“I laaaaab you, Tristaaaaaaaaaaaan! Shet the best kaaaaaa talaaagaaaaa!” Sigaw ko kahit sa tingin ko ilang pagsigaw na lang at sasabog na ang vocal chords ko.
Okay lang yun. Basta para kay Tristan, 100% dapat ang lahat ang ibigay ko. Ganun ko siya kamahal. Sobra-sobra at nag-uumapaw. XD
“Sige! Go! Left, right then GOAAAAAL! Waaaa yeah! Ganun nga Tristaaaaaan! She tang gwapo mo!” Nagpapadyak na rin ako sa kinatatayuan ko. Anerbeyen nakakabaliw namang tingnan tong taong to! XD
Nasa field kasi kami ng school ngayon. Nanood kay Tristan bebe lab ko habang naglalaro ng soccer. Captain kasi siya ng team.
Ang galing no? Syempre naman, si Tristan yan eh. Mainggit ka. :P
“Go Tristaaaaaaaaan! Ang galing-galing mo talagaaaaa! I laaaaaab youuuuuuuuu!” Sigaw ko ulit. Wala akong pake kung marami mang ibang nanood ngayon. Ini-ignore ko na pati ang mga tingin na ibinibigay sa’kin ng mga malditang fans ni Tristan. Che!
“Friend, kung hindi ka pa magtigil diyan baka masapak na rin kita. Nakakakuha ka na naman ng atensyon ng madla.”
Nilingon ko si Kendra sa tabi ko. My one and only bestfriend for life at number one supporter ng TrisTiny loveteam. :3
“Friend, akala ko ba 100% ang suporta mo sa’kin… sa’min ni Tristan?” XD
Binatukan niya ako. “Tumahimik ka nga Destiny Gale Jimeno. Ang lakas-lakas na kasi ng boses mo eh. Ako yung pinakamalapit sa’yo kaya malamang ears ko ang unang mada-damage!”
Inakbayan ko na lang siya. Weakness niya kasi yung konting lambing-lambing at mawawala na agad ang galit niya. XD
“Kends, napag-usapan na natin to. 100% dapat energy ko all the way para kay Tristan. Tsaka, para na rin may inspirasyon siya sa paglalaro niya diba? Hihi.” Howkeeeeey, ako na ang malandi! XD
Binatukan ulit niya ako. “Excited ka masyado, Des. Practice match lang yan. Manahimik ka nga at baka marinig ka na naman ng mga bruha sa paligid. Baka magkaroon na naman kayo ng session sa guidance.”
“Sige na nga. Kung hindi lang para kay Tristan tong ginagawa ko, nakow!” Medyo nag-zip na lang ako ng mouth ko.
Tama nga naman si Kendra, napaaway kasi ako sa isa sa mga karibal ko kay Tristan. Na-guidance tuloy ako. Pft.
Pero para kay Tristan, lahat susuungin ko naman talaga. Mapabagyo man o kahit anong buwis-buhay na drama, gagawin ko. *u*
Ako si Destiny Gale Jimeno, ay buong-pusong nanunumpa na mamahalin ko habambuhay si Tristan De Guzman. Magiging isang mabuting ina ako sa magiging mga supling namin at sisikapin kong maging matiwasay ang pagsasama namin bilang isang buo at masayang pamilya. *u*
Ayan ha. Kahit nakokornihan na ako sa sarili ko, wapakels kasi I LABYOOOO nga Tristan. X)
Nagiging makata ako dahil sa pag-ibig kong to ng wala sa oras, ano ba yaaan.
BINABASA MO ANG
When Destiny Makes Her Move
Teen FictionDestiny has always been involved in everyone's story. What if Destiny herself, makes her move for her own story?