Lay's POV
[hyung, kumusta na kayo dyan? pasensya na kung natagalan na ang bakasyon ko, habang kayo dyan, nasa trabaho parin] sabi sa akin ni chen sa telepono.
"Jongdae naman, you've reached the maximum sales sa solo album mo, nag concert tour pa tayo, tutal kami lahat naka bakasyon na rin, time mo naman. Ok kami dito. Ikaw? Kumusta Barcelona?" Pag sagot ko sa kanya.
I heard him sigh, siguro pagod to kakalibot.
"Pagod kaka gala noh? Haha" dagdag ko pa.
[Ahm, a-ahh oo, pagod lang hyung] Sagot nya sakin.
"Kelan ba ang balik mo? Aba naging hayahay ka na ata sa Barcelona ha?" Biro ko sa kanya.
[malapit na hyung, i will let you all know] sabi nya sa akin.
[hyung, i will talk to you some other time, i need to hang up, gabi na kasi dito.] bigla pa nyang sabi.
"Sige, ingat ka dyan. Bye"
[Kayo din, bye]
Binaba ko na ang tawag nang makita kong nag text sa akin si Mama.
From: Mama
Anak, tinawagan ka na ba ni Leny? Uuwi sya dito sa atin next week. Pupunta rin daw sya ng Seoul.
Parang tumigil ang takbo ng mundo sa nabasa kong text message.
Ito na ba yun?
Is fate making a way for us to be together again?
Is this the perfect time?
Will I have her back in my arms?
Agad akong nilipat sa contacts ang cellphone ko at hinanap ang number nya.
Di ko alam kung pipindutin ko na ba ang call option, parang nanghihina ako.
Pero naglakas loob parin ako sa huli na tawagan sya.
Matapos ang ilang ring...
[Xing? Ikaw pala. Napatawag ka?] bungad nya sa akin.
Halos mapipi na ako ng marinig ko ang boses nya.
[Xing? Andyan ka pa ba? Hello?] muli pa nyang pag tawag sa akin.
"L-leny, ano, kasi, kumusta?" Magulo kong bati sa kanya.
[Ok naman, it's been what? Sobrang tagal na ata nung huli tayong nag usap ha? Nung tumawag ako sayo] sabi nya, at halata sa boses nya na relaxed lang sya.
"Ahh, o-oo, yun nga." Wala sa sarili kong sabi.
Yung tawag mo na yun,
nung sinabi mo na maging masaya nalang tayo sa kung anong meron tayo.
[ay, oo nga pala, kumusta na? Still busy with the studio and the group?] tanong nya.
Kumusta nga ba ako?
I miss you so much.
"Maayos naman, oo medyo busy rin, nag text sakin si mama, uuwi ka daw?" Lakas ng loob kong tanong.
[ah, oo next week, I just need to fix a few things before I leave.]
"Sa atin ka ba-- sa bahay-- sa changsa ka ba didiretso?" Magulo kong sabi. Ano ba yan. Nautal ka pa Yixing. I said to myself.
[oh ano ba yan, haha] bahagya pa nyang tawa.
Nakakamiss marinig.
[oo, dun muna ko sa atin, gusto ko rin naman makita sina mama at papa at makadalaw sa mga andoon]
Sa atin.
I smiled at that thought.
"Susunduin ka ba namin sa Airport?" Tanong ko pa sa kanya
[nako, wag na, ako na bahala, okay? Saka gusto rin kita sanang makausap pagdating ko] sagot nya sa akin
Mag uusap?
"Sige, sige, mag usap tayo pagdating mo"
[Xing, I have to go, i'll talk to you soon]
"Okay, see y--"
Di ko natuloy ang sasabihin ko nang marinig ko sya sa kabilang linya.
[Qīn'ài de! Wǒ hěn xiǎngniàn nǐ!] (honey! I missed you!)
Parang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko,
Parang may kung anong kirot na tumutusok sa puso ko.
BINABASA MO ANG
My Answer Is You [EXO LAY SHORT STORY: MISSING YOU]
FanfictionMaybe many things have changed, but still, my heart beats for you. My answer is still you. My Answer Is You Series part 2. Read Chen's story first to avoid confusion.