CHAPTER 5
"Ano na? Start na ba?" kasalukuyan akong naka bantay sa harapan ng laptop ko dahil ano mang oras simula ngayon ipapaskil na nila yung entry ko para maka kuha ng libreng ticket. Kausap ko si Ruka sa telepono dahil naka salalay sa kanya ang pag kapanalo ko.
"Anong oras ba nila ipopost? Nako ha Leighton isang matinding pag pupuyat ang gagawin ko para sa Prolink na to."
"Ano ka ba naman Ruka! Minsan lang 'to and besides hindi mo rin ako matitiis." Narinig koi tong tumawa sa kabilang linya. Kahit naman kasi minsan against si Ruka sa mga desisyon ko sa buhay ko in the end sinosoportahan nya ako. Kasi gusto niya masaya ako..
"OMG!! AYAN NAAAAAAAA!!!! PAKENGFEEEEEEELS!!!!" kinatok ko yung kwarto ni kuya para sabihin na iinform yung mga tropa niyang jejemon. "Hoy!"
"Hoy ka din! Ano ba yan Leighton kumalma ka nga. Ano bang problema mo?! Teka nga.. Hindi ka pa naliligo!"
"Hindi na importante kung naka ligo ako o hindi kuya. Ang importante ay iinform mo na yang mga kaibigan mong jejemon na ilike yung entry ko." Pinitik niya ako sa noo.
"Aray ko! Bakit ba nananakit ka?!" nang aktong sasapakin ko na si Kuya, "Sinabihan ko na sila. Oo daw." Pero bago niya ako tuluyang ipag tulakan at ipagtabuyan sa kwarto nya.
"Sa kompetisyon may nanalo at may natatalo. Kung Manalo ka man, congratulations, kung hindi kailangan mong tanggapin. Ang mahalaga alam mo na ginawa mo ang lahat para Manalo ka." At yinakap ako ni kuya ng mahigpit. "Kahit anong mangyare, piliin mong maging positibo. Pero, ang baho mo na! Maligo kana ngang lintik ka!!"
"Mamaya na ako maliligo kuya. Salamat!" mabilis akong bumalik sa aking kwarto at nag simula ng mag tag ng mga kaibigan ko sa facebook.
Hi, pahingi naman ng konting time. Pwedeng pa like naman ng entry ko sa contest na ito? Maraming salamat po!
Inisa isa ko yung mahigit na 3 thousand friends ko sa facebook. Sana naman may mapala ako sa gagawin kong ito. Lord, kayo na po bahala sa akin..
Lumipas ang isang oras nakaka isang daang like pa lang ako. Yung iba nasa 300 plus na. Tumayo ako at nag paikot-ikot at ibinalot ang sarili sa kumot. Linapitan ko yung mga posters ko at kinausap ang mga ito..
"Please help me! Let me win this time."
Inabot ako ng umaga sa pag papalike ng entry ko. Kung hindi ko kasi sila imemessage isa isa walang mangyayare sa akin. Pupulutin ako sa kangkungan, nasa 1263 na yung likes. May 12 hours pa ako para mag pa like. Pero grabi din yung lamang nung iba sa akin.
7am na, kailangan ko munang matulog kahit 2 oras lang. Ipinikit ko na yung mga mata ko at natulog...
6 hours later....
"Leighton! Hindi k aba kakain?!!" automatic na nagising ang diwa ko nang marinig ko ang sigaw ni kuya. Tinignan ko yung alarm clock ko sa may side table ko. "OMY! 1 AM NA!!!!! KYAAAAAAAAAAAAA!!"
Mabilis akong tumakbo sa may laptop ko at binuksan ito. Chineck ko yung entry ko, at halos maiyak ako nang Makita ko yung dami ng likes ng entry ko.
8thousand likes na! Omy!! "AGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"
Hindi pa ako nakuntento dahil nag tatalon pa ako.. "Anong nangyare?!"
"Kuya! Ako na yung leading.. Akon a. Malayong malayo na sila sa akin.. Kuya!! Hanggang mamayang 6pm lang yan. Kuya.. KUYAAAA!!" linapitan ko si kuya na noon ay naka upo sa higaan ko at pinag sasabunot ko ito.
YOU ARE READING
CONFESSION OF A DIEHARD FAN
FanfictionHanggang kailan mo matatawag ang sarili mo na DIE HARD FAN? Hanggang kailan mo sila kayang suportahan? Mapapansin ka kaya niya? Being a diehard fan is fun, but falling in love with your idol is hard.