ROBW#10

8.1K 163 9
                                    

                ~SOME ONE'S POV~

"Hala?! My babae?!" biglang sigaw ko upang matawag ang atensyon ng  kaibigan ko

"talaga?! Saan?!"
May yabag akong na dinig na papalapit sa kinaroonan ko dumungaw sa pinto si lynie na may tangan pang tasa ng kape,

"ang gandang pulubi!"naisatinig ni polly ng lapitan at hawiin nito ang naka tabing na buhok ng babae sa mukha.

Mahimbing ang pagkakatulog ng babae, habang naka siksik ito sa gilid ng hagdan, medyo madungis at magulo ang buhok nito

Pababa na ako ng hagdan para pumasok na sa trabaho ng maapakan ko ang bahagi ng suot nitong jacket

"Oo nga!  ang ganda ng kutis?! At ang tangos ng ilong ! ,Kaso ma dungis nga lang!" na mamanghang saad ni lynie
Sabay dahan dahang pinasadahan ng kanyang kamay ang bridge ng ilong nito

"ay kalabaw!"nagulat at bahagyang na paatras si lynie ng biglang magmulat ang mata ng babae,

At bumungad ang kulay abo na mga mata nito

Bumalatay ang labis na takot sa mukha ng babae at tila nag sisimula na itong manginig..

"hala?! Wala naman akong ginawa sayo auh?!" natarantang saad ni lynie ng makitang takot na takot ang babae

"ay foreigner polly!"saad ni lynie ng mapansin ang kulay ng mata ng babae

"halika! Tulungan mo ko,ipasok natin siya sa loob!"saad ko sabay akay sa babae patayo sa lapag,agad namang umalalay sa kabilang kamay si lynie

"kailangan niya ng tulong natin !" dagdag ko ng makita ko ang nakaumbok nitong tiyan, sapalagay ko ay pitong buwan o higit  na buntis ito dahil sa maykalakihan ang laki ng tiyan nito,

Tumango naman si lynie bilang pagsang ayon sa nais ko

Noong una ay nag wawala pa ito at ayaw magpahawak,tumatangkang tumakbo sa pintuan ngunit kalaunan ay tila na ramdaman nito na maganda ang intensyon namin ni lynie kaya nag behave na ito at umupo na lang sa isang tabi

"paliguan mo muna siya at  ako naman ay magluluto para makakain na, tiyak na ilang araw na din siyang walang kain" saad ko bago naglakad papuntang kusina para mag umpisang magluto

Agad namang inakay ni lynie ang babae patungo sa kwarto naming dalawa kung saan naroroon ang banyo

                  ~¤~LYNIE'S POV~¤~

      Agad akong tumalima sa sinabi ni polly, alam kong na ngangailangan  ng tulong itong babaing naligaw sa harap ng bahay namin , ke foreigner man ito kababayan namin ay tutulong pa din ako, baiit ko diba?!

Inakay ko siya  patungo sa kwarto , kumuha ako ng maliit na plastik na upuan para naka upo lang ito habang pinaliliguan ko siya ,at nag paubaya naman ang babae sa ginagawa ko,

tahimik lang itong naka upo sa ibinigay kong upuan , mula kanina ay hindi ko pa na dinig ang boses nito,naka tulala lamang ito,ni hindi nga ito gumagalaw na tila isa itong manikin,

Ay kay gandang manikin ere!

at Dahil sa subrang curious ko Sinipat ko ang kabuohan niya, masasabi kong napaka ganda nito waring isa itong buntis na manika ,hinuha koy may dugong banyaga ito, dahil na din sa kulay abong mata , manipis at natural na pulang labi ,at magandang kurte ng buong mukha,

Mas lalo akong napahanga ng matapos ko siyang paliguan, dahil sa hindi na ito madungis ay mas lalo itong gumanda sa paningin ko ,ang puti puti pala ng balat niya!!

REVENGE OF A BATTERED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon