IKAAPAT NA YUGTO - Parang Ewan ang Epal na Dalmatian

8.9K 238 45
                                    

IKAAPAT NA YUGTO – Parang Ewan ang Epal na Dalmatian

 

*Pagsasalaysay ni author habang hinihingal dahil sa pagtumbling:

Sa pagpapatuloy ni Kabnoy sa paglalakad sa daang matuwid ay walang ano-ano’y may nakasalubong siyang isang pabibong aso. Mayroon itong batik-batik na balahibo na kawangis ng mga baka sa Switzerland.

Lumapit ang aso kay Kabnoy na tila nagpapasikat sa kanya. Bahagya nitong winagaswas ang kanyang buntot, inikot-ikot ang mga eyeballs habang nagpa-puppy eyes, nagpakawala ng isang literal na ngiting-aso, at nagpasabog ng isang tumatambling na flying kiss kasabay ng mahinahong kahol.

Hindi pa nakuntento ang pabidang aso at tila sadyang naghanda pa ito ng isang production number para sa kanyang grand entrance.

Nagplunking ito kasabay ng pagbuga ng acid rain at pagkain ng thumbtacks; lumundag ng pagkataas-taas na wari’y kasali sa UP Pep Squad; nagluwa ng isang video-oke at pinindot ang mga numerong 809527 para sa musikang pinamagatang “Teach Me How To Dougie." Kaagad namang sumayaw ang aso na feel na feel ang bawat indak ng musika.

Matapos ay nagpose ito nang nakalawit ang dila sabay sabog ng baon nitong confetti.


Biglang naputol ang malalim na pag-iisip at imahinasyon ni Kabnoy.

*Point of view ni Kabnoy na naalimpungatan sa kanyang maagang pananaginip:

 

Ang cute naman ng asong ito. Napakalinis, wala ni isa mang pulgas at mukhang napakaamo, hindi gaya ng mga aso ni Aling Puring na bukod sa kuta ng sandamakmak na pulgas ay bigla-bigla na lamang mangangagat nang walang pasabi, marahil ay nagmana sa may-ari. Pero ang isang ito, napakabait at tila nangungusap sa akin.

“Tsu tsu tsu… mukhang ang bait-bait mo ah," marahan kong binigkas habang hinimas-himas ko ang kanyang balahibo.

“Aw! Aw! Aw!....”

“Talaga? Kawawa ka naman pala kung ganoon," sabi ko sapagkat mukhang nawawala ang asong ito batay sa kanyang mga kahol at pagkilos.

“Aw! Aw! Aw!...”

“ Ah… yaan mo, kung wala nang nagmamay-ari sa’yo, handa akong ampunin ka," agad kong pagpiprisinta sa aking sarili. Ok lamang sigurong ampunin ko ang batik-batik na asong ito. Yun nga lang, kailangan pa naming maghati sa kanin, tuyo at sardinas. Pero ayos lang yun, ang mahalaga eh may makakasama na ako.

“Aw! Aw! Aw!...”

 

“Oo, aampunin kita. Magiging mabuting amo ako sa’yo!” mukhang naiintindahan niya ang mga sinasabi ko ah. Nakakatuwa naman.

“meow… meow… meow…”

 

 

 

Bumugad sa akin ang isang pusa, may tali sa leeg at hila-hila ng isang maputing babae. Nakasuot ito ng maikling shorts with matching off-shoulder dress at may pang-ibabang Havaianas.

“Hoy bata ka! Anong ginagawa mo sa alaga ko!? Ha aber! Layuan mo nga yan at baka mahawa pa sa mga galis mo! Tsupe!”

 

“Paumanhin po, nakita ko lamang naman po ang alaga niyong aso habang naglalakad ako," pagsusumamo ko sa kanya.

“Siguro may balak kang nakawin si Stephanie Nicole ano!? Umamin ka! Gusto mong nakawin yang paborito kong aso ano!? Ha bata? Gusto mo tumawag ako ng pulis ngayon! Sige tatawag talaga ako…!”

 

“Naku wag po! Totoo po ang sinasabi ko, nakita ko lang po ito, at ang akala ko po ay walang nagmamay-ari kaya nilapitan ko po. Pero wala po talaga akong intensiyon na nakawin siya!” pagtatanggol ko sa aking sarili habang namumutla at nangangatog ang tuhod.

