5. Price Tag
"It's not about the money, money, money. We don't need your money, money, money."
Charot. Napakanta ka? Huwag! Baka 'di ka bigyan ng pera ng nanay mo. Sabihin 'di mo naman pala kailangan ng money, money, money.
Pero seryoso, ito na siguro ang isa sa pinakakailangan ng isang fangirl/boy. Aminin niyo iyan!
Paano ka bibili ng KPOP merch kung wala kang pera? Paano ka makakabili ng album ni bias kung wala kang pera? Paano ka makakapunta ng KPOP concerts kung wala kang pera? Paano ka makakapunta ng KPOP events kung wala kang pera?
NGANGA!
Tsk tsk.
Kaya ang masasabi ko, bilang isang fangirl/boy, DAPAT MATUTO KANG MAGING THRIFTY. MATIPID. MASINOP. MAINGAT SA PERA.
Isipin mo na lang na para iyan kay bias. At saka isa pa, kapag nagtitipid ka ng baon, 'di ba minsan hindi ka na kumakain tuwing break? Instant diet din 'yan! Oh di ba? Dalawa ang magiging benefits. Una, makakabili ka ng gusto mong KPOP eklavu at pangalawa, papayat ka pa! Bongga!
Aminin man natin o hindi, mahalaga para sa isang FANGIRL/BOY ang PERA. Kaya huwag na huwag kayong kakanta ng 'PRICE TAG'!
Kung ayaw niyong ma-'May show, may show, NO PERA~'. LOL! XD
"Bakit pa ako bibili ng KPOP Merch? Gastos overload lang naman mga iyan. Hindi ko rin naman magagamit."
Okay, edi 'wag kang bumili! Pinipilit ba kita? Pakialam ko sa'yo? Chos!
Hindi naman sapilitan ang pagbili ng KPOP Merch. Wala naman po akong sinabing manghingi o makupit ka sa nanay mo para makabili ka ng KPOP march o makabili ng KPOP Concert ticket. Ang akin lang, kung isa ka talagang FANGIRL/BOY, you will find any ways to support your fave group/bias.
"Bakit ba maraming bumibili ng mga KPOP ALbums na mga 'yan? Pwede namang mag-download na lang sa internet, libre pa!"
Pwede nga, ang tanong, makakatulong ba iyan para maiangat sa music charts ang bias mo at bias ko?
Makakatulong ba iyan sa sales ng Album nila? Hindi di ba? So, kung may sapat ka namang pera, bumili ka ng album ng bias mo.
Nakatulong ka na in that way. Anong klaseng tulong? Aangat sila sa music charts. At dahil doon, mas lalo silang tatanyag.
Pagdating naman sa KPOP Concerts, alam ko lahat tayo sobrang nabibigatan sa presyo ng tickets pero ganyan talaga eh. Wala tayong magagawa kundi MAG-IMPOK nang MAG-IMPOK.
Kung talagang pursigido ka na makita ang bias mo, aayusin at didisiplinahin mo ang sarili mo na mag-ipon pambili ng Concert ticket.
Pwede rin namang MAAYOS kang manghingi ng pera sa parents mo. Or di kaya UMUTANG ka sa parents mo. Ati/Koya, mahiya tayo sa parents natin, andami nilang pinagkakagastusan kaya I prefer na umutang na lang kayo sa parents niyo at saka niyo bayaran kapag nakaipon na kayo. O di kaya ay manghingi kayo ng pera, halimbawa 20% ng price ticket, para hindi naman sila mabigatan nang bongga sa presyo.
'Yung mga KPOP Events naman, ayaaan. Dito na yata madalas ginagastos ng isang fangirl/boy ang kanyang pera. Chos. Masaya kasi sa mga KPOP events, aminin niyo! Madami kayong mami-meet na kapwa KPOP lovers at pwedeng ka-fandom niyo pa. At kung suswertihin, makakakita ka pa ng mga gwapong cosplayer na pwedeng kamukha ni bias. Lol!
Pero hep-hep!
Hinay-hinay lang sa paggastos ng pera, okay?
Kung isa ka talagang matipid at hindi ka magastos na tao, I suggest na bumili ka ng merch na magiging useful sa'yo.
Halimbawa, KPOP shirt, di ba? Magagamit mo everyday, labhan mo lang din araw-araw. :)
Tandaan,
Ang Fangirls/boys ay parang BDO...
We find ways.
-Wapols♥
BINABASA MO ANG
Rants of a KPOP Fangirl
FanficAng pagiging fangirl ay parang pagtra-trabaho ng 24/7. - Kelangan lagi kang updated na parang isang journalist. - Kapag may nasagap kang balita, ishini-share mo 'yun sa kapwa mo fangirls na parang reporter. - Kelangan marunong kang magmanage/ mag-bu...