Chapter 26

6 0 0
                                    

POV: Kurt

"Paano mo nalaman itong bahay namin?" - tanong niya sa akin, halata sa boses niya na galit pa din siya sa akin.

"Nang pinuntahan kita sa unit mo kahapon sabi ni Mang Ernesto ay hindi ka na umuuwi, pero sabi nun babae sa  katabing unit mo na umuwi ka nga daw sa inyo. Hinanap ko sa files mo. Remember meron kang finile-upan nun magrent ka sa tenament ko?" Sagot ko naman dito.

(Flashback)

"Mang Ernesto, nandiyan na po ba si Alice?" -ako

"Hindi ko napansin kung dumating na tignan mo na lang sa unit niya" - Mang Ernesto.

Kinatok ko ang unit nya, pero walang nasagot. Ilang minuto ako naghintay sa tapat ng unit nya baka sakaling dumating siya.

"Magandang Hapon po. Ano hong ginagawa niyo sa tapat ng unit ni alice?" Tanong ni linda na nakatira sa katabing unit ni Alice.

"H-hinihintay ko kasi si Ms. Sanchez"

"Naku! umalis si Alice kanina paguwi nya dito, mukhang uuwi sa Manila kasi may dalang backpack e."

"Ganun po ba? Cge po. Salamat. Mauna na po ako"

Umuwi si alice sa Manila? Paano ko siya makakausap? Ayoko ng patagalin pa to, gusto ko ng makapag paliwanag at humingi sa kanya ng paumanhin. Kailangan sundan ko si Alice sa Manila, may mga finil-upan nga pala sila bago mag-rent sa unit ko, para just in case magkaproblem ma-co-contact ko ang mga kamag-anak nila.

Umuwi agad ako ng bahay upang hanapin ang mga files niya. Hinanap ko agad ang address niya sa Manila, taga Sta. Mesa Manila pala siya.

"Susundan kita Alice sa bahay nyo"

(Kinaumagahan)

"Dad, where are you going?" Tanong sa akin ni Aria.

"Do you want to see Teacher Alice? I'm gonna pick her up on Manila"

"Really Dad? Pwede ba kaming sumama ni Aria?" - Bree

"No. Dito na lang kayo. I promise when I get back here kasama ko na si Teacher alice niyo?"

"Yeheeey!! Okay Dad, take care"

pagdating ko ng Manila, hinanap ko na ang bahay nila Alice, kung saan saan ako nagtanong mabuti at nakarating din ako.

"G-good afternoon po" bati ko sa babaeng may edad na.

"Magandang tanghali din sayo, iho. Sino ang hinahanap mo?" Marahil ay ito ang nanay ni alice, medyo may hawig sila e at parehong pala-ngiti.

"Dito ho ba nakatira si Alice Sanchez?"

"Ah.. Oo. Sino ka? Kaibigan ka ba niya?" Tanong nito.

"Opo. Ako po si kurt Alcantara"

"Ma! Sino yan?" Tanong nun babae na kalalabas lang ng bahay nila.

"Kurt Alcantara daw hinahanap ang kapatid mo. Sige ikaw na diyan at may gagawin pa ako."

"I-ikaw pala si kurt? Pasok ka. Ako nga pala si kapatid ni Alice, at ung kanina siya ang Mama namin. By the way, ako nga pala si Mabel, ate ni Alice" pinagbuksan naman ako nito ng gate at pinapasok hanggang sa sala nila.

Hindi kalakihan ang bahay nila pero maganda at malinis ito.

"Upo ka muna at gigisingin ko lang si Alice" paalis na siya ng pinigilan ko.

"Ah.. Mamaya mo na gisingin si Alice, gusto ko sana muna kayong maka-usap"

"O-oh cge. Sandali tatawagin ko si Mama at Papa" umalis ito at agad din naman bumalik kasama na niya ang mga magulang nila.

When I Met You-- COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon