Game 11

61 0 0
                                    

Aizelle'sPOV



Dalawang beses akong napahikab habang naglalakad sa sementadong pathway pauwing dorm namin. Mag-a-alas otso na ng gabi at kakatapos lang ng last subject ko. Medyo nasarapan pa ang prof namin kanina kaya imbes na seven thirty kami palabasin ay lumampas ng five minutes ang klase nito. Halong gutom at pagod tuloy ang inabot naming magka-classmate.

Minadali ko na ang paglakad para makakain na ako at ng magawa ko na din ang mga assignments ko, tapos may quiz pa pala ako bukas ng hapon sa Humanities 2 at ang pinakamahirap na susuungin ko bukas ay ang tutorial kay Alejo. Naku, iisipin ko palang na makikita ko na naman ang mukhang kunehong asungot na 'yon ay hina-high-blood na ako. Kung 'di lang talaga malaking tulong sa akin ang bayad niya baka unang araw palang umayaw na ako eh. At tsaka naguyo ako ng hayop na 'yon sa harana.

"Going home?"

"Ay butiking malandi!" malakas kong sigaw sa gulat ng biglang may kong sino ang nagsalita sa likod ko. Nang lumingon ako ay muntik pa akong mapalupasay ng makita kong sino ang nanggulat sa akin.

Si crush lang naman. Sayang dapat pala niyakap ko nalang to kunyari kanina ng magulat ako. Hihihi!

"Sorry nagulat kita. Kanina pa kasi ako nakasunod sa likod mo  mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" nakangiti nitong sabi at umagapay na sa paglakad ko.

Ngumiti ako na nanghihina. "Sorry ha? Medyo pagod lang. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? 'di ba dapat nakauwi ka na? Gabing-gabi na ah?" sunod-sunod na tanong ko dito. "At saka daan to papunta sa dorm namin bakit ka dito din papunta. Bawal outsider doon?"

Alanganin itong ngumiti sa akin bago nagsalita. "Iisang dorm lang tayo." sabi nito na napakamot pa sa ulo.

Gulat na napatingin ako dito.

"Mukhang'di ka rin aware tungkol do'n ah?" tatawa-tawang sabi ulit nito.

"Seryoso?" gulat na sigaw ko dito. natatawang tumango ito bilang sagot 

"Sorry..." yumuko ako kunyari na nahihiya pero ang totoo ay gusto ko lang talaga itago 'yong malandi kong ngiti dahil sa kilig.

Lord bakit naman ang palad ko kay crush at ginawa niyo pang kadorm ko?

Bigla ako nitong tinapik sa balikat. "Ayos lang. Tara, sabay natayo."

Nagpaunana ito na 'di ko agad sinabayan sa paglakad. Nang makalampas ito ay saka ako nagtatalon sa saya na may kasamang pagsuntok sa hangin.

"Hoy!"Bigla akong napatigil sa pagtalon at pagsusuntok sa hangin ng lumingon ito bigla sa akin. Napatuwid ako ng tayo at ngumiti ng alanganin dito. "Anong pinaggagawa mo?" Nagtataka pero nangingiti nitong tanong sa akin.

"Hihihi!Nag-e-exercise lang, nagpapatanggal ng antok. Hihihi." dahilan ko bago tumakbo na din sa tabi nito.

Mabagal lang ang lakad naming dalawa na ikinatuwa ko kasi nga medyo malapit na kami sa Dorm.Natatanaw ko na kasi ang kulay brown nitong pintura.

"Bakit pala ginabi ka na?" napaangat ako ng tingin sa lalaking kasabay ko sa paglakad ng magsalita ito. Tumingin din ito saglit sa akin at ngumiti bago ibinalik ang tingin sa kalsada.

Naku naman, ang sarap nitong i-uwi sa bahay at pakasalan na. Hihihi!

"Kakatapos lang ng last subject ko." sagot ko na may kiming ngiti sa labi.

Gamble For Love (Barkada  Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon