6. From the heart

73 4 11
                                    

“What?! You like her? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ha Adriel?”

“I know that you’re against of it Domi, but please.”

“Now what? You’re going to court her?” tinaasan nya ako ng kilay. Ang arteeee nitong si Domi. Halos mag makaawa na nga ako sakanya e na para bang sya ang magulang ni Cyrille.

“Yes.” I answer her confidently.

Kinamot nya ang ulo nya. Nababaliw na sya!

“If that’s what you want.” Nag sigh sya.

Niyakap ko sya, “Talaga? Pumapayag ka na? Weee! Domi, kaya mahal kita e. Bait mo talaga.”

“Stop it jerk.” Tinaasan na naman nya ako ng kilay, “Basta siguraduhin mo lang na totoo yang sinasabi mo ah. Pag pinaiyak mo si Hi, kahit na best friend kita, I’ll kill you!”

Natawa ako sa sinabi nya. “Hinding hindi ko yung gagawin no! E di parang pinaiyak na rin kita? Yiee. Kilig ka naman.” Napangiti sya. Tumayo na kaming dalawa at pumasok sa loob ng bahay.

It’s settled then. I think I’m blessed.

****

“Anong gusto mong gawin?” tanong ko kay Cyrille na nasa harap ko ngayon. Ang ganda ng ngiti nya.

“Gusto ko lang mag stay dito.... kasama ka.” Yung totoo, parang tumigil mundo ko nung sinabi nya yun. Gusto ba nya ako?

“Ha?” kunyari ay hindi ko na lang narinig ang sinabi nya pero ang totoo gusto kong ulitin nya.

“Wala. Sabi ko gusto ko kumain.” Yun na lang ang sinabi nya. Ano ba yan. Ayaw na nyang ulitin. Hindi ko pa pala sinasabi sakanya ang nararamdaman ko. Parang ang bilis kasi. Mag da-dalawang linggo ko pa lang syang kilala. Ays. Bakit kasi ganto?

“Anong gusto mong kainin?” gusto ko syang pag silbihan hangga’t nasa tabi ko sya.

Oo nga pala. Nasa bahay na ulit sya ngayon. Pinayagan na ako ni Domi na ibalik sya dito. Pero bago nya ako payagan, kung anu-ano muna ang sinabi nya sakin. Syempre, nanay ko yun eh.

“Uhmmmm.” Nag isip sya, “gusto ko ng spaghetti.”

“Yun lang?”

“Ikaw.”

“Ha?” ano ba to. Para naman akong babae nito. Kanina pa ko nabi-bingi.

“Sabi ko, ikaw. Anong gusto mo?”

“Ah, ako. Wala. Wala akong gusto.” Nauutal tuloy ako. Bakit kasi hindi ko pa sabihin sakanya? Confident naman akong sabihin sakanya kasi nararamdaman ko naman na may pag asa ako kaso nga lang parang hindi talaga tama. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang nung nakaraan lang,

Wala ng nag salita samin. Parehas lang kaming naka-upo at mag katapat kami ngayon kaya kitang kita ko ang mukha nya. Mas gusto ko yung ganto, kahit hindi na ako mag paalam sakanya na tititigan ko sya—magagawa ko lang to ng paulit ulit.

 “Wag ka tumingin sakin. Naiilang ako.” mas lalo akong natahimik nung nag salita sya. Nawalan ako ng sasabihin at hindi ko na alam ang sasabihin ko.

“Mag kaharap tayo kaya kita tinitignan. Bakit ka naman maiilang?” sabi ko sakanya.

“Alam ko pero iwasan mo ng tumingin sakin.” iniiwas nya ang tingin nya sakin. Kanina naman hindi sya nag re-react nung tinitignan ko sya pero ngayon kung makapag react sya.

“E di hindi na.” Sabi ko sabay tumayo na ako. Pumunta ako ng kusina para mag luto ng spaghetti na sinabi nyang gusto nyang kainin.

“Uy galit ka?” effective yung ginawa ko ah.

And then she was goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon