Lay's POV

"I'll give myself 5 years to experience things, grow up and enhance my knowledge"

"One last time, I love you. See you soon again Yixing"

Those words keep repeating on my mind.

I gave her more than five years, and I know she sacrificed so much, that's why I am Zhang Yixing, the Lay of EXO, the man that I am now.

Maybe, this is the time to win her back again.

I don't care on what status we will have, on what she has on her life right now, I know and feel in my heart, she is the one for me.

She is the missing piece in my life.

Binaba ko na ang mga gamit ko sa kwarto ko dito sa dorm.

Sinalubong ako ng mga members nang makarating ako kanina.

Pahinga kami ngayong araw. Sa dorm lang kami, dumating rin si Xiumin at Chen,

Nagluto si Kai at Sehun ng makakain namin. Nag download naman ng movies si Kyungsoo at bumili ng chips at drinks si Chanyeol. Nagka lokohan pa dahil madalang manlibre si Chanyeol.

Nanuod kami ng movies, nag kwentuhan, nakikipag skype kay Kris, Luhan at Tao.

Nagbabalak na magkita kita ang tatlo at mag bakasyon dito ngayong buwan sa Korea. Hindi ko alam kung isasama ni Kris ang asawa nya o may kasama silang iba o silang tatlo lang.

Pero maganda narin yun, makakapag bonding kami ulit.

[Maybe in two weeks time, we will inform you kung nakabili na kami ng tickets] sabi ni Tao sa amin. Naka group video call kami sa skype.

[Pwede bang sumama si Mitzi sa akin? I know we are planning na all boys lang.] Tanong naman ni Kris.

[Ano ba naman yan Yifan, syempre pwede mo isama ang asawa mo] sagot ni Luhan sa kanya.

"oo nga hyung, isama mo naman si noona dito, para mapagluto nya kami" sabi ni Baekhyun.

"Pakumusta naman kay Mitzi, hyung!" Bigla namang sabi ni Sehun.

"Oo nga, mitzi?! Nasaan ka ba? Hello?" Sabi naman ni Kai.

[Hoy, hoy, aba, abuso na yan ha. Tandaan nyo, hyung nyo ko, jie jie o noona lang ang dapat tawag nyo sa asawa ko] natatawang sabi ni Kris, alam nyang nagbibiro lang ang dalawa.

Natawa naman ang mga members, kinantwayan nila ang mga maknae.

"Jie jie at noona agad? Pwede namang wala nang formalities hyung, kaedad naman namin sya, mas matanda pa kami" pagbibiro pang muli ni Sehun.

"Pangalan lang dapat, close naman na kami ni Mitzi eh, buddies lang kaya ok lang yan, diba mitzi? Nasaan na ba kasi yung asawa mo hyung? sya ang gusto naming kakwentuhan." Patutsada naman ni Kai.

[Kayo ha, porket 95 liner ang napangasawa ni Kris-ge, binabara nyo na. Haha!] Sabi ni Tao pero siya rin mismo ay natatawa na.

[Kahit na, kayo ha, asawa ko parin yun] sabi ni Kris. Halata mo naman na may pinaglalaban pa, sige parin sa pagsakay sa biruan.

[She doesn't mind if we use formalities with her or not, ipaglaban mo pa Kris sige lang] pag sali naman ni Luhan sa barahan. Haha

[Ano bang plano nyo this coming days, pahinga kayo diba?] Tanong ni Luhan sa amin.

"Oo pahinga kami, pero I wanna have dinner tomorrow, kami dito, I just want them to meet a friend." Sagot ko sa kanila.

"Tamang tama pala e, gusto rin naman mag dinner ni Chen bukas, sakto, magkakasabay na" sabi naman ni Xiumin hyung.

"Tutal kuripot naman yang si Chen, may kahati ka na! Andyan na si Lay hyung!" Sabi ni Baekhyun

"Aba maka kuripot to! Di naman!" Sagot ni Chen, nagtawanan kaming lahat.

Nang matapos ang kwentuhan namin, inayos na namin ang dinner plan namin para sa kinabukasan.

Pagkatapos ng mahabang diskusyon, nagkasundo rin kung saan kakain at gumawa na rin ng reservations.

"Sino bang friend yan ha Yixing? May dinner pa at pakilala. That friend must be special." Tanong ni Suho at sumubo ng tteokbokki.

I smiled, the thought that they will meet her, that made my smile even sweeter.

"Sino nga? Lalanggamin kami sa ngiti mo hyung!" Pangungulit naman ni Kyungsoo.

"You'll just meet her tomorrow." Sagot ko sa kanila.

"Her? Tomorrow?" Baekhyun and Chanyeol said in unison. "Edi ikaw na hyung!"pahabol pa ni Baek.

Nagtawanan kaming lahat. Mas naging thrilling para sa lahat ang dinner para bukas dahil may ipapakilala ako.

Now i feel more excited.

Sa wakas. Eto na, makikita na kita ulit Leny.


My Answer Is You [EXO LAY SHORT STORY: MISSING YOU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon