Chapter 3

53 6 0
                                    

Nov 1...

My most awaited moment hindi dahil sa date ahh.Dahil yun sa makikita ko na ulit sa wakas si rose.Nagsuot ako ng simpleng V neck t-shirt at pantalon nag suot narin ako ng bonnet.

"Aba ang gwapo ng anak ko ngayon ahh"pang aasar ni mama .Kinuha ko nalang ang dala niyang mga basket at inilagay sa aming sasakyan .

"Ma wala nabang nakalimutan??"

Umiling naman siya"teka lang at tatawagin ko lang ang kapatid mo...Choloe anak tara na aalis na tayo ....nandun nadaw yung mga tita mo sa sementeryo."

"Yaan napo"sigaw naman ng kapatid ko.

Maya maya pa ay nakaalis na kami kinuha ko ang panyo ni Rose pati narin ang papel na ibinigay ng babaeng makulit.Sige pupunta ako kung saan man ang meeting place pero maghihintay lang ako dun hanggang 5 mins.

*******************

2 mins nalang at malapit na akong umalis tsk.Paimportante pa ang babaeng yun .Hanghang sa matapos na ang limang minuto bye bye tsk tagal kasi ehh.

Habang naglalakad napadaan ako sa flower shop.Nakaagaw pansin sa aking ang pulang pulang rosas.Hindi ako nagdalawang isip at bumili ako ng tatlong piraso ibibigay ko sana kay rose sana tanggapin niya ito.

Pagkatapos pa nun ay bumalik na ako sa simenteryo .Napansin kong wala pa si Rose 

Dadating kaya siya sana naman oo tagal ko din tong hinintay tapos wala palang mangyayari.

Rose nasaan kanaba??

Nandito ako nakaupo kung saan umupo si Rose nung isang taon .Inaasar na nga ako ng mga pinsan ko dahil mukha daw ako ang may kamag anak sa may puntod na ito.

"Ahh..ehhh mmmm..a..anong ginagawa mo rito???"halos mapatalon ang puso ko sa saya dahil sa narinig kong boses mula sa aking likod.

"Hi"pagbati ko shit bakit parang nagiging ewan ako ??natatameme ako.Pinagmasdan ko ang kanyang mukha mas maganda pala siya sa malapitan .

"Hello"mahinhin nitong sabi

Dali dali kong kinuha ang kanyang panyo sa aking bulsa.

"Panyo mo nga pala naiwan mo nung isang taon"ngumiti naman siya at kinuha ang panyong iyon.

"Salamat"nahihiya nitong sabi.

Inabot ko naman ang kanang kamay ko

"Ako nga pala si. "

"Ken"dugtong niya

"Ha??alam mo na pangalan ko??"bigla naman siya nag blush

"Ahh..eh.. naririnig ko lang diyan sa kabila"napatango naman ako.

Inabot din niya ang kanang kamay niya at sinabing.

"Mary rose"nakangiti nitong sinabi.

Hindi masyadong kalambutan pero ang sarap hawakan.

"Ahh ehh puwede ng bitawan hehe"

Nagbigla naman ako sa aking nagawa.

"Ayy sorry "sabay kamot sa aking batok.

"Nga pala nasaan ang iba niyong kamag anak at tyaka bakit ikaw lang mag isa ang dumadalaw rito??"

Ngumiti naman siya.

"Nasa malayo sila kaya hindi sila makapunta rito sa pinas."

"Ahh nasa ibang bansa sila.Eh mga magulang mo??"unti unti naman nawala ang kanyang mga ngiti sa kanyang labi at yumuko.

"Wala na sila parehas "malungkot nitong sabi.

"Ayy sorry hindi ko sinasadyang itanong sayo yun "

Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti ng sobrang tamis."ok lang yun"

Matagal tagal din kaming natahimik.Hindi ko inaasahang 
mangyayari  sa akin ito .Ang mahiya sa isang babae.

"Ammm ano ...puwede bang mamasyal kasama ka??"shit nauutal ako.

Tumawa naman siya ng mahina ang cute niya.

"Sige...ok lang....naiintindihan ko"

"Sige payag ako"nagulat naman ako sa naging sagot niya...

Eto naba ang simula???sana lang talaga eto na


Unknown Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon