MAY PROMOTIONAL VIDEO PO YAN SA MAY SIDE. :)
----
PROLOGUE
Mahirap maging DIE HARD FAN,
Kailangan marami kang pera, pambili ng official goods, ticket, album, key chain at kung anu-ano pang may picture nila. Ganon naman dapat talaga, hindi ba?
Kailangan mo ding tiisin ang sermon ni nanay dahil may idinikit ka nanamang poster sa pader ng kwarto mo. Yung pintura daw kasi.
Kailangan mabilis ka ring tumakbo, para una ka lagi sa pila. Para mas malapit ka sa kanila in case na mag open gate.
Minsan kailangan mong mag tipid para may pambili ka ng ticket sa concert ni Idol. Minsan nagagawa mo pang mag sinungaling sa magulang mo, para madagdagan lang ang ipon mo. May project daw sa school pero ang totoo, pambili lang ng album.
Minsan nagagawa mong pumunta sa lugar na hindi ka familiar. Doon kasi ang location ng mall tour nila. Okay lang na maligaw ka. Ang importante, makita mo sila.
Minsan nagiging warfreak ka, dahil linalait nila ang mga idol mo. Nagiging key board warrior ka lalo pag inaaway online ang mga idol mo.
Minsan halos mabaliw ka na, dahil minu-minuto silang tumatambay, sumu-sulpot sa utak mo. Hindi ka tuloy maka pag concetrate sa ginagawa mo.
Sa sobrang kabaliwan mo, pati sa iyong pag tulog kasama mo sila. Minsan ambisyosa ang panaginip mo, at pinapakasalan mo sila. Pag gising mo mag re-reklamo ka, dahil panaginip lang pala.
Minsan hindi ka rin nakikinig sa teacher mo, dahil yung utak mo lumilipad dahil sa bagong labas na music video nila.
Madalas hindi nila maintindihan yung mundo mo, hindi nila nakikita yung mga bagay na nakukuha mo sa tuwing nakikita mo sila. Pero hinahayaan mo lang silang mang husga, kasi masaya ka.
Masakit na hindi mo sila mahawakan, masakit na hindi mo sila masundan kahit saan. Dahil hindi ka naman mayaman para puntahan sila kahit saan sila pumunta.
Facebook at twitter na lang nga ang pag asa mong maka usap mo sila, swertihan pa kung mapapansin ka nila.
Hindi ka naman kasi sikat na tao para mapansin ka nila.
Pero wala ng mas sasakit pa, pag ang ultímate bias mo ay IN RELATIONSHIP na.
Hanggang kailan mo matatawag ang sarili mo na DIE HARD FAN?
Kontento ka na ba sa hanggang panaginip mo lang makakausap at mahahawakan si IDOL?
O maluwag mong tatanggapin sa sarili mo na kahit anong gawin mo, FAN ka lang niya.
Kahit anong gawin mo, hindi ka niya makikita.
Bumili ka na ng album, pinanood mo na ng maraming beses ang mga music videos nila, vinote sa mga music programs.. pero hindi ka pa rin niya nakita.
Being a diehard fan is fun, but falling in love with your idol is hard. Expecially when you don't even exist in his world. Your just a fan.. period.
A fan who can only love her bias from a distance.
A fan who will sacrifice everything for her beloved idol,
A fan who will scream from the top of their lungs just to let her idol know that they are famous..
This is Leighton, and this is my confession.--
A/N: Mas mag f-focus ako dito, once or twice ko siyang i-a-update. Sana suportahan niyo 'to.
This story is dedicated to all the KPOP fans out there. This is my story(Chos!), this is our story. Sana maka relate kayo dahil sa maniwala kayo, sobrang nakaka relate ako habang binabasa ko 'to.
PROPERTY OF ASRAH028
YOU ARE READING
CONFESSION OF A DIEHARD FAN
FanfictionHanggang kailan mo matatawag ang sarili mo na DIE HARD FAN? Hanggang kailan mo sila kayang suportahan? Mapapansin ka kaya niya? Being a diehard fan is fun, but falling in love with your idol is hard.