Dedicated sayo. Thanks sa pag fan! :)
--------
....and then she was gone
Chapter 2. And there she was
“Makaka-alis ka na.” Utos ko sakanya. Honestly, parang ayoko syang paalisin. Baka naman bumalik sya dito sa bahay tapos sa sa susunod mag nakaw na talaga sya diba? Parang hindi kasi talaga ako naniniwala na hindi sya mag nanakaw.
“Osige. Babye.” Yun lang sabi nya. Hindi man lang sya nag thank you dahil hindi ko sya ipinakulong.
Ngumiti lang ako sakanya. Fake smile. Hinihintay ko syang lumabas ng bahay para naman makatulog na ko. Gabi na. Mahaba pa kasi ang pinag deskusyunan namin kanina. Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ko sakanya o hindi. Pero sa huli ay tinggal ko din ang lubid sa kamay nya. Naririndi na kasi ako sakanya. Paulit ulit nyang sinasabi na hindi daw nya alam kung bakit sya nasa higaan ko. As if namang naniwala ako sakanya. At isa pa, iyak sya ng iyak. Sabi nya, kanina lang daw ay nasa tabing ilog daw sya tapos pag gising nya nasa bahay ko na sya? Pwede ba yun? Natatawa na nga lang ako sa kwento nya eh. Hindi naman kasi kapani-paniwala.
Pagkatalikod ko biglang nag ring ang doorbell. Tumingin ako sa orasan. 10 45 na. Sino pa kayang dadalaw sakin ng gantong oras?
Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. Hindi kaya si baliw? Yung babae kanina. Oo. Sya! Naisip ko baka pag bukas ko ng pinto bigla nya akong tutukan ng baril. Katakot yun. Kaya bago ko buksan ang pinto ay sumilip muna ako sa bintana. Tama nga ang hinala ko. Sya nga. Si baliw nga. Akala ko ba uuwi na sya?
“Bakit kappa nandito?” sabi ko habang nakasilip sa bintana. Ayoko buksan ang pinto, mahirap na.
“Pwede mo bang buksan ang pinto?” tinitigan ko sya. Para syang batang nag mamakaawa na buksan ko ang pinto.
“Bakit? Ano kailangan mo?”
“May itatanong lang ako.”
“Itanong mo na.” Ang daming arte. Pwede namang itanong ng hindi binubuksan ang pinto.
“Saan ba tong lugar mo?” napa-smirk ako. Anong klaseng tanong yun?
“Manila.”
“Manila...” nakita ko sa reaction nya na napaisip sya, “May ilog ba dito?”
Natawa ako. Ilog? Bakit naman sya mag hahanap ng ilog sa isang exclusive village? Nahihibang na ata talaga sya. Binuksan ko na ang pinto.
“Walang ilog dito.” Nag step sya sa loob ng bahay ko na kinagulat ko.
“Pwede ba kong matulog dito? Ngayong gabi lang.” Ayan na naman ang mata nya na para bang nag mamakaawa.
“At bakit? Hindi bat natulog ka na dito kanina ng walang paalam?”
Nag sigh sya. Mukha na syang miserable. “Alam mo hindi ko naman talaga alam kung bakit nasa kama mo ako kanina e. Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin. Parang bigla na lang ako napunta sa lugar mo. Gusto ko umuwi. Pero hindi ko alam kung paano. Kaya pwede ba kahit ngayong gabi lang? Please.”
******
“Are you making fun of me? Anong hindi mo natatandaan yung tirahan mo? E paano ka uuwi bukas?” mababaliw na ko sa babaeng to. Hindi ko sya maintindihan. Tama ba na patuluyin ko sya dito?
“Totoo ang sinasabi ko. Pakiramdam ko talaga mababaliw na ko. Ang hirap ipaliwanag e.” Tumigil sya sa pagsasalita, “wait lang ah. Tapusin ko muna tong kinakaen ko. Gutom talaga ako e.”
Medyo makapal talaga sya. Hindi ko alam kung ganyan ba talaga ang personality nya o dahil lang sa gutom sya?
Tinititigan ko lang syang kumaen. Yung mukha nya, bawat parte ng mukha nya sinusubukan kong kabisaduhin. Para syang familiar sakin. Hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita. Ewan. Hindi nga ako sigurado kung nakita ko na ba sya dati eh.