3. A friendship to Remember

73 5 3
                                    

Dedicated to her. Hi girl :") 

***

....and then she was gone

Chapter 3. A friendship to Remember

*

“Pinsan  ko. Ang ganda nya no.” Yun yung pakilala ni Domi sa mga kaklase namin kay Cyrille. Namangha naman tong mga kaklase namin. Kasi nga ang ganda nya talaga. Kung anu-ano ang tinanong nila. Halos hindi na nga kami nakapag umpisa sa shooting namin eh.

“Eh saan ka nakatira?” bigla akong napatingin kay Cyrille nung tinanong sya nun nang isa naming kaklase. Nag hihintay ako ng sagot nya at medyo kinakabahan pa nga ako. Marunong naman siguro syang makisama diba? Baka magulat ang mga kaklase ko kapag nalaman nilang sa bahay nakatira si Cyrille.

“Tanga lang Paulo? Malamang sa bahay sya nakatira. Pinsan ko nga diba?” napahingang malalim ako at nawala agad ang kaba ko. Buti na lang mabilis sumingit tong si Domi.

“Sorry naman ah.” At nag tawanan ang lahat.

Nag umpisa kaming mag shoot. Nanunuod lang samin si Cyrille. Lahat kami busy kaya wala na syang makausap. Habang nag shu-shoot pa ng scene si Domi at Paulo ay lumapit ako kay Cyrille. Ngumiti sya nung nakita nya akong papalit sakanya.

“Ang pangit mong mag lakad.” Tumawa sya. Nagulat ako dahil--- tama ba ang rinig ko? Ininsulto nya ako. “Pero nung lumapit ka, na-realize kong ang gwapo mo pala.” Himbis na mainis ako sa sinabi nya ay natuwa ako.

“Ine-expect mo bang sasabihin ko sayong, ‘ang ganda mo rin naman e’?” natatawa kong tanong.

“Hindi no.” Mabilis nyang sagot. At bumalik na sya sa panunuod nya.

“Adriel!” sigaw ni Domi, pinapapunta na nya ako dahil scene ko na.

Bago ako makatayo ay hinawakan ako ni Cyrille sa wrist ko, “Bakit?” agad din naman syang bumitaw sa pagkakahawak nya.

“Adriel pangalan mo?”

“Oo.” Sagot ko, “pero Aj itawag mo sakin.” pagkasagot ko sakanya ay nag lakad na ako papunta kung nasaan si Domi at nag umpisa na shoot.

*****

“Bye Hi!” sigaw ng iba kong classmate. Naging close na nga talaga siya sa mga classmate ko kahit kay Domi ay naging close na rin siya. In fact, magka-kapit sila ng braso ngayon. Ako na lang ata ang hindi nya ka-close. Dahil ba lalaki ako at babae sya? At kasabay pa nun ay yung fact na sa bahay sya mag s-stay?

“San lakad natin?” tanong ni Domi sakin habang mag kakapit pa rin sila ng braso. Para na silang bestfriends.

“Uwi na tayo. Pagod na ko.” Sabi ko. Sobrang busy na namin dahil 4th year na kami. Onti na lang at tapos na kami sa college.

“Ang kj mo naman! Igala muna natin si Hi.” Sabi nya habang nag papa-cute sa harap ko. Best friend ko sya simula pagka-bata kaya alam ko kung galit sya, malungkot, or like ng ginagawa nya ngayon, nag papa-cute.

“Tigilan mo yan. Di bagay.” Sabi ko sakanya at wala pa sa alas-kwarto ay tumigil na sya sa ginawa nya. “Osige na. Magiging chaperon nyo ko ngayon. Pero ngayong araw lang na to.”

Kahit pagod na pagod na ko ay pumayag na lang ako dahil naasiwa ako sa mukha ni Domi. Hahahahha Tska alam ko naman na kaya sya nag papa-cute ay may hihingiin syang pabor e. At yun ay ang magsunudun-sunuran sa kanilang dalawa.

“Pwede bang kumaen muna tayo?” pag sa-suggest ko sakanila. Kanina pa kasi nag va-vibrate ang tyan ko. Mas inuuna pa kasi sakanila ang pag-gagala kesa sa pagkain.

And then she was goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon