Game 8.

588 9 5
                                    

(Keiv P.O.V)

Naiinis ako ng makita ang ngisi ni Miss Dork. Akala mo naman ikinaganda niya ang pagngisi. Pasalamat ka malaking pusta ang nakapatong diyan sa ulo mo dahil kung hindi di kita pagtitiyagaan.

"Oh sige..." Maya-maya ay pabiting sabi nito pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Bahagya akong ngumiti. "Pero sa isang kondisyon!" Di maalis ang ngisi sa labi nito.

"Kondisyon?" Asar kung tanong habang nandidilat ang mapupungay kung mga mata. Mapungay talaga yan promise.

"Bungol?" Mataray namang sagot nito sa akin sa di ko maintindihang salita. Aba'y alien pa yata? Kalahi ni ET.

"What?" Kunot noo kung tanong sa sinabi nito pero pinagtawanan lang ako nito at ng babaeng lagi nitong kasama. Yung babaing sa tuwing nakikita nalang yata nya ay may nginunguya?  "Yeah right so funny!" I hissed to them.

"Ano payag kana sa kondisyon? Para matapos na tayo dito." She demanded at me.

Yabang ah? Pero sige pagbibigyan kita. Tahimik kung sabi sa isip ko.

"Anong kondisyon?" Tanong ko sa kalmang tono.

"Umoo ka muna."

"Sabihin mo muna yong kondisyon."

"Say yes first." She demanded

 

"No! You tell me what first." I insisted.

"Take it or leave it!"

"Huwag kang umarte diyan at di bagay sa kapangitan mo." Bulong ko.

"Ano na naman binubulong bulong mo diyan ha?" Dudang tanong nito.

 

"Anong kondisyon?" Pilit ang ngiting tanong ko. No choice. Kailangan kong sakyan ang kaartehan ng babaing to. Nadagdagan ang inis ko ng makitang ngumiti ito ng malapad.

"I want a public apology tomorrow!" Mayabang nitong turan habang nakachin-up.

"F#ck! What?" Gulat kung sigaw. "Aray!" At agad ding napaaray ng hampasin ako nito ng kipkip na notebook.

"Huwag mo akong ma f#ck f#ck na hudas ka!" Dinuro ako nito sa sintido at dinutdot na parang isdang tinitinda sa bangketa. Pusang ina naman oh!

Gamble For Love (Barkada  Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon