Third Person's POV
Natigilan si Yixing sa narinig nya sa kabilang linya. Wala sya sa sariling pinutol ang tawag at binaba ang telepono nya sa mesa.
Di sya makapaniwala sa narinig.
Hanggat maaari ayaw nyang maniwala na si Leny ito, pero rinig na rinig niya.
Parang tinutusok ng mga karayom ang puso nya habang iniisip na may iba na nga ang babaeng mahal nya, na hindi na sya ang mundo ng dalaga.
Na may iba nang nag papasaya dito, may iba nang dahilan ng mga ngiti nya na noon ay para sa kanya lamang.
Ayaw nyang maniwala, kahit anong mangyari, mahal nya si Leny, naalala nyang biglang buksan ang luma nyang weibo account, at agad na nagpunta sa mga messages nito.
Doon nya muling nabasa ang huling sulat ni Leny sa kanya.
Binuksan nya ang message.
Recieved Oct. 20, 20xx
I don't know why I'm writing you this. Siguro para lang may masabi ako o may pag usapan tayo, I always tell myself to forget you so I can move on, unti unti, nagsimula ako ng bagong buhay na di ka kasama, pero kahit anong gawin ko, kahit na gaano pa ko ka busy sa trabaho, kahit na magpakasubsob pa ako rito, naaalala parin kita. I still miss you, wondering if you take care of yourself, kung masakitin parin ang tiyan mo.
Naalala mo pa noon? Nung nakita mo akong gumagawa ng future table plan? Now I am trying my best to do it, I'll give myself 5 years to experience things, grow up and enhance my knowledge, sabi ni mama, baka mahirapan daw ako, pero di naman ganoon kahirap ang trabaho, alam kong marami pa kong kailangang matutunan para maging isang magaling na teacher, kaya kailangan kong maging matatag para sa pangarap ko.
Kagaya ng ginagawa mo.
Whenever I miss you, i will log in to weibo to read your diary, and all the letters you wrote for me, lahat iyon natago ko pa. Siguro di mo na ko mahal ngayon, or maybe what's between us right now is more than love, no matter what, i will still treasure you and everything that you did. Lahat ng tulong nyo, you and your family became my family also. Minahal ako at inalagaan.
All of the songs that you wrote for me, it is all saved on my ipod, I listen to them always, imagining that you are still talking to me, remembering every single line of the songs.
It's just that, di ko kayang sabihin sayo, ayokong maging pabigat, o maging hadlang sa pangarap mo, alam kong ayaw mo na tapusin natin to, i know, you will remember this in the future, and I know someday, you will thank me for doing this, thank me for leaving you.
Xing, sana maging masaya ka at sana maabot mo lahat ng pangarap mo at maging maayos ang lahat para sayo.
One last time, I love you, see you soon again Yixing.
Namuo ang mga luha sa mga mata ng binata, suddenly, he just broke down,
He felt mixed emotions, hate, longing, love, hurt.
Naiinis sya na hinayaan nyang maghiwalay sila ni Leny, pero namimiss parin nya ito.
Naalala nya ang lahat ng napagsamahan nilang dalawa, kung gaano nila kamahal ang isa't-isa hanggang sa nakuha sya bilang trainee, doon na nagsimulang maging malabo ang lahat para sa kanilang dalawa, hanggang sa nag sakripisyo nalang para sa kanya si Leny para di sya mahirapan.
Mahal na mahal parin nya si Leny, kahit na alam nyang di na sya ang laman ng puso nito.
Kahit na alam nya na masasaktan lang sya.
BINABASA MO ANG
My Answer Is You [EXO LAY SHORT STORY: MISSING YOU]
FanfictionMaybe many things have changed, but still, my heart beats for you. My answer is still you. My Answer Is You Series part 2. Read Chen's story first to avoid confusion.