Chapter 3

8 1 0
                                    

Nandiyan na siya. Nasa bahay na namin si Tristan. The love of my life na si Tristan.

Parang na-glue na lang ako sa kinatatayuan ako at hindi ko na malaman kung tatakbo ba ako sa taas at agad-agad na magpaganda ng bongga or sasalubungin ko ba si Tristan with open arms. Hay ganito ba magmahal?

“Hoy Destiny bakit ka natutulala diyan. Narinig mong may tao sa labas, nakatunganga ka pa diyan. Nagdadalawang-isip ka pa ba na papasukin kung sino man yung bisita ha?” Sabi ni Mama na fresh pa galing sa kusina. Narinig din siguro niya ang pag doorbell ni Tristan.

Parang galit naman sa mga doorbell tong mahal ko eh. :3

“Andiyan na! Ano ba naman to, hindi makapaghintay. Naku talaga naman,  nagluluto pa ako dito eh.” Narinig kong sabi ni Mama nang bumalik siya sa kusina para siguro patayin ang niluluto niya.

“Ma. Ako na pong magbubukas!” Sabi ko at nagpunta na sa gate para pagbuksan ang mahal ko.

Ang bilis na ng tibok ng puso ko habang papalapit ako sa gate. Whooo kalma ka nga Destiny, baka matakot pa sa’yo si Tristan at para ka ng mahihimatay diyan.

Binuksan ko na ang gate.

Dug dug. Dug dug. Dug dug.

“Hi. Ikaw ba si Destiny?”

Ohlalaaaa. Kaharap ko na ngayon si Tristan my labs sa mismong bahay pa namin! It’s a dream come trueeeeeee!

“A-ah. O-oo. Ako si D-Destiny. Hehe. M-may kailangan k-ka, T-Tristan? P-pasok ka muna!” Nauutal pa ako. Shet. Ang gwapo eeeeh! XD

Pumasok na kami sa bahay at pinaupo ko na siya. Si ako naman, eh nataranta pa kung ano ang gagawin. Shet. XD

“Ano gusto mong inumin? J-juice? Coffee? Softdrinks? Ano?”

Tumawa siya. Aaah heaven talaga ang tawa niya. :3

“Ah. Hindi, okay lang. Aalis din naman ako agad. May hihiramin lang ako.”

Play dumb, Destiny. “A-ah. Ano namang hihiramin mo sa’kin?”

“Sabi kasi ni Kendra na sa’yo na lang daw ako manghiram ng notes sa Math. Nawala kasi yung sa kanya.”

“Ah ganun ba? Kilala mo pala si Kendra?”

Tumango si Tristan. “Classmate ko siya nung elementary pa kami. Math wizard kasi yun sa klase eh. Balak ko nga sanang magpa-tutor sa kanya para sa exams ng school.”

Hala. Di pwede! Hindi naman sa pinagseselosan ko ang bestfriend ko ha? Hello? Pft.

“N-naku! Palaging busy yun eh. Tsk. Sayang naman. I’m sure hindi ka niya matutulungan.” Pang-FAMAS ang acting ko nito. Sorry talaga kung Tristan kung selfish man ako. Basta ang akin ay akin lang.

“Ah. Talaga? Sayang naman pala. Baka bagsak na ako nito. Ba’t ba kasi sa Math pa ako naging mahina eh.” Narinig kong sabi niya pero pabulong lang yung sa last part.

Of course narinig ko yun. At alam ko naman talaga na medyo mahina siya sa numbers. Para ano pa ang pagiging future-wife ko kung hindi ko malaman kahit na ang pinaka-hate niyang subject. XD

“Pwede ko na bang makuha ang notes mo? Sorry ha, kung minamadali man kita.” Putol niya sa pagkatunganga ko.

“A-ah. Oo nga pala. Sige, kukunin ko na muna sa kwarto ko.” Tumayo na ako at papaakyat na sa hagdanan nang tinawag niya ulit ako.

“Destiny!”

Tiningnan ko ulit siya.

“Pwede bang ikaw na lang mag-tutor sa’kin?”

When Destiny Makes Her MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon