Last Part

273 16 10
                                        

"Good evening Kree..." Itinaas ni Joshua and dala nyang paper bag. "Ipinabibigay ni tito Wellie..." Kinindatan nya si Blake. "Nice..."

Nakitingin lang ako sa kanila. Hindi pa kasi nag loading yung utak ko dahil una, hindi pa nag sink in masyado yung tanong ni Blake at bakit isinama nya pa si Gene sa kalokohan nya. Pagalawa, ang ganda naman talaga ng oras ng pagdating ng kambal noh...parang scripted.

Ano lang to, Meteor Garden?

Kumunot yung noo ko. Hindi ko alam kung ano uunahin ko. Si Blake ba at yung tanong nang representative nyang si Gene na siguradong na su-sufocate na sa loob ng higanteng mascot na yan o si Joshua na may dalang pagkain...o si Leo na siguradong kukunin yung jersey nya pero parang gustong gulpihin si Teddy Rukspin...

Ang gulo!...Although in normal circumstances, yung may dala ng pagkain talaga yung uunahin ko.

Isinara ko muna yung pinto. Nasa kwarto pa kasi si daddy at siguradong nanonood pa yun ng news. Ano nalang iisipin nya kung nagkataon...

"One at a time..." Bulong ko sa sarili ko. "Uhmm...magandang gabi sa inyong lahat...sorry at medyo hindi ako naka paghanda sa pagpunta nyo dito..."

Iniabot sakin ni Joshua yung paper bag. "Ok lang...kakasabi lang naman ni tito na kung pwede ay ibigay to namin sayo...Nagluto kasi sya kanina at naalala nyang paborito yan ng daddy mo."

Oh yeah...pagkain nga...

"Salamat." Hinarap ko naman si Teddy Rukspin A.K.A. Gene at ang mastermind na si Blake. "Pumasok muna kayo...kayo rin Josh...Leo.."

"Nah...aalis na kaagad kami."

"Bakit?"

Joshua blushed...wait...He blushed? Oh my gosh...hindi ko pa sya nakikitang kinikilig. "Pupunta ako kay Amie...naghihintay sya sakin sa isang resto."

"Wait a minute..." sabi ni Blake. "Amie?...Really?"

"Long story..." sagot ni Josh. Kinidatan nya si Blake. "We have our reasons right? just like you have yours..." Ibinaling nya yung tingin nya sakin.

Blake smiled knowingly. "Right."

Nilapitan ako ni Gene. "Hindi rin ako magtatagal Kree...pinagbigyan ko lang ang loko-lokong to." Itinuro nya si Blake. "Lumakas kasi yung loob matapos makainom ng ilang beer."

"Lasing ka Blake?" Tanong ko.

He shook his finger at me. "Hindi ako madaling nalalasing Kreeps. Malakas yata ang control ng Blake mo...Pampalakas ng loob lang..."

"So basically, Blake is staying..." Pagpuna ko.

Ngumiti ang loko. "Ok lang Kreeps?"

"Oo naman..." Good thing hindi sila lahat mananatili dito...baka maubusan ako ng dala ni Joshua...Uy joke lang...hindi naman ako ganyan katakaw...Pero sa totoo, mas mabuti na dahil baka hindi matutuwa si daddy na maraming lalake sa bahay. Super makaluma kaya yung taong yun.

"So...ako lang yung mananatili dito...?" Tumingin si Blake sa paligid. "No one else...?"

Hindi nila nahalata pero sinulyapan ko ng tingin si Leo. Ewan ko ba, hindi ko lang mapigilan sarili ko...you know, yung moments na nahuhuli mo nalang yung sarili mo na ginagawa o iniisip mo na ang isang bagay.

Naka pamulsa lang sya, nanatiling expressionless at hindi tumitingin samin...He looks kinda pissed but I am not so sure...

And I caught myself hoping that he would stay...

Please robot...stay...

"Sige, mauna na kami?" Tiningnan ni Joshua yung cellphone nya. "Amie is waiting..."

That Girl's WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon