ROBW #8

9.4K 150 3
                                    


                       ETHAN POV

"misha? bakit, bakit mo sya iniwan don? Nagpipigil kong tanong kay misha,
Samantalang naka dekwatro itong naka upo sa sofa

Napag alaman kong inaya nya si cha para mag shopping sa isang sikat na mall na maykalayuan dito sa hotel 

"akala ko andito na sya.. ang tanga tanga pala nya?.. hamakin mo na una pa kong umuwi?"
Naka ngiting saad nito

"misha naman baka maligaw yon!"
Giit ko ngunit tila bingi ito at hindi interesado sa anu mangsasabihin ko

"marunong naman siguro mag basa ang isang yon.. makakauwi din yon, maya maya andito nayon!" 

"misha taga bundok sa pinas yon, hindi siya taga dito sa london! anu ba naman"
Nahilot ko ang sentido ko sa subrang stress,

"akala ko ba gusto mong mawala na sa buhay mo ang babaing yon?"
Saad ni misha sabay tayo tila na pipikon na din ito

"oo syempre ! gusto ko pero hindi ngayon misha.. kailangan ko sya mamayang gabe! tiyak na hahanapin sya ni ritchie !"

"edi magdahilan ka! sabihin mong masama ang pakiramdam nya..tapos!"
Pasigaw niyang pagkakasabi

"akala mo ganun na lang yon? Akala mo tatangapin na lang ng ganun ganun ang alibi ko? Knowing ritchie? Interisado yon kay cha! Kaya nga isinama ko ang malanding yon!"

                            *****
                       MISHA POV

Aaaarrrgggh!!! akala ko pa naman ay matutuwa sya dahil wala na sa landas naming dalawa ang babaing yon, nag kamali ako sa inaakala, dahil imbis na matuwa ito ay sinigawan pa ako..

kainis!...

Wahaahahahaha?!?!
Umalingaw ngaw sa buong silid ang tawa ko, hindi naman dapat ako mainis eh, dapat matuwa pa ako
Wala na sa buhay namin ang babaing yon , sa subrang tanga non eh possibling hindi niya matunton tong hotel,

                   Flash back

"bilisan mo ngang maglakad!"
Asik ko kay cha ,ambagal kasi mag lakad ,bit bit nito lahat ng mga pinamili ko

"what?!" asik ko ulit sa kanya ng mahuli ko siyang pinanlisikan niya ako ng mga mata

"bat ka ba nagmamadali alam mo namang buntis ako,tapos ako may bitbit lahat ng pinamili mo samantalang ikaw pakending kending lang jan?" ganting saad nito

"look at your self? Ikumpara mo sa ganda at ayos ko?! "
Panuya kong saad , loose tshirt na kupas ,leggings and step.in shoes?  Alalay na alalay ang dating...

"oooh ,mag antay ka jan ,magpapa facial muna ako,!" saad ko sabay kuha ng mga pinamili ko sa kamay niya,

"matatagalan ka ba? Kakain muna ako nagugutom nako kanina pa!"
Saad nito ,na ikinangiti ko ng palihim

"go ahead ill be here, baka umabot ako ng two hours sa loob,!"
Pagtataboy ko sa kanya

"oooh!!"biglang saad ko sabay tapon ng pera sa direksyon ni cha,

"For sure wala kang pambili ng kakainin mo"patuyang saad ko,,
Agad naman nitong pinulot ang nahulog na pera sa paanan ko
At nag simula na itong maglakad palayo ,para mag hanap ng makakainan nito

Evil smile 😈

Instead of entering the facial spa , naglakad ako palayo ,paalis ng mall

                        *****                                            ETHAN POv

''Haist!! bakit ngayon pa? kainis naman ooh.. kung kilan may pakinabang ang babaing yon sa akin saka naman naisipang iligaw ni misha sa kung saang lugar..  

tiyak  na hahanapin ito ni Ritchie ito pa naman ang nag utos na dapat  kasama si cha sa conferrence dito sa london..

panu ko lulusotan ang problimang to?

pero sabagay ok din naman ang ginawa ni misha atlest hindi ko na kailangang pag isipan kong anu at panu sya mawawala sa buhay ko.. dahil si misha na mismo ang gumawa ng trabaho para sa akin..

mag iisip na lamang ako kung ano ang mga sasabihin pag nag tanong  na si ritchie..

Sumapit na ang gabe .. at hindi halatang excited si misha, dahil alas otso pa ang simula ng convention ngunit alasa-is pa lamang ay naka gayak na ito..bilang lalaki ay hanga ako sa angking ganda at ka seksihang taglay ni misha .. sino ba naman ang hindi mahahalina sa kanya.. isang katangi-tanging rosas na naka suot ng telang halos wala ng tinatakpan , nag mistulang palamuti lamang ang kapirasong pulang tela sa katawan nya.. 

"welcome sir!" 

 bati ng isang empleyado na syang nag bukas ng pintuan papasok sa bulwagan kung saan gaganapin ang party na biglaang inorganisa ni ritchie,, hindi kalayuan ay kitang kita kong hindi mag kamayaw si ritchie sa mga bisita , ang ibang bisita ay kilala ko ngunit iilan lamang sila, at halos karamihan sa mga bisita ay hindi ko kakilala kaya nag kasya na lamang ako sa panaka-nakang pag masid sa paligid.

"nasan si cha?"

Alam na kung sino ang nag tanong sakin ng ganyan, walang iba kundi ang nag iisang tagapag tanggol ni cha ang aking stepbrother si ritchie..

" aaahh.,anu, kasi.. hindi na sya sumama dahil masama daw ang pakiramdam nya . .. alam mo nah,, dala siguro ng pag bubuntis nya.. tsaka bawal sa kanya ang mag puyat"

"mukhang nag iba yata ang ihip ng hangin ngayon?"

"alam mo ritchie kahit na, malandi yang si cha at pinag taksilan man nya ako, sa mata ng ibang tao, sya rin ang asawa ko.."saad ko sabay lagok sa basong hawak ko ,nakinuha ko sa dumaang nag iikot na waiter

"siguradohin mong nasa maayos na kalagayan si cha, dahil sa oras na malaman kong my ginawa kang masama ,ibabaon kita sa hukay!"
Banta nito sa akin

Bigla namang umigting ang panga ko,
Wala siyang karapatan na pagbantaan dahil una sa lahat asawa ko si cha, at gagawin ko kung anu man ang gusto kong gawin sa kanya!

sinulyapan nya muna ang kasama kong si misha na biglang lumapit sa amin at kumapit sa braso ko

"nice chaperon! bro!"
Huling saad nito sabay tapik ng braso

bigla namang nag iba ang hilatsa ng mukha ni misha ng marinig ang sinabi ni ritchie..

"what? anong sinabi nya? chaperon? anong akala nya sakin? alalay mo?"

saad nya bago padabog na nag walk-out at nagpaalam na  tutungo sa rest room

                 ******
May bagong character na eeksina at ayon sa chismiss isang bigating personalidad ito sa london , ang pangalan niya ay CHANNEL  hulaan niyo kung ano ang papel niya sa buhay ng ating bida!?

KYOOT😇

                 

REVENGE OF A BATTERED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon