan?
Liam: Okay lang naman. I missed you, Yam.
Muli akong nagspray ng salbutamol at pumikit. Gago talaga tong lalaking to, balak pa ata ako patayin. Hindi na ako sumagot sakanya at nag-offline nalang hanggang sa makatulog ako.
Inaamin ko, mahal ko parin siya, wala naman kasi talagang nagbago. Pinipilit kong mag move on pero wala parin, hindi na siya matanggal sa puso at isipan ko. I-n-unfriend ko siya sa facebook, dineactivate ang luma kong account at gumawa ng bago pero I found myself visitinf his timeline and sending him a message. Nag-reset ako ng phone ko pero inilagay ko sa backup files ang mga pictures namin. Yung mga key chains at bears na binigay niya sakin nang naglalandian pa kami ay nakatabi kahit na pinapasunog na sakin ni Mommy dahil para na raw akong tanga kakakausap sa mga iyon.
Eversince, I never give up on him and I never stop loving him. Matiyaga akong nag-antay hanggang sa marealize niya ang lahat ng pagkakamali niya at ako ng the one para sa kanya at hindi si Cheche at Mary.
"Kamusta? " tanong ko nang makita ko siya isang araw sa dati naming pinagtatrabahuan ng bumisita ako dito. Hindi narin siya nagtatrabaho doon ngayon dahil graduate na siya at ganun din ako.
"Ito, sa Sandoval Hotel na ko nagtatrabaho, Head Chef. Ikaw? " tanong niya at malawak na ngumiti.
Hindi parin pala nagbago, mayabang parin. "License engineer, sa New York ako nagwowork. Nagbakasyon lang ako dito. " sagot ko at ngumisi. Nagpayabagan lang kami hanggang sa bigla siyang maiyak na ikinataranta ko.
"Sorry Ynnah. Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo noon. Sorry kung gago ako, immature pa ako dati at naghahanap ng trip sa buhay. Sorry for everything. Please give me a second chance. " aniya.
Umalis ako saking upuan at pinuntahan siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya hanggang sa tumatakbo na kami. Dinala ko siya sa isang open area na may bangin para kapag pinagtripan na naman niya ako ay ihuhulog ko nalang siya.
"Liam, if everybody deserves a second chance, does it mean that we also have a freedoom to waste the first one? "
"Hindi ko naman sinasadyang sayangin ang first chance. Immature lang talaga ako noon. Pero sa paglipas ng araw na wala ka sa tabi ko ay nalaman ko kung gaano ka kahalaga sakin. Yung sinabi ko na pinagseselos kita, totoo yun. Ayoko lang talagang magmukhang naghahabol sa isang babae. " he sighed as he stepped closer to me.
"I love you, yam. Mahal na mahal kita. I made a mistake of letting you go before and for making you cry but I promise from this day until our last breathe that I will make you the happiest person on earth. The first time I ever laid my eyes on you ay alam ko na. Na ikaw na ang The one for me. And I am one of a hell guy to have you. I love you, Ynnah. " madamdaming wika niya.
Ngumiti ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi, "Ang tagal kong inantay na sabihin mo yan. " I murmured as I tiptoed to kiss his red lips.
-- The End --
"Ang pag-ibig ay may tamang panahon. "
BINABASA MO ANG
Like A Fairytale (One Shots Compilations)
Короткий рассказOne shot stories compilations about happy endings. All Rights Reserved ©heyembeestories 2014