Chapter4

50 6 0
                                    

Masaya pala siyang makasama pag tagal tagal akala ko hindi siya madaldal peropag tagal tagal dumadaldal narin siya.

Meron narin ako nalalaman about sakanya.Kung ano favorite niyang color,pagkain at kung ano ano pa.

"Haha sorry kung medyo madaldal ang totoo kasi ano..me...medyo nasasanay na ako sayo ehh"ang cute niya lalo nat namumula siya.Bahagya siyang umiwas ng tingin at para bang tinatago ang kanyang pagpula.

Napangiti naman ako lalo ko siyang nagugustuhan.Teka ano ba tong sinasabi ko.

"Haha ok lang yun no.Teka nagugutom kana ba??"

"Hindi pa busog pa ako no"

Kraamm*
Napahawak siya bigla sa kanyang tiyan.Natawa naman ako sa inasta niya

"Hindi pala ahh tara kain tayo sa sizzling"

"Pero.."

"My treat"sabay hawak sa wrist niya at hinatak papunta sa sizzling.

Hanggang sa makarating na ang order namin sa aming table.Sa una nahihiya pa siyang sumubo at natatawa nalang ako sakanya.

"Wag ka kasing titingin nahihiya ako ehh >\\<"

Lalo naman ako natawa sakanya.

"Sige eto na hindi na ako titingin kakain na ako"

"Sabi mo yan ahhh"tinanguan ko naman siya at sumubo na sa aking pagkain.

"Alam mo tagal ko natong pangarap."Naubo naman ako sa sinabi niya.Mahina niya iyon sinabi pero narinig ko iba talaga kapag bagong linis ng tenga.

"Eto tubig"natataranta niyang sabi agad ko namang kinuha yun at ininom.Pagkatapos makainom ay agad kong tinanong ang "Ano"

"H...ha???may sinabi ba ako??>\\<"halos natataranta niyang sabi

"Narinig ko yun "ngumiti ako ng abot tenga.

"H...ha??a..ano naman...sinabi ko"nauutal na siya.

"Tsk deny pa"

"Wala akong sinasabi ahh .Naku ano ano naririnig mo makakain na ngalang"sabay subo ng kanin

Natawa ako sakanya ng sobrang lakas.Ang cute kasi niya ehh sa sobrang pag dedeny sumubo ng kanin kahit walang ulam.

Subo lang siya ng subo hanggang sa mapuno na niya ang bibig niya.

"Oh dahan dahan mag ulam kanaman .Tyaka baka ikaw naman ang mabulunan"

Tumango naman siya dahan dahan ko namang kinuha ang cellphone ko at palihim siyang pinikturan para may remembrance.

Ng natapos na kaming kaumain ay nagpahinga muna kami ng kaunti at nagsimula ng maglakad.

Ewan ko ba kung bakit naubusan kami ng topic.

"Baka hinahanap kana ng mama mo"pag oopen niya ng usapan

"Ha hindi yun tiyaka nag paalam ako kaya hindi ako hahanapin non."

"Ahhh"

Muntik ko ng makalimutan yung gagawin ko.

"Ammhhh nga pala"sabi niya

"Ano yun??"

"Ayy wala wala wala"

Ni ngitian niya ako

Huminto ako sa paglalakad .

"Oh bakit??"

"May sasabihin ako sayo kung puwede sana pumayag ka "nahihiya kong sabi

Bigla naman siyang namula.

"Ammmm ano puwede ba..."

"Hmmm??"

"Puwede bang maging...."

Kring *kring*kring

Damn bakit hindi ko masabi naunahan na ako.

"Sige sagutin mo na"nakangiti kong sabi pero deep inside gusto ko ng sumabog bakit ang torpe ko tatanong ko lang kung puwede ba kaming maging magkaibigan tapos hindi ko pa maitanong.

"Hello Aira,ehhh..."hindi ko na narinig ang sumunod niyang sabi dahil lumayo na siya.Maya maya ay bumalik na siya pero this time bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Bakit.??"

"Sorry ahhh kailangan ko na kasing umuwi sa amin ehhh may kailangan pa pala akong gawin "

"Ahhh ganun ba??"malungkot kong sabi at tumango naman siya.

"Ihatid na kita"

"NO....no i mean wag na nakakahiya"

"Hindi basta hatid kita"

"Wag na promise kaya ko naman ehh"

"Plsss sige na kahit hanggang sa sakayan lang"

"Wag na kasi nandiyan na ang sundo ko ohh"turo niya sa mamang driver.

"Ingat ka ahhh "

Binigyan niya naman ako ng isang matamis na ngiti.

"Opo"at tuluyan ng umalis halos hindi ko na siya makita dahil sa kapal ng tao .Hayysss tanga ko talaga hindi ko pa nahingi cp number niya.

Napalingon muli ako sa direksyon kung saan siya nag lakad pero wala na talaga siya.

Sana makita pa ulit kita.Makasama muli..

Unknown Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon