Game 7.

287 12 4
                                    

A/N:  dedicated sayo to kasi alam kung excited ka lagi sa update! Salamat. Sorry po alam ko pong sabaw ang chapter na to.. Bawi next time! :) Salamat po sa mga silent reader at nagboboto.

~~~~~~~~~~~

(Aize P.O.V)

"Gummy tapatin mo nga ako? Pangit ba ako?"  Walang takot at kurap na tanong ko sa kaibigan ko habang nakaupo kami sa ilalim ng puno ng narra sa tapat ng Maximus building. Nagkataon na pareho kaming walang pasok sa magkaiba naming subject.

"Matalino ka Aize!" Sarcastic nitong sagot sa akin.

"Hindi yan ang tanong ko Gummybear!" Singhal ko dito. 

 "Abay nagpapakatotoong kaibigan ako dito Aize!" Ganti nitong sagot sa mapang-asar na tono.

"Yung seryoso pwede?" Ayaw ko man aminin ay napikon ako.

"Aize walang maganda sayo? Tignan mo nga hitsura mo? Mula bunbunan mukhang talampakan..." Dagdag pang-asar o panlalait sa taang salita nito. Kainis!

"Alam mo Gummy konting-konti nalang masisikmuraan na kita sa panga!" Pikon kung turan dito, alam kung bakas iyon sa mukha ko.

"Joke lang naman eh! Peace.." Sagot nito na nag peace sign pa at humalakhak ng nakakaloko.

Iningusan ko lang ito. Minsan masarap din talagang baunan ng pako sa bunbunan tong kaibigan ko eh.

"Ito seryoso na talaga Aize!" Tumugil ito saglit para dumampot ng potato chips at nginuya na may tunog pa. Di siya nagsalit para makapagpartuloy ito. "Alam mo maganda ka naman eh... Yun nga lang wala sa uso!? " Sabi nito na sinabayan ng ngisi. Di ako sumagot at binigyan lang ito ng nagbabantang tingin. "Seryoso ako!" Sagot naman nito sa pagbabanta ko

Gamble For Love (Barkada  Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon