Chapter 4

7 0 0
                                    

“Good morning bestfriend Kendraaaa.” :3

“Ano ba yan, Des? Ang aga-aga, ang ingay mo.” Tinakpan pa niya ang tenga niya. OA much din minsan to si bestfriend ko. -_-

“Kends! Ang saya ko!” Umupo na ako sa tabi niya at inalog ko ang balikat niya.

Binatukan na naman niya ako. Brutalita talaga tong babaeng to.

“So, ano nga yung nangyari?” Tanong niya.

Bumalik ulit ang mood ko. “Ayun nga, pumunta siya sa bahay. Tas nagkausap kami…”

“Pagkatapos?”

Tumili muna ako ng mahina bago ako nagsalita ulit. “Nagtanong siya kung pwede ba raw na ako ang mag-tutor ng Math sa kanyaaaaa!”

Guess nyo kung ano ang natanggap ko… Isang malakas na batok na naman mula kay Kendra. -_-

“Ba’t mo ba ginawa yun!? Ang sakit ha.” Hinimas-himas ko ulit ang batok ko.

“Pumayag ka ba?”

“Sa alin?” Tanong ko. Nawala kasi sa isip ko ang pinag-uusapan namin. Nadala siguro sa malakas na pagbatok  niya sa’kin.

“Na maging tutor niya. Ano pa ba?”

“Ah. Yun. Hehe, syempre pumayag ako! Chance na  yun eh.” ;)

Binatukan niya ulit ako. Pero slight na lang. Mahal pa rin naman ako ng bestfriend ko eh. :P

“Tange! Diba mahina ka rin naman sa numbers?!”

“Pwede mo naman akong turuan eh! Tsaka yung ituturo mo sa’kin, yun naman ang ituturo ko sa kanya.” :)

“Sure ka bang makakaya mo yang ganyan? Diba nanumpa kang kahit kailan eh hindi mo magugustuhan ang Math. Tinaya mo pa buhay mo diba?”

“Si Tristan ang pinag-uusapan natin dito eh. Tsaka si Tristan din ang buhay ko noh. Nanumpa na rin ako na gagawin ko ang lahat para sa kanya kaya chicken lang kung susubukan kong gustuhin ang Math.” Page-eexplain ko sa kanya.

“At dinamay mo pa talaga ako noh?”

“Keds, chicken lang naman sa’yo to eh. Tuturuan mo lang ako and ako naman ang magtuturo kay Tristan. Siga na best.” With puppy-eyes and fishy lips pa ako.

Nag-sigh din si Kendra. “Sige na nga. Bilang number one fan ng loveteam nyo, tutulungan kita diyan sa pinasok mo.”

Niyakap ko siya. Sobrang swerte ko talaga na siya ang bestfriend ko. Bonus na lang yung magaling siya sa Math. X) yaaay

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya nang tumunog ang phone ko. Sino kaya nag-text?

OMG! Si Tristan! Oo nga pala, nag-exchange kami ng numbers nung nagpunta siya sa amin para sa tutorials niya. Nakakakilig naman to, naiihi na ako. XD

From: Tristan <3

Sorry. I can’t come para sa tutorials. Pwede bang sa weekend na lang? May gagawin pa pala ako today.

Ay. I’m sad na. Hindi na pala matutuloy ang pagtu-tutor ko sa kanya today. Nakakalungkot naman. :(

“Oh, anong nangyari at nakabusangot ka na diyan?” Tanong ni Kendra matapos kong ibalik sa bulsa ko ang phone ko.

“Si, si Tristan kasi. May gagawin daw siya kaya hindi na muna kami matutuloy ngayon.”

“Edi mabuti yan. If I know, wala ka pa namang maituturo sa kanya ngayon.” Sabi niya sa’kin.

“Oo nga noh? Hmmm. Turuan mo na lang ako ngayon. Para makapaghanda na ako sa susunod at nang may maituro na ako kay Tristan.”

“Hmmm. Sige, pero libre mo’ko. Sa Suprema tayo mamaya after class.”

Tumawa ako. Haaay. Today ay pormal na ang pagsisimula ng Operation: Tristan bebe ko 101. Fighting lang Destiny, fighting!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Destiny Makes Her MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon