Game 9

57 1 0
                                    

Aizelle'sPOV




"Ano ba naman 'yan Alejo? Nilulumot na tayo dito pero wala ka paring natutunan?" halos pasigaw kong sabi kay Alejo na kakamot-kamot ng ulo habang nakayuko."Palibhasa walang laman yang utak mo eh!" dugtongko pa na agad ikinataas ng ulo nito sabay simangot.


"Edi wow! Ikaw na matalino! Ang galing mo eh, panget nga lang!" Naiinis na sagot nito sabay tayo at saka isa-isang dinampot ang mga gamit sadamuhan.


Inis na dinampot ko na rin ang mga libro na pinaghirapan ko pang hiramin sa library kanina para lang may magamit sa pagtuturo dito, kasi nga naiisp ko na mas maiintindihan nito at mas madali sa akin kapag may libro pero wala lang din palang silbi kasi nga wala paring pagbabago.Paano naman kasi e di naman ito talaga interesado. Tatlong beses pa lang kami nagkikita para sa tutorial 'kuno' na pakana nito sa trigonometry subject namin pero feeling ko tatlong taon na akongnagtitiis sa ugali at kabobohan nito.


Padaskol na isiniksik ko lahat ng gamit ko  sa malaking bag na gamit ko at sinadyang banggain ito ng bahagya sa tagiliran gamit ang siko ko ng dumaan ako sa tabi nito para umalis na at maunang umuwi.


"Aray!"malakas nitong daing ng masagi ko at muntik ng matumba mula pagsasara ng bag nito.


Pilit ang ngiti na nilingon ko ito at saka nagsorry na may kasamang 'peacesign' pa ng kamay bago ito dinilaan at kumaripas ng takbo paalis salikod ng Sommeridge Building kung saan kami nagkikta kapag alas singko ng hapon pagkatapos ng mga klase namin every MWF.


"Madapa ka sanang dork ka!!" narinig kong malakas pa nitong sigaw na sinagot ko lang ng malakas na tawa na agad din naman nauwi sa malakas ng tili ng bigla akong madapa sa damuhan ng may maapakan akong madulas.


Ito naman ang tumawa ng malakas na akala mo mauubusan na ng hangin sa katawan.


"Arayko naman..." naiiyak kong daing habang painot na bumabangon mula sa pagkakasubsob sa damuhan. "Lord, bakit naman ang bilis niyo magbigay ng karma?" naiiyak kong bulong.


"Hahaha!"Malademonyong halakhak nito na di ko namalayang nakalapit na palasa akin at nakatayo na sa tabi ko. "Ayan ka na naman sa katangahan eh no? Dagdag insulto pa nito na di maalis ang tuwa sa mukha.


Tignan mo nga 'tong Alejo na to. Di man lang ako tulungan, pinagtawanan pa ako. Hayop talaga.


Tinitigan ko lang ito ng masama at nakasimangot na inayos ang sarili ko. Buti nalang at madamo ang binagsakan ko at walang matutulis na bagay o bato kaya wala akong sugat o galos sa katawan.


"Ayan ang napapala ng mga mayayabang." muling nagsalita ang demonyo sa tabi ko na may nakakalokong ngiti at nakapamulsa pa. "Tsk,tsk, tsk, tsk! Matalino nga, tanga naman..." pabulong pero sinadya naman nitong iparinig sa akin.


Bwiset lang eh! Naku Lord, kung di lang po talaga kasalanan pumatay ng demonyo ay baka matagal ko ng pinasabugan ng atomic bomb ang walanghiyang to eh! Nang maialay Niyo na kay satanas ang kaluluwanito.

Gamble For Love (Barkada  Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon