4

10.3K 151 8
                                    

CHA>><<<<<>

*pweeeeh*(sound effect ng pag dura)

Huling na rinig kong ingay bago ko naramdaman na wala nang ethan ang naka dagan sa katawan ko , sabuong senaryo sa loob ng silid na ito ay hindi ko nagawang imulat ang mga mata ko, at tanging pag mamakaawa at pag iyak lang ang kaya kong gawin..

Ang sakit isipin!

Ang sakit sakit tanggapin!
Na binaboy ako nang asawa ko..

Halos nag bingi bingihan lamang ako sa mga ipinagbibintang nila sa aking kabet ako ni papa.

Na alam ko na mang malabong mang yari at kahit sa panaginip ay hindi ko kayang gawin yon,

Nag pupuyos ang dib dib ko,ni wala akong nagawa habang binababoy at sinasaktan ako ni ethan ..

Ngunit wala akong lakas ng loob para ipaglaban ang sarili ko kahit man lang kay mama , ni hindi pumasok sa isip ko ang gumanti sa bawat sabunot ,hampas at mga pasa na iginawad nya sa akin dahil malaki ang respito ko sa kanya bilang ina nang asawa ko at asawa ni papa.

Nang hihina akong tumayo mula sa pag kakahiga sa sahig,
Masakit ang katawan ko maging ang pagkababae ko,
Pinangarap kong angkinin ako ng asawa ko ngunit hindi sa ganitong paraan,
Ang mapagparusang pag angkin na pumunit sa aking pag kaberhin.

"Nako diyos ko cha!"
Na abutan ako ni mea habang pinipilit kong makatayo ng tuwid at makahakbang patungo sa banyo.

"Wala ito mae!"
Pagkaila ko sa kanya ngunit alam kong kahit titigan ako mula sa malayo ay hindi ko maitatago ang mga pahabang pasa dulot ng sinturon na inihampas ni ethan sa katawan ko,

" alam mong hindi ako bulag cha!" Saad nito sa akin habang inalalayan ako patungo sa banyo,
Gusto kong mag babad sa tubig baka sakaling maibsan ang hapdi ng katawan ko

"Hindi din ako bingi para hindi malaman ang mga pangyayari sa loob ng mansion!"
Hindi na ako na gulat sa pahayag nya alam ko na ,alam ng lahat nang tao sa loob ng mansion ang pangyayari at ang mga ibinibintang sa akin.

"Alam mong hindi ko magagawa ang bagay na yon mea!" Mahinang sagot ko

"Anu ka ba? Syempre alam ko yon! Bukod kay Ritchie isa din ako sa mga taong naniniwala at pumapanig sayo!"
Saad nito bago ako mahigpit na niyakap. .

"Mabuti pa ,ikuha kita ng almusal ,mula ng dumating kayo ay hindi kita nakitang kumain man lang,ipag luluto kita ng paburito mong oatmeal"
May bahid ng pag aalalang saad ni mea

"Sige salamat mea,magbababad muna ako dito!"saad ko bago nya ako iwan sa loob ng banyo..

REVENGE OF A BATTERED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon