IKAANIM NA YUGTO - Find the GCF: Pag ang Basura'y Naconvert sa Pera

6.6K 188 11
                                    

 IKAANIM NA YUGTO – Find the GCF: Pag ang Basura’y Naconvert sa Pera

 

*Pagsasalaysay ni author habang umiinom ng tubig, walang relevance basta nauuhaw siya:

 

Matapos makipagdaldalan ni Kabnoy sa kanyang mga kasamahan at makapuno ng sako niyang dala ay kaagad siyang nagtungo kay Mang John, ang may-ari ng Johnk Shop. Doo’y ipagbebenta na niya ang kanyang mga nakalakal.

*Point of view ni Kabnoy habang nahihirapan sa pagbubuhat ng kanyang sakong dala:

 

Sa wakas ay narating ko rin ang Johnk Shop ni Mang John. Grabe ang bigat nitong dala ko. Ito na siguro ang pinakamarami kong nakolekta sa talambuhay ko. Sana marami ang mapagbentahan ko nito.

Gaya ng madalas na ginagawa ni Mang John, hayun at abalang-abala siya sa pagtitimbang ng mga ipinagbebenta ritong bakal, bote, karton, at plastic. Kayod-elepante rin kasi siya. Palibhasa’y lima ang kanyang anak at pawang mga nag-aaral. Ang panganay ay makakatapos na ng kolehiyo ngayong taong ‘to, ang sumunod ay nasa ikalawang taon na raw, samantalang ang dalawa pa ay nasa hayskul at ang bunso ay nasa ikalimang baitang.

Lubos ko talagang hinahangaan yang si Mang John dahil napag-aaral niya ang kanyang mga anak kahit siya’y biyudo na. Nung minsang tanungin ko siya kung hindi siya nahihirapan, ang pabiro niyang sagot ay “Ang bigat ng trabaho kinakaya ko, pero ang lamig ng mga gabi, medyo mahirap,"  at sinabayan niya ito ng malakas na pagtawa at pagbanggit ng “Hoy Kabnoy, bata ka pa! Wala ka pang alam dun,"  at muli siyang tumawa.

Ganoon talaga si Mang John, masyadong mapagbiro. Nakatutuwa talaga siya at isa pa’y napakabait. Madalas nga niyang dagdagan ang bayad niya sa mga kalakal ko. Katwiran niya’y basta nagpapakabait ako’y magiging mabait din daw siya sa akin.

“Mang John, makikitimbang na po nitong sakin!”  bahagya kong sigaw habang papalapit sa kanya.

“Oh Kabnoy, andiyan ka na pala. Ilapag mo muna dyan at tatapusin ko lang ang isang ‘to. Uminom ka na rin pala ng Tang diyan sa mesa, mabuti’t malamig pa,"  banggit niya kasabay nang pagturo sa lamesang katabi ng sakong may nakasalansang mga bote.

“Naku sige po. Sobrang pagod at uhaw na nga po ako eh,"  tugon ko naman sa kanya habang tinutungga ang pitsel na kinalalagyan ng Tang.

“Sabi ko naman kasi sa’yong hinay-hinay ka lang sa pangangalakal. Aba eh bubot pa yang mga buto mo. Lalong mas mahirap kung magkakasakit ka,"  payo niya sa akin.

“Wala po ito. Kayang-kaya ko po ang sarili ko. Nag-flanax yata ‘to!”  pagbibiro ko namang sagot sa kanya habang lumalagok ng Tang na lasang EightO’Clock.


“Oh Kabnoy, trese kilo itong bakal, ang plastic naman ay limang kilo, at ang bote ay bente-dos piraso. Bale 280 ang kabayaran pero huhustuhin ko ng 300."

 

“Naku salamat po. Ang bait n’yo po talaga Mang John!”  malugod kong tugon bagamat hindi ko naman talaga alam kung gaano ba ang idinagdag niya. Pero sa tingin ko eh malaki, kita kasi sa mga ngiti niya.

“Walang anuman Kabnoy! Basta ikaw."  Sabay ngiti at taas ng kanyang mga kilay.

“Sige po salamat po ulit. Una na po ako. Pupunta pa po ako sa amin at may hahanapin pa rin po ako,"  masaya kong wika sa kanya.

(Nainggit si author sa Tang kaya nagtimpla din siya ng Nesfruta, mango flavor from Guimaras)

 

*Pagsasalaysay ni author na feel na feel ang pag-inom ng juice:

 

Mababakas sa mukha ni Kabnoy ang labis na pananabik. Dahil kaya ito sa pag-inom niya ng Tang na kaparehas lang ang lasa sa EightO’Clock? O di kaya’y dahil sa kanyang matagal nang minimithing Garapata? Makakasapat nga kaya ang tatlundaang piso upang mahanap ito? 

Hanapin ang Nawawalang Garapata ni KabnoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon