K O L E H I Y A L A
A Oneshot story by maidenlovingkyuu
Date Posted: January 19, 2015
"Life is cruel, so as college life. Lahat magagawa, lahat kakayanin, makamit lang ang diplomang minimithi."
~~
WARNING: SPG. MATURE CONTENTS! Read at your own risk.
"Promisorry na naman? Miss Arellano, simula prelims hanggan midterms ay nag-promi ka, pati ba naman Finals? Anong tingin mo sa school, Foundation?" napayuko nalang ako habang walang prenong nagsasalita ang cashier. Naririnig ko pa ang bulong-bulongan ng mga ka-eskwela ko na nakapila din sa likod ko.
Napabuntong hininga nalang ako at dahan-dahan kinuha ang promisorry note na pinaghirapan kong gawin. Hayy. Buhay mahirap.
Lumabas ako sa gate ng University na pinapasukan ko. Tumingin ako sa kalangitan. Pinagmasdan ang kapayapaan nito.
"Lord, please help me." usal ko at nagsimula ng maglakad.
Nakarating din ako agad sa fastfood na pinagtatrabahuan ko. Nang makapagbihis ako ay agad akong nagsimula ng gawain ko.
Malalim na ang gabi. Heto ako't naglalakad sa ilalim ng liwanag ng buwan, nagbabakasakaling makahanap ng himala para may pambayad ako sa tuition ko.
Napabuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad, naglinga-linga sa paligid, naghahanap ng pwdeng mapasukan na bar yung pang madaling araw, makaipon lang ng 6,000php para sa balance ko. Hay. Nakakaiyak. Naaawa ako sa sarili ko.
Ako si Marinel Arellano. Isa akong working student, at nagtatrabaho sa isang fastfood chain. 18 palang ako at 4th year college pero feeling ko pasan ko na ang daigdig, paano ba naman mahirap lang kami, Tatay ko lang ang may trabaho samin saka ako, hindi pa nila suportado ang pag-aaral ko kaya kailangan kong gapangin ang sarili ko. Ang hirap, sobrang hirap mabuhay. Nito lang kasi ako nagkaroon ng trabaho dahil inantay ko pang maging legal age.
Iniayos ko ang mabigat kong bag, inilagay ko ito sa aking harapan at muling naglakad.
Hinahanap na kaya nila ako? Anong oras na kaya? I'm sure madaling araw na.
May nakita akong isang resto bar, nakailaw pa ito at mula sa labas ay dinig na dinig ang malakas na tugtugin. May mga katabing bar din ito. Luminga ako sa paligid at nabasa kong nasa Marcos Highway na pala ako. Grabe, ang layo ng narating ko.
Pumasok ako sa loob noon, bumungad agad sakin at maingay, magulo at mausok na lugar. Naglakad ako patungo sa gilid para umupo, tinanggal ko rin sa pagkakasabit sakin ang bag ko.
Ano nga bang gagawin ko dito?
Nagpalinga-linga ulit ako, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko everytime na makakakita ako ng mga naghahalikan. Agad akong napapaiwas ng tingin.
Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Paano ba ako mag-a-apply? Paano ako magtatanong? Saan ako magtatanong?
Muli, ay napabuntong hininga ako. Nangingilid ang aking luha, sobrang malalim na ang gabi, ramdam ko narin ang pagod at gutom pero kailangan ko makahanap ng racket, finals na namin bukas. Mahirap pa naman kumuha ng special exam sa School.
Napaangat ako ng tingin nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Agad kong inagap ang bag ko at ipinatong sa hita ko. Nakita ko sa aking gilid at maputi at kulot na babae na naka make-up, naka sleeve less dress ito na may mga sequins na black na kumikinang dahil sa ilaw.
Ngumunguya ito saka ngumiti sakin.
"Hi!" bati nito
"Uhm..Hello." alanganing sagot ko.
BINABASA MO ANG
Like A Fairytale (One Shots Compilations)
Short StoryOne shot stories compilations about happy endings. All Rights Reserved ©heyembeestories 2014