“Sus! Hoy bata ka, lumang estilo na yan. Alam mo bang kung tutuusin ay mas mahal pa yang si Stephanie Nicole kesa sa sarili mong buhay!? Baka hindi mo nalalamang sa ibang bansa pa galing ang pagkain nyan. At ang kanyang shampoo, aba eh hindi basta-basta, imported din from US!”

Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan? Bakit ba kailanagang gawing batayan ang aking itsura sa kredibilidad ng aking mga sinasabi? Oo, palaboy ako pero hindi ibig sabihin nun eh gumagawa ako ng masama.

 

“Hindi po talaga ako magnanakaw, maniwala po kayo sa akin. Pinalaki po ako ng aking nanay sa kanyang mga pangaral. Nagkakamali po kayo sa inyong paratang," pagmamakaawa ko sa babae.

Siguraduhin mo lang na bata ka! Grabe ha, nai-stress ako sa'yo. You’re so nakaka-bad vibes. Look at my face oh, sa gandang ‘to tapos masisira lang ang araw ng dahil sa’yo? No way! Sayang ang paderma ko dito. Baka hindi mo nalalamang kagagaling ko lang kay Belo! And believe me, muntik nang mahimatay si Hayden nung nagpunta ako sa clinic nya! If I know, pinagpapantasyahan niya ako.”

 

“Naku, nakasisiguro nga po ako sa sinasabi nyo. Ang ganda nyo nga po talaga eh. Alam nyo sa totoo lang po, hindi po ako makapinawala na makakakita ako ng isang napakagandang babae gaya niyo!” kamuntik na akong masuka sa aking mga sinasabi. Kung pwede ko lang ipagtapat na kung hindi lang siya maputi, marahil ay nakamukha na niya si Aling Puring.

“You’re so honest bata! At alam mo ba, itong damit ko, padala pa ‘to ng asawa ko from Saudi, pati itong shorts ko. Ang ganda di ba!?" pagmamayabang niya habang sinasabayan ng nakakaasar na halakhak.

“Opo! Opo! Ang ganda nga po talaga," nangingiwi kong sagot ngunit hindi ko ipinahalata.

 

“Sinabi mo pang bata ka. Mabuti na lang at down to earth ako at napakabait, kasi kung kagaya ako ng iba dyan na napakayabang at mapagmataas, naku siguradong ipapakulong ka. Pasalamat ka talagang bata ka at humble at mabait ako!”

 

“Salamat po. Maraming salamat po!” masaya kong tugon. Mabuti na lamang at may mga uto-uto pa rin sa panahon ngayon.

“Sige na nga! Go go bata to your destination. Baka maya-maya maimbyerna pa ako sa’yo. Go ahead na!”

 

“Salamat po ulit. Buti na lang po at mabait at maganda kayo. Sige po, una na po ako. Sige Stephanie Nicole, pakabait ka!” kagatin mo sana yang amo mo!

Grabe, ang hirap pa lang magsinungaling. Ang pagtawag sa babaeng ‘yon na maganda ay isa atang napakalaking kasalanan.

(Hinihingal pa rin si author sa pagtumbling kung kaya’t hindi muna siya lilitaw, bagkus ay magvo-voice over na lamang gamit ang megaphone with CCTV camera)

 

Sa ilang saglit pa’y tuluyan nang umalis si Kabnoy, iniwan ang magandang babae at ang mga alaga nitong si Stephanie Nicole at ang isa’t kalahating epal na pusa.

Saan na nga kaya ang tungo ni Kabnoy? Paano nga kaya niya matatagpuan ang hinahanap niyang Garapata? Marunong din kayang mag-exhibtion ang Garapata niya gaya ng imahinasyon niya kay Stephanie Nicole? Hindi nga lang kaya thumbtacks ang kaya nitong kainin? Kailan nga kaya mangyayari ang kanilang pagtatagpo?

(Isinwitch off ni author ang megaphone samantalang nag-selfie naman siya sa CCTV camera)

 

Hanapin ang Nawawalang Garapata ni KabnoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon