Prologue

12 2 0
                                    

“Hoy mga panget, umalis nga kayo. Bakit niyo ba siya inaaway?!” Sigaw ko habang lumalapit ako sa kanila.

Nasa playground kami ngayon. Papauwi na sana ako nang bigla kong narinig ang galit na sigaw ng isang lalake. Sinundan ko ang boses at yun na nga, nakita ko ang apat na lalake na inaaway ang isang batang na nakayuko ngayon sa ground.

“Sabi ngang wag niyo na siya aawayin eh! Ang pangit nyo na nga, ang bingi nyo pa!” Hinarangan ko ang batang nakayuko mula sa mga pangit nambu-bully sa kanya.

“Pakialamera kang bulilit ka! Eh ang liit-liit mo pero ang nagtatapang-tapangan ka diyan. Akala mo hindi kita papatulan?” Sigaw nung tabatchoy na nasa gitna.

“Hindi ako takot sa’yo noh. Fyi, bawal maging assuming ang mga pangit. Lalo na ang mga tulad mo!” Dinuro-duro ko pa ang bilbil niyang nag-ooverflow.

“Sumasagot ka pa ha!” Sabi naman nung katabi niyang ¼ lang ang katawan sa katawan ni tabatchoy. Weird rin ang circle of friends nila ha.

“Hindi ka lang pala pangit at bingi, bobo ka pa. Nagtanong ka diba? Natural, sasagutin ko.” Behlaaat :P

“Walangya ka!”

At sinugod na nga ako ni tabachoy. Heh, para saan pang galing ako sa pamilyang magaling mag taekwondo kung hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko?

Ang laki pa naman ng katawan nito. -_- Malapit na siya sa akin kaya nagpunta agad ako sa likuran niya at tumalon na parang bang naka piggy-back ride. Madali lang naman ang pagtakbo ko sa likuran niya kasi mas maliit pa ako sa kanya. Naglikot siya para mahulog ako pero-

“Araaaaaaay! Anong ginawa mo!?!”

“Takbooooooo!” Umibis agad ako sa pagkakasakay ko sa kanya at hinila yung lalaking inaway nila. Tumakbo kami hanggang sa hindi na naming sila nakita.

Phew. OA rin yung matabang yun. Kinagat ko lang naman braso niya eh. Hindi naman kasi yun tatablan kung tatadyakan ko, edi ako dehado?

Umalis agad sila matapos ko siyang bampirahin. HAHA. Bagay yun sa kanya, pumatol ba naman sa babae? Naku, speaking of!

Nilingon ko yung lalaking inaway nila kanina. Nakayuko na naman ito habang hinahabol ang hininga. Heh, ang hina naman ng resistensya. Kulang sa gulay.

“Pst, bata. Tumayo ka na nga. Nakatakas ka na.” Sabi ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako bago hinay-hinay na tumayo.

Kaya naman pala napagti-trippan eh. Ang lampa-lampa naman kasi tingnan. Mas mahinhin pa kumilos kesa sa babae.

“T-thanks.” Sabi niya habang nakatingin pa rin sa ground. “A-and I’m not a kid anymore.”

“Ha? May sinasabi ka ba, bata?” Tanong ko.

“I said I’m not a k-kid anymore. 9 years old na ako.”

Napa-weh face ako. “Di nga?”

“I’m telling the truth.” Sabi ulit niya.

“Ohsya, 9 years old na kung 9 years old. 8 years old nga lang ako eh, pero ang nangyari ako pa ang nagtanggol sayo.” Pinagpag ko ang skirt ng uniform ko. Medyo nadumihan kasi.

“Sabi kasi ng mommy ko na don’t get into fights eh.”

Tiningala ko siya. Nakayuko ako eh, nagpagpag nga ng skirt diba? XD

“Hindi na uso yan. Hindi lahat ng tao sa mundo, eh mabait. Tingin mo, kung di ako dumating baka pinaglamayan ka na ng pamilya mo.” Inayos ko naman ang sintas ng sapatos ko.

“T-that’s horrible!”

Englishero pala tong si I’m-not-a-kid-anymore-but-I-don’t-get-into-fights eh. Hinahamon mo yata ako ha.

“That’s life. Most of the people around you are wolves in sheep’s clothing and anytime, they can harm you. You better stand for yourself and act tough so you’d survive cause money can’t definitely give you another life.” Tumayo na rin ako pagkatapos kong itali ang sintas ko at umalis na sa playground.

“W-wait!” Hinabol niya ako. “I’m Earl pala.”

“Hmm. I’m hungry. Libre mo’ko, dali. Niligtas naman kita diba?” Sabi ko. Totoo namang gutom ako eh. Ang sama pa ng lasa ng balat ni tabachoy. ><

Tumawa si Earl. “Sige. I’ll treat you. Pero I have to know your name first. Friends na naman tayo diba?”

“Okay. I’m Destiny. And I’m hungry. Kaya halika na.” Hinila ko na siya papunta sa siomai house na malapit dun sa playground. 

When Destiny Makes Her MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon