Chapter 2

3 0 0
                                    

“Destiny, may tawag ka. Si Kendra.” Tawag sa’kin ni Trinity mula sa baba. Nasa kwarto kasi ako ngayon, inaayos ko yung mga bagong pictures na pina-develop ko kanina.

Eh sino pa ba ang the only apple of my mata and the only subject of my camera? Edi si Tristan! Ayiee hihi! Anubayaaaan.

Bumaba na ako at kinuha ko na yung wireless phone mula kay Trinity.

“Oh Kendra, hello.” Umupo ako sa couch at pinaandar ang TV.

“Des! Ang tagal mo namang bumaba!?” Tanong ni Kendra.

“Eh kasi may inaayos pa ako sa taas. Sorry na freeend ko. Bakit ka pala napatawag?”

“Si Tristan kasi eh.”

Pagkarinig ko pa lang sa pangalan ni Tristan at sa tono ni Kendra, nagwala na ako.

“BAKIT? ANONG NANGYARI? AYOKO PANG MAGING WIDOW NG MAAGA KENDRA! I CAN’T TAKE IT. IKAMAMATAY KO.” :’(

“OA ka. Tumahimik ka nga.”

Kainis naman tong si Kendra. >< “Eeeeh? Ano ba kasi yun!?”

“Nanghiram sana siya ng notes sa’kin sa Math, kay-“

“ANO!? BAKIT SA’YO SIYA NANGHIRAM!? WALA KA NAMANG GUSTO SA KANYA DIBA? FRIEND, WALANG AHASAN DIBA? NANUMPA KA! IBIGAY MO NA LANG SI TRISTAN SA AK-”

“Ang hilig mong mambara. Tumahimik ka! Kaya nga tinawagan kita. Sabi ko sa’yo siya manghiram kasi nawala ko yung notes ko.”

“…”

“Oy Destiny, andiyan ka pa ba? Hello?”

“SERIOUSLY?! WAAAAAAAAAA! THANK YOU BEST FRIEND! HAHA ANG SAYA KO!”

Nagtatatalon na ako sa sala. Hay naku bahala na sila kung anong tingin nila sa’kin basta ang saya ko today. Super. *u*

“Mamaya ka na nga magsaya. Kanina pa siya papunta sa inyo.”

“As in now na?! Ngayon pala niya kukunin!? OHMYGOD hindi pa ako nakapaghanda man lang Kendraaa! Anong gagawin ko!? Hala magpapalit muna ako. OA ba kung mag-dress ako!?”

Nag sigh naman si Kendra sa kabila. “Des, kahit mag daster ka maganda ka pa rin. And yes, OA na pag nag dress ka.”

“Sige sige. Maghahanap ako ng damit dito. Naku naman, nate-tense na ako. Magpa-bake kaya ako ng cake kay Mommy. Naku baka hindi agad matapos ngayon-”

“Des!”

“-magpapabili na lang ako ng ready-made na cake…”

“DESTINY GALE JIMENO!”

“…Yeah?”

“Inhale, exhale. Just calm down and you’d do good.”

“Thanks Kendra. Sige, maghahanda na ako.” Ibinalik ko na ang phone sa cradle niya.

Ang sweet talaga ng bestfriend ko. Kung hindi pa niya ako inawat, baka nagpa-party na ako nito sa bahay namin. :’3

Papaakyat na ako sa taas nang-

DINGDONG. DINDONG.

Oh my-

When Destiny Makes Her MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon