part two

304 21 3
                                    

Kree's Point of View:

Dalawang araw na ang nakalilipas mula ng fighting scene ng mga campus hearthrobs. Sus! kung maka chismis yung mga tao dito sa school. 

Akala mo meron talaga silang may naitulong. >_<

Pagpasok namin ni Gee ngayong umaga ay meron nang mga palamuti at kung ano dyang dekorasyon na naka kalat sa lobby.

"Ang ganda!"

Tumawa si Gee."Hinaan mo nga yung boses mo. Hindi lang kaya tayo dito ang tao"

"Siguro meron nang mga booths ngayon?"

"Depende...pero mostly, bukas pa mag ooperate yung mga booths. Kahapon lang nila naitayo yung mga kiosk nila."

"Ah ganun ba." Napatingin ako sa cellphone ko, "Si Jen daw nasa gate."

"Susunduin ko na."

"Teka..Gee-"

Ay, kumaripas na sya ng takbo.

Mga taong inlove talaga Oo, Kita mo yun, bigla nalang akong iniwan. >_<

"Hello!"

Napatingin ako.

Ugh. Si Thea Rassel na naman.

Ngumiti ako, kahit ayaw ko sana. Ewan, hindi ko lang talaga sya type.

Halata rin ngang pilit lang yung ngiti nya. "Mag-isa ka lang Kree?"

Obvious ba? "Oo..,meron pa kasing sinundo si Gee"

"Ahh ganun ba. Too bad..."

"Too bad? bakit?"

"Dapat ka sanang may kasama ngayon before you know the news...the very bad news"

Too bad? Eh bakit parang yung mukha nya nagsasabi ng too good?

Kinakabahan ako sa sinasabi ng bruhang to. "B-bakit? ano ba ang bad news na yan?"

"Eto oh, tingnan mo."

Ipinakita nya sakin ang isang blog sa tablet nya. Wow..sosyal pala ang isang to.

Binasa ko.

"The campus blog."

At isang malaking picture ang bumulaga sakin. Picture nung araw na nagka gulo. Nasa gitna ako, si Leo naman ay nasa harapan ko. It was the part that he took the blow from that monkey.

"This girl really likes to be in the center of attention. Especially when it comes to flirting with the campus hearthro-" Hindi ko na ipina tuloy. Alam ko naman ang kasunod eh.

"Im really sorry Kree. Kanina lang kumalat ang blog na yan. Siguro meron ka lang talagang kaaway,"

"Ako na naman? Tumulong lang naman ako ah."

"Well, hindi yan ang nasa isipan ng nag papakalat nito obviously... Kalat na kalat na e'send ba naman sa lahat ng students dito sa school."

At akala ko naman ay maganda na ang araw ko ngayon.

"Kree nandito na si Jen." Hinawakan ni Gee yung ulo ko. "Hoy Teks, narinig mo ba'ko?"

"Hi Gee.." bati naman ni Thea.

Nakita ko ang pagtataka ni Gee. Alam nya kasing hindi ko type yung new student.

"Hello...Thea.." May pag-aalinlangan nyang sagot.

Kung si Gee ay medyo reserve, mas frank naman ang dating ni Jen. "Kree, bakit ka namumutla? is something wrong? baka meron na namang masamang balita..." tiningnan nya si Thea Rassel.

That Girl's WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon