Game 10

77 1 0
                                    

Aizelle'sPOV




"Crush mo pero di mo alam ang pangalan?" di makapaniwala na tanong sa akin ni Gummy ng kumakain na kami ng hapunan at na-i-kwento ko sakanya ang mga nangyari sa akin sa buong araw. Mula sa pagpasok ko sa first subject ko na maling kwarto pa ang napasukan ko kanina,hanggang sa prof na nagalit kasi nawala ang ballpen eh ginawa ng kasalanan namin hanggang sa humantong sa tutorial na nauwi sabangayan, insultuhan at away namin ni Alejo at hanggang sa umabot na sa bungguan namin ng crush ko na di ko alam ang pangalan kahit ilan buwan ko na siyang sinusulyapan lagi sa science building kapag dumadaan ako doon para pumasok sa subject ko sa physics. "Naging classmate mo pa pala pero di mo man lang inalam ang pangalan?" tanong ulit nito.


Nilunok ko muna ang isinubo kong kanin at ang ulam na pritong isda na binili namin bago ako sumagot. "Eh malay ko bang naging classmate ko pala 'yon? At saka ngayon ko lang naman siya crush eh."


"Kungdi mo pa makakabunggo di mo pa malalaman na naging classmate mo pala siya?" naiiling na tanong ulit nito tapos ay ininom ang natitirang tubig sa baso nito.


Tumango ako bilang sagot habang tuloy sa pagkain. Tumayo naman ito at tsaka dinala ang platong pinagkainan kasama ang kutsara't tinidor nitopagkatapos ay pumunta sa harap ng lababo at sinimulan ng hugasan ang pinagkainan. Binilisan ko na din ang pagkain baka kasi iwan na naman ako nito dito sa pantry eh nakakatakot pa naman din dito. May mga nag-k-kwento kasi na may nagpapakita daw ditong multo ng batang babaeat white lady lalo na daw doon sa washing area sa labas ng kusina malapit dito.


"Kaya nga eh. Pinagtagpo talaga kami kanina ni God, meant to be kami."nakangiti kong sabi ng nasa tabi na niya ako at naghuhugas na din.


"Ay Day ang landi mo! May forever na pala ngayon sa bungguan?"natatawa na din nitong sabi.


Tumango ulit ako bilang sagot na di maalis ang ngiti sa labi sa sobrang kilig.


"Hala? Eh di ba nagbungguan din naman kayo ni Keiv? So may forever din kayo?" tukso nito na humarap pa sa akin ng nakangiti at itinaas baba ang dalawang kilay.


Bigla naman akong napasimangot. Pinatay ko na ang gripo at saka hinarap muna ito habang hawak ang mga nahugasan ng pinagkainan ko. "Gummy kahit 'yong Alejo nalang na 'yon ang natitirang tao sa mundo di akomagkakagusto do'n. kahit ihampas mo pa 'yon sa likod ko hinding hindi ko 'yon papatulan!"


"Naku Aizelle gasgas na yang linya na 'yan." namaywang ito. "Actually marami na ang gumamit niyan eh. Nagamit na yan sa radyo, sa pelikula, sa telenovela, sa libro, sa kanta, sa tula, sama mo na din ang e-book at wattpad." mataray nitong sabi na nagtitikwasan pa ang mga bibig sabay talikod sa akin at naglakad na papunta sa kwarto namin. Sumunod naman agad ako.


"Eh bakit mo kasi ginigiit na magkakagusto ako sa Alejo na 'yan? Gusto mo bang mainlove ako sa isang demonyo, ha?" litanya ko dito habang inaayos namin ang mga plato sa lagayan.


Naupo naman muna ito sa kama at kinuha ang accounting book nito bago ako sinagot. "Di ko ginigiit Aize, alam ko lang na doon din papunta 'yang mga pag-aaway niyo kunwari na 'yan. Marami na akong nakilala na diyan nagsimula ang love story." kalmado nitong sabi sa akin bago binuklat ang hawak na libro at nagsimula ng magbasa. "Nagkabungguan,nagkasagutan, naging mortal na magkaaway hanggang sa nauwi na sapagmamahalan, nag-away pero nagkaayos din naman, hanggang sa nagkatuluyan din naman." parang story teller na salaysay nito.

Gamble For Love (Barkada  Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon