4. An Unexpected Reaction

87 5 5
                                    

 I miss you Marianing! Hahaha! Dedicated sayo baka sakaling magustuhan mo. Hihihi XD Mag kikita na tayo ulit at mang ha-hunt na ulit tayo ng pogeeeee <3 

..And then she was gone

Chapter 4. An Unexpected Reaction 

**

Tinitignan ko sa buong mukha si Cyrille habang kumakain sya ng Cereal.

“Ang sarap nito. San mo ‘to nabili? Tska mag kano?” nakangiti sya.

Gusto ko syang tanungin about sa maraming bagay kaso hindi ko alam kung saan ako mag u-umpisa. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sya sa harap ko. Anong ibig sabihin nito? Bakit kailangang sa bahay ko pa sya mapadpad diba? Tska anong ibig sabihin nung mga panaginip ko? Tapos bumabalik pa ng biglaan yung mga memories ko nung bata ako. Naguguluhan ako.

“Bakit at paano ka napunta dito?” tanong ko sakanya.

Binaba nya ang kutsara nya at tumingin sakin na may weak smile, “Hindi ko nga alam diba. Bakit ba ang kulit kulit mo.”

“Anong date sa lugar nyo nung araw na nawala ka?”

“Kaparehas ng date dito. Nung dumating ako, September 9 yun. Ano bang akala mo? Na nanggling ako sa panahon ni Rizal? At sa tingin mo, may mission ako dito kaya ako napadpad sa bahay mo? Yun ba?” tumawa sya, “Sige. Ipagpalagay na lang natin nag anon. Kung dun ka ba maniniwala e.” Sumubo na ulit sya nung kinakain nya.

Masama na siguro ang loob nya sakin dahil sa inaasal ko. Bakit si Domi parang ang dali nyang natanggap ang lahat? Ganito na ba talaga ang mundong kinatatayuan ko ngayon?

“May na-kwento ka sakin kahapon. Yung about sa Aj na kaibigan mo.” Tumingin ulit sya sakin, nag hihintay ng susunod kong sasabihin, “sa tingin ko kilala ko sya.”

Nag smile sya ng malaki, “Talaga? Paano?” kitang kita sa mata nya na nae-excite sya.

“Ako yung Aj na tinutukoy mo.”

Hindi ko rin alam kung dapat ko ba tong sabihin sakanya pero sa tingin ko may koneksyon na sa kung bakit sya andito.

“ha? Hindi. Magkapangalan lang kayo.”

“Cyrille, napaniginipan ko ang lahat. Kung paano kita nakilala at kung paano kita pinagtanggol sa mga--  nangaasar sayo.”

Nanlaki ang mata nya at mas nilapit nya ang mukha nya sakin, “Totoo ba yang sinasabi mo?” nag nod ako.

“Ibig sabihin nagkakilala na pala tayo dati.” Bigla syang natawa, parang hindi makapaniwala. Tinitigan nya ko sa mata habang nakangiti, “Hi Aj. Nice meeting you again.”

13 years ago, nakilala ko ang babaeng ito at hindi ako makapaniwala na mag kikita ulit kami sa di inaasahang pangyayari.

*****

“Ibig sabihin makakauwi na ako?” tuwang tuwa sya habang nag ke-kwentuhan kami. Nung sinabi nya yun, parang nag iba yung mood ko.

“Gusto mo na ba talaga umuwi?” Some part of me wants her to stay. Yun yung nararamdaman ko.

Ngumiti sya, yung inosenteng ngiti. “Yung bahay namin. Yun na lang yung natitirang meron ako. Kahit papano pinag hirapan pa rin yung ng magulang kong itayo. Pag nandon ako sa bahay na yun, pakiramdam ko kasama ko parents ko.” I think, it would be really hard for her kung iiwan nga nya ang lugar kung saan sya lumaki.

“But pwede ka namang mag stay dito ng ilang araw pa diba?” sabi ko sakanya, convincing her to stay.

“Oo naman!” napalaki ang ngiti sya. Yeah, she’s cute, cuter than Domi. Sorry Domi! “Natutuwa ako dahil nakilala ko kayo, lalo na si Domi.” Sabi pa nya.

And then she was goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon