Kasama ko ngayon si Ruka, medyo napaaga ang pasok naming dalawa dahil may presentation kami sa school. Dahil malapit lang naman sa school ang starbucks ay nag stay muna kami doon upang mag kape at maki wifi.
"Parang pamilyar yung lalaki sa may side mo.." naka upo kami sa may couch doon kami puwesto dahil may saksakan doon. "Sino?" gamit ng nguso ni Ruko tinuro niya yung nasa lest side ko. Naka sumbrero ito at naka shades.
Pinag masdan ko ng mabuti yung mukha niya, S-SH-SHIT! Si Calyx ba itong nasa tabi ko?
"Omg, si Calyx yata yan Ruka." Bulong ko kay Ruka. "Oh ano pang hinihintay mo? Dali! Tutal wala ka namang hiya mag pa picture kana! Diba palagi mo naman bitbit yang mga Cd nila dahil nag babakasakali ka na maka bangga mo sila sa mall at makapag pa pirma ka? Ano pang hinihintay mo?! TUMAYO KANA DIYAN!! BILISAN MO! PAUBOS NA YUNG INIINOM NIYA." inilabas ko yung salamin na naka tago sa bag ko, at inayos ko ang aking sarili,
"Anong itsura ko?" iniikot ni Ruka ang mga mata nito. "Mukha kang Zombie dahil pareho tayong team puyat kagabi. Bilisan mo na nga.."
Tumayo na ako, sumunod naman si Ruka. Nang lalapit na kami kay Calyx lumapit sa amin yung manager niya. Bawal daw ang picture.
"Hindi naman ako sayo mag papapicture kuya, kay ano..." dahil maraming ka schoolmate ko ang nasa loob ng SB, minabuti kong hindi banggitin ang pangalan niya. Mahirap na baka mag ka gulo pa dito. Maudlot na naman yung diskarte ko.
"Kuya isa lang.. Please?" alam kong desperada na ako. Pero.. IHH! This is it! Nakita kong naka tingin sa akin si Calyx. "Kuya isa lang.." pag mamakaawa namin ni Ruka.
Mukhang nakulitan na si Calyx, kaya tumayo na ito. Nakakainis naman tong panot na to! Ayan na e! Lagi na lang may balakid!!
Pero......
Pero...
WAIT. INHALE. EXHALE..
Laking gulat ko nang lumapit sa akin si Calyx, at inakbayan ako. "Isa lang naman diba?" nakita ko itong ngumiti ng malapitan. Grabe kahit na mukhang pagod na pagod ito ang gwapo gwapo nya pa din. Kinurot kurot ako ni Ruka..
"Nasaan na ba yung cellphone mo?" para akong na possess na binigay na lang basta basta ang cellphone ko kay Calyx. Natauhan lang ako nang matawa ito sa wallpaper ko.
SHIT!!! WALA PAMAN DIN SIYANG T-SHIRT DUN! baka mamaya isipin niya pinag nanasaan ko siya. Medyo. Pero... DARN IT! NAKAKAHIYA!!
"Game?" the next thing I knew, naka akbay ito sa akin at nag seselpi kami. "One, two.. three!"
Para bang pansamantalang lumipad yung kaluluwa ko sa katawan ko. "Ngumiti ka naman. Again.."
This time, naka ngiti na ako. Inilapt nya ang ulo nya sa may pisngi ko at ngumiti ito. "There you go.." ibinalik niya na sa akin yung cellphone ko. Kinuha niya din sa kamay niya yung Cd ng Prolink at pinirmahan niya ito.
"Sorry kung medyo mukha akong matamlay. Medyo pagod kasi ako.."
"Hindi! Okay lang okay lang.." parang gustong lumabas ng puso ko sa katawan ko. Kaya sinusubukan kong kumalma.
"Calyx, we have to go." sabi nung manager ni Calyx sa kanya. "Okay girls, nice meeting you. Pero we really need to go. Thank you for supporting Prolink, Leighton. And kahit sana anong mangyari susuportahan mo pa rin ang Prolink.Okay?"
"How did you know my name?" ngumiti ito at itinuro nya yung name tag ko na naka pin sa may bulsa ng blouse ng uniform ko. May binulong ito sa Manager niya, nagulat ako nang may ibinigay siyang ticket sa akin.
"SUPER VIP?" Ngumiti ito.. "Yeah, so see you there." YInakap ko ito, at tuluyan ng nag paalam sa idol ko.
"Bye!" isinuot niya na yung shades niya at nilisan na nila ang starbucks.
"RUKA!!!!" Nag tatalon ako sa starbucks. Pwede na akong mamatay.
"Na videohan ko.." nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong sabihin yun sa akin ni Ruka, "Pwera doon sa part na nag selpi tayo. Aba, syempre gusto ko kasama ko."
Mabilis akong nag tungo sa gallery ng cellphone ko. "OMG TALAGA.. Pumila pa ako ng pag kahaba -haba ito lang pala.. Ito lang pala ang kailangan ko." sa sobrang saya ko hindi ko napigilang maiyak.
"Kita mo yun? Ang bait ng idol ko." yinakap ako ni Ruka, "Ang tagal mong nag hirap, kaya you deserverd every bit of it."
Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang kamay ko sa sobrang nerbyos. Hindi na ako nag dalawng isip pa at nag pa print na ako ng pictures namin. Ipag mamalaki ko to kay Kuya.
Nang makapunta na kami sa school, at maka pasok na kami sa classroom. Bumungad sa akin yung kaibigan kong fan din ng Prolink.
"Nabasa mo na ba yung sa news?" kumunot ang noo ko, "News? Anong news?"
"Aalis na si Calyx sa Prolink. Kaka announce lang kanina.." para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. Para akong sinampal ng maraming beses..
Kaya siguro nag kita kami kanina kasi yun na ang huling beses na makikita ko siya.
"Calyx is getting married. Actually, hindi pumayag yung management nila pero yun ang gusto ni Calyx." hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak ako.
"They are planning to live in US, kasama siyempre yung fiance niya." napaupo ako umiyak. Mas masakit pa to noong nag ka girlfriend siya e. Pwede naman siyang mag pakasal ng hindi niya iniiwan yung grupo niya. Bakit kailangan niyang umalis? BAKIT?
"For the last time.. mag kaka concert sila. Hindi ko alam kung ano nang mangyayare saProlink nito." kaya pala.. kaya pala ganun. Ang daya daya naman e.
6 buwan lang yung lumipas nung last na nag concert sila.. tapos.. ganito agad? MASYADO NANG MASAKIT. Kakayanin ko pa ba to??
Para akong namanhid sa nalaman ko. Naninikip dibdib ko. Kaya pala malungkot siya kanina.. Kaya pala ganun siya. Pero hindi ko pa rin kayang tanggapin na yung bias ko ay aalis na. Ang sakit. Ang HIRAP.
Yinakap na lang ako ni Ruka dahil nakikita niyang halos mamatay matay na ako sa iyak ko.
Hindi madaling tanggapin na yung taong minahal, at sinoportahan mo ng ilang taon ay aalis na. Bakit ba kasi kailangan mong umalis? Bakit?
Ito na siguro yung sinasabi ni Kuya.. pero hindi pa ako handa na iwanan sila at mag move forward. Mahal ko sila masyado. Mahirap bitawan yung fandom na to. Sobrang hirap..Hindi ko rin kaya na tanggalin yung posters nila sa kwarto ko.
Magiging mahirap to sa fandom namin, pero kung doon siya masaya doon na rin kami. Kaya lang... hindi ko alam kung paano sisimulan.
SOBRANG HIRAP.
YOU ARE READING
CONFESSION OF A DIEHARD FAN
FanfictionHanggang kailan mo matatawag ang sarili mo na DIE HARD FAN? Hanggang kailan mo sila kayang suportahan? Mapapansin ka kaya niya? Being a diehard fan is fun, but falling in love with your idol is hard.