Chapter 17

7 0 0
                                    

POV: Alice

Barbeque party day!!!

Alas-diyes ng umaga sinundo na ako sa unit ko nila Kurt kasama ang kambal na sina Arianna at Brianna. Hindi na ako umuwi ng Manila dahil sa inimbitahan akong kambal na sumama sa kanila sa barbeque party nila. Iba talaga pag mayaman may theme talaga ang party. 

Ngayon nga nandito kami sa ilog sa farm na pagmamay-ari ni Kurt. Kasama namin si yaya Sling dito. Siya na ang nagprisintang magihaw ng barbeque, kaya tinutulung tulungan ko na lang siya. Habang si Kurt at ang mga anak niya ay naghahabulan malapit sa ilog. Nakakaaliw silang pag masdan, ang saya saya nil. Lalo na ang kambal na halatang namimiss na talaga nila ang makipag laro sa daddy nila.

"nakakaaliw panuorin ung mag-aama nuh? halatang enjoy na enjoy sila" napatingin naman ako kay Yaya Saling.

"ahh.. oo nga po e. Mukhang namiss talaga nila ang isa't isa. Ako na ho jan" sagot ko dito. kinuha ko na dito ang pamaypay at ako na ang nagpabaga ng uling.

"o sige. Alam mo ba na ngayon ko na lang ulit nakitang nagsaya yang si Kurt? Buhat kasi ng bumalik siya dito kasama ng mga baby niya ay hindi ko na siya nakitang tumawa ng ganyan"

"Ano po bang nangyari sa asawa niya?" tanong ko dito. Nacucurious kasi talaga ako kung ano ang nangyari sa asawa niya.

"Naku Alice. Hindi ko din alam ee" lahat sila walang alam sa nangyari sa asawa ni Kurt. Napaka misteryoso at talahimik kasi ni Kurt.

"E diba ho matagal na ho kayo kina Kurt? Nalaman ko na din na matagal na si Yaya Saling dito dahil sa malimit nga ako sa bahay nila kaya napapalapit na din ako sakanaila.

"Oo. Bata pa lang si Kurt nandito na ako.Pero nun nagbinata yan at nagpunta ng america wala na akong balita sakanya. Bagulat na nga lang ako ng bumalik siya dito kasama na niya ang kambal pero hindi niya kasama ang asawa niya" aniya.

"ganun ho ba?" natigil na kami sa paguusap dahil lumapit na sa amin si Kurt. Si Yaya Saling naman ay inayos ang kakainan namin.

"luto na ba?" tanong ni Kuty sa akin ng makalapit ito.

"hindi pa. Sige makipaglaro ka muna sa mga anak mo. Tatawagin ko na lang kayo kapag luto na" sagot ko dito.

"Tututlungan na lang kita" kinuha niya na sa akin ung pamaypay na hawak ko. Hinayaan ko na lang siya ang magpaypay at tinignan ko na lang ung ginagawa niya. Si Yaya Saling naman ay inihanda na ang dahon na saging na gagamitin namin.

Mukhang enjoy na enjoy talaga si Arianna at Brianna na kasama ka aa" sabi ko dito.

"Oo nga e. Namiss ko din talaga sila. Salamat nga pala at pumayag kang sumama samin. Naabala tuloy namin ang pag uwi mo sa Manila" 

"Wala un. Masaya din naman dito e" napatingin ako sakanya dahil napansin kong nakatingin din siya sakin.

"ahh.. salamat din pala kasi lagi kang nandiyan sa tabi ng kambal nun panahong busy ako"

"Wala un. Nageenjoy din namana din kasi ako sakanila. Dahil din sakanila hindi ko masyadong namimiss ung mga mgaulang at kapatid ko"

"Ah.. aa.. ee. Matanong ko lang aa. dba taga Manila ka? Bakit naisipan mong dito sa San Sebastian magtrabaho?" Nagulat ako sa tanong niya.

 "wala naman. Gusto ko lang maiba ng lugar at masubukan din ang maging independent" sagot ko dito. 

"Masaya ka naman sa ginawa mo? I mean... mahirap magisa" 

"oo naman. kinakaya ko hehe" 

""ah.. medyo magtatanogn lang ako saiyo ng medyo private aa. Ok lang ba?" tanong na naman niya. Pero teka!! Private! what did he mean Private!?? ayy bahala na! sige na! sasagutin ko na kahit ano. 

"ahm.. o cge.. a-ano ba un?" 

*tahimik*

"ah... may.... ano.. aa... m-may b-boyfriend ka na ba?" tanong nito. eto lang pala ung sinasabing private! akala ko naman kung ano!! haaaaaaaaaayyyyyyyyyyy..............................................

"ee.. ano kasi... ahmm.. hehhee... hindi pa kasi ako nagkaka boyfriend" naiilang na sagot ko dito. Napatingin lang siya sa akin.

"Ha? hindi pa? Bakit, ilang taon ka na ba?" tanong naman nila. Anobenemenyeeen! kailangan talaga malaman??

"ahmm... 26" sagot ko dito.

"ah. okay" un lang ang sinagot niya at kinuha na ang lutong barbeque

After ilang minutes natapos na kaming mag ihaw ng barbeque kaya tinawah na din ni Kurt ang mga anak niya para kumain. Masigla naman silang kumain, tinuruan din sila ni Kurt kung paano magkamay/ Aliw na aliw naman sila sa pag kain gamit ang kamay. Nang matapos kaming kumain ay tinulungan ko si Yaya Saling na iligpit ang pinagkainan namin habang ang mag-aama naman ay naka upo sa damuhan at nagkwetuhan.

"teacher Alice!!" humahangos na tawag sa akin ng kambal.

"wag kayong tumakbo naka madapa kayo!" sigaw ko dito.

"Sorry po! Excited lang. hehe" hinihingal na sabi ni Arianna

"Tara po! maligo tayo nila Daddy sa ilog" sabi ni brianna

"Sige. Sandali lang aa tatapusin ko lang to" agad a bumalik ako sa pag aayos ng pinagkainan namin. Ung dalawa namana ay hinihintay ako matapos.

"Sige na, Alice ako na ang bahala siyan. maligo na kayo sa ilog" pagaawat sa akin ni yaya saling

"ay hindi. ako na po." pinilit kong tapusin ang ginagawa ko.

"cge na, ako na. hinihintay ka na un dalawa oh" sabay turo sa dalawa na nakapamalumbaba sa lamesa.

"hahah sige na nga po."

When I Met You-- COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